Hiniling ng mga residente ng isang subdvision sa Caloocan na kanselahin ang isang certificate ng PrimeWater para makapagsuplay ng tubig sa kanila. May mga araw kasi umanong walang tubig-gripo o kaya naman ay marumi ito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hiniling na mga residente ng isang subdivision sa Kaloocan na cancelahin ang isang certificate ng prime water para makapagsupply ng tubig sa kanila.
00:11Nakatutok si Marie Zumali.
00:15May mga araw daw na tulad nito, walang tulo ng tubig sa gripo o kaya malabo, madilaw o marumi.
00:24Ganito raw ang karanasan ng mga residente sa Tierra Nova subdivision sa Bagumbong Kaloocan City.
00:29Ngayon nga lang po kami nagreklamo pero all the years ay napaka dumi ang tubig.
00:36Tinataasan pa nila kami sa magkano ang tubig ngayon, 98 per cubic meter.
00:44Kaya nga po sana nga po ay mabigyan po ng kustisya po.
00:47Huwag gawin negosyo, servisyo sa tao.
00:51Kanina nagpunta ang kinatawa ng kanilang Homeowners Association sa National Water Resources Board
00:56para maghain ang petisyon upang ipakansila ang Certificate of Public Convenience o CPC ng prime water
01:03na siya nagsusupply ng tubig sa Tierra Nova.
01:05Ang laman po ng petisyon namin is to cancel po yung service ng prime water doon po sa aming,
01:11dahil po sa patuloy po na kawalan ng tubig, then mataas na bill po ng metro nila,
01:20and then yung regular po na interruption ng tubig and yung quality po ng tubig na nakukuha namin.
01:29Katuwang ang Water for the People Network at samahan at ugnayan ng mga consumer para sa ikauunlad ng bayan,
01:36nakipagdayalogo rin sila sa NWRB.
01:39Ang mga residente, napipilitan na lang daw na bumili ng 60 pesos kada drum na tubig para sa paliligo
01:45at 25 pesos kada container para sa inumin,
01:48habang patuloy pa rin daw silang sinisingil ng prime water.
01:52Inerereklamo rin nila ang 10 taong extension ng kanilang CPC kahit di naman daw dumaan sa public consultation.
01:58Tinitignan na raw ito ng NWRB.
02:01Sa isang text message, sinabi ng prime water na kumukuha lamang daw sila ng bulk supply
02:06o maramihang supply ng tubig mula sa Maynilad.
02:09Ang tungkulin lamang daw nila ay ang pamamahagi o distribution nito.
02:14Ang solusyon daw ay bangunahing nakadepende sa supply ng tubig mula sa Maynilad.
02:18Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng Maynilad ukol dito.
02:23Tungkol naman daw sa nararanasang mahinang presyon,
02:26sabi ng prime water, ito ay karaniwang dulot-umanon ng mataas sa demand tuwing peak hours.
02:32Tinanggap ng NWRB ang petisyon pero anila,
02:35kailangan daw muna nilang puntahan itong Tierra Nova subdivision
02:39para personal na masuri ang mga reklamo ng mga residente bago makapag-desisyon sa petisyon.
02:44Then pag may hindi na-complete doon, there will be a corresponding penalty.
02:49Sinabi ko nga kanina, 100 pesos to 100 pesos a day.
02:52And then pag na-establish siya at a repetition niyan,
02:55that can be the grounds for revocation or suspension of the CPC.
03:02May dapat din daw isa alang-alang.
03:04For example, kakancelan nyo.
03:06O paano yung tubig ng tao?
03:07Baka naman wala silang, wala naman pwede mag-takeover kaagad dyan.
03:11So binabalance rin naman ng board yung ano.
03:13Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali, Naktutok, 24 Oras.
03:19Sabi naman ng Maynilad na nagbibigay ng tubig sa prime water
03:24para ma-supply nito sa Tierra Nova subdivision,
03:28ang volume at presyo ng tubig na binibigay nila ay batay sa napagkasundoan nila.
03:34At base sa kanilang monitoring, wala daw issue sa kanilang panig
03:38na makakaapekto sa daloy at presyo ng tubig gripo.
03:41Ang mismong distribution sa subdivision naman ay minamanage ng prime water.

Recommended