Skip to playerSkip to main content
Ipinasilip na ng MMDA ang disenyo ng mga cistern o ‘yung imbakan ng tubig na planong ilagay sa ilalim ng UST at sa Camp Aguinaldo bilang pangontra sa baha. Nasa anong estado na ba sila sa pagpapaalam sa unibersidad?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Music
00:00Ipinasilip na ng MMDA ang disenyo ng mga cistern o yung imbaka ng tubig na planong ilagay
00:12sa ilalim ng UST at sa Camp Aguinaldo bilang pangontra sa baha.
00:17Pero nasa anong estado na ba sila ng pagpapaalam sa universidad?
00:22Nakatutok si Joseph Morong.
00:23Wala pang isang oras ang ulan sa Maynila noong biyernes pero lubog na agad sa bahaang maraming galsada sa Maynila.
00:35Ayon sa MMDA, gumana naman ang tatlong pumping station sa Maynila pero di kinaya ang pinagsamang epekto ng high tide at ulan.
00:44Yung natural conveyance ng tubig doon sa area papunta po ng Manila Bay ay naharangan po ng mataas na tubig sa Manila Bay.
00:53Kaya ang balak ngayon ng MMDA magpagawa ng mga cistern o yung imbaka ng tubig tulad ng sa BGC.
01:00Pinaplano yan sa hanggang 10 metrong lalim ng UST grounds sa Maynila kung saan maaaring mag-imbak ng tubig na kayang pumuno sa 30 Olympic size na swimming pool.
01:11Sobra-sobra yan sa volume ng baha sa bahagi ng UST at Espanya.
01:16Sabi ng MMDA kung hindi naman tagulan, pwede yung parking nga ng cistern ng hanggang apat na raang sasakyan.
01:22Nakipag-usap na ngayong araw ang MMDA at Manila City Hall sa UST at naghihintay na lamang ng sagot ng University Board.
01:30Kami po yung mag-maintain at mag-ooperate noong catchment na yan to ensure na wala pong basura, hindi po pamamahaya ng lamok.
01:39At ganoon din po dahil po ito ay heritage or conservation site, i-nessure po namin ang UST na ibabalik po namin yung kanilang field kung hindi man sa dati ay sa mas maganda pong state.
01:59Tinatayang limang mga cistern o imbakan ng mga tubig ang itatayo sa buong Metro Manila at posibleng mauna na ngayong taon yung cistern na itatayo sa may Camp Aguinaldo.
02:09Tubig na kasha sa lampas labing dalawang Olympic size swimming pool naman ang pwedeng i-imbak sa cistern na ilalagay sa ilalim ng Camp Aguinaldo Golf Course.
02:20Doon naman padadaluhin ang tubig mula EDSA.
02:23Pagkatapos ng ulan ay saka naman ito ilalabas sa Makiling Creek.
02:26Magtatayo rin ang mga cistern sa Raja Sulaiman at ni Wasang Bonifacio sa Maynila at Ninoy Aquino Wildlife Park sa Quezon City.
02:35Nakikita po namin sa ibang bansa lalo na sa mga urban cities na ito na po yung talagang pinapanlaban nila.
02:44Singapore, Hong Kong, Japan, rain catchment na po.
02:48Kung magsimula na ang mga proyektong ito, maaaring i-monitor ang status ng paggawa sa website na nasa inyong screen.
02:55Dito rin maaaring ma-monitor ang iba pang proyekto tulad ng mga ipinapatayong school building at iba pang infrastructure project.
03:03Lahat ang nakikita nyo sa General Appropriations Act, nandu doon yan.
03:08Hindi guni-guni yung nakalagay dapat sa General Appropriations Act natin.
03:12Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
03:18Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn

Recommended