00:00Pag-Pinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miembro ng Philippine-Japan Economic Cooperation Committee sa isang courtesy call sa Malacanang.
00:08Kaugnay ito ng nalalapit na 14th Asia Business Summit na gaganapin sa Maynila.
00:13Binigyan diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pulong na bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pilipinas na palakasin ng ugnayang pang-ekonomiya sa rehyon matapos sa mga hamong dulot ng pandemia.
00:25Ayon kay Pangulong Marcos Jr., magpapatibay ito sa ugnayan sa pagitan ng mga bansa para makamit ang katatagan, kaunlaran at progreso sa harap ng nagbabagong panahon at pagbabago sa mga pulisiya sa kalakalan.
00:38Inaasahang dadalo sa summit ang mga business leader mula sa iba't ibang bahagi ng Asia para talakayin ang mga estrategiya para sa mas malalim na kooperasyon sa rehyon.
00:49Naging mabunga ang pag-uusap ni na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney.
00:59Sa isang phone call, tinalakay ng dalawang lider ang mga paraan upang lalo pang mapalalim ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Canada,
01:09partikular na sa larangan ng kalakalan, depensa at pagpapanatili ng kapayapaan sa Indo-Pacific region.
01:17Inihayag din ng Pangulo ang pasasalamat ng pamahalaan ng Canada sa agarang tulong na ibinigay sa Filipino community sa Vancouver
01:26matapos ang trahedya sa Lapu-Lapu Day Festival.
01:29Ayon kay Pangulong Marcos Jr., hangad ng Pilipinas na mas lalo pang patatagin ang partnership ng dalawang bansa para sa kapakinabangan ng kanilang mga mamamayan.