Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
[Trigger warning: Sensitibong video]


Nauwi sa paninigas at pag-iyak ang paghithit umano ng isang rider sa isang uri ng sigarilyo na kung tawagin ay ‘tuklaw.’ May naitala ring tatlong kabataan na tila kinukumbulsyon dahil sa sigarilyong ginagamit sa Vietnam at may mas malakas na uri ng tobacco. Hinala ng PDEA may halo ang sigarilyo at hinihintay na nila ang resulta ng lab test sa sample ng mga hinithit.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:04Nauwi sa paninigasa at pag-iyak,
00:07ang paghitit umano ng isang rider
00:09sa isang uri ng sigarilyo
00:11na kung tawagin ay tuklaw.
00:14May naitalaring tatlong kabataan
00:15na tila kinukumbulsyon
00:17dahil sa sigarilyong ginagamit sa Vietnam
00:18at may mas malakas na uri ng tabako.
00:23Hinala ng pidea, may halo ang sigarilyo.
00:26Hinihintay na nila ang resulta
00:28ng lab test sa sample ng mga hinit-hit.
00:31Nakatutok si Mark Salazar.
00:36Viral ngayon ang video ng lalaking ito
00:38na tila naninigas at umiiyak
00:40habang hawak ng ilang tao sa lungsod ng tagig.
00:44Ang lalaki, pinahit-hit umano
00:46ng isang rider ng sigarilyo
00:47na kung tawagin ay tuklaw.
00:50Matapos nito, ganito na raw ang sinapit
00:52ng lalaki na dinala sa ospital.
00:54Bago yan, ay may insidente na rin
00:59ng tatlong kabataan na nakuhana ng video
01:01habang tila kinukumbulsyon sa tabing kalsada
01:04matapos din umanong humithit ng tuklaw
01:07na tinatawag ding black cigarette.
01:09Nangyari yan sa Puerto Princesa sa Palawan.
01:12Ayon na rin po doon sa dalawang minors natin na victims
01:16after nilang hit-hitin yung alleged
01:20dinidescribe nila na cigarette
01:23doon na po nagsimula mag-iba yung pakiramdam nila
01:25at yun na po, mag-start na po yung seizure-like episodes nila
01:30o yung panginginig ng katawan nila
01:32na hindi nila makontrol.
01:33Ang PIDEA o Philippine Drug Enforcement Agency
01:36alam na rin ng mga insidente ito
01:38ng mga kabataang ikangay na tuklaw.
01:40Ayon sa PIDEA, ang tuklaw ay nanggagaling sa Northern Vietnam
01:45at tinatawag doon na tuwaklaw.
01:48Ang uri ng tabakong gamit dito
01:50mas malakas kesa ordinaryong sigarilyo.
01:53Ayon sa Adjance France Press
01:55ang tuwaklaw ay karaniwang hinihit-hit
01:57gamit ang malalaking bamboo pipe.
02:00Ayon naman sa ilang artikulo online
02:02hindi raw ito hinihit-hit na parang ordinaryong sigarilyo
02:06at dapat hinay-hinay lang dahil lubha itong matapang.
02:09That's 9% yung nikotina niya
02:12as compared to the regular cigarettes
02:14na around 1 to 3% nikotin lang.
02:16So, doon mo makikita na mataas talaga
02:19ang concentration ng nikotin sa tuklaw cigarettes.
02:22Bakit ito ganun kataas?
02:24Because of the plant na ginamit dyan,
02:29yung nikotina rustica
02:30as compared to nikotina tabakum
02:34na yan yung ginagamit for ordinary cigarettes.
02:37Hinihintay ng PIDEA ang resulta ng lab test
02:40ng sample ng hinithit na mga nangisay na kabataan.
02:43Pero may suspet siya na ang PIDEA.
02:45Pusibleng may ibang halo ang black cigarette
02:47na kanilang hinithit.
02:49Kung talagang black cigarette
02:50o tuklaw cigarette lang
02:52ang hinithit na mga kabataan ito,
02:54malakas na rin ang tama
02:55pero hindi para mangisay ng ganito.
02:58Pusibleng mga cannabis,
02:59shabu and cocaine,
03:00there are also hallucinogenic effects po.
03:05So, depende po sa resulta ng laboratorio,
03:08depende sa katawan ng tao,
03:10yun yung maging epekto po sa tao.
03:12There could be seizures,
03:14there could be hallucinations.
03:15Tinanong naman natin yung kasama rin nila na nanginig.
03:18May mga binabanggit naman siyang
03:20kung saan niya nakuha
03:22pero subject for investigation pa natin
03:25para makonfirm talaga natin
03:26kung kanino nang galing talaga itong
03:29alleged na sigarilyo na hinithit nila.
03:31Sa ngayon,
03:32nagpapatuloy ang investigation ng PIDEA.
03:35Sinisilip din nila ang bentahan ng tuklaw online
03:37na sa pagkakaalam ng PIDEA
03:39ay hindi raw kasama
03:41sa mga regulated na sigarilyo sa merkado.
03:44Nagbuo na ng special task force ang PNP
03:46para sa kasong ito.
03:48Napangungunahan ng PNP Puerto Princesa
03:50at gagabayan ng PNP Mimaropa.
03:53Kailangan pa na masusing investigation ho dyan
03:55kasi maaari hong naging adventurous lang itong mga ito
03:59or there could be a possibility
04:02na may nais mag-smuggle ng mga prohibited items
04:05sa ating bansa.
04:06Para sa GMA Integrated News,
04:08Mark Salazar,
04:10Nakatutok 24 Horas.
04:18Kailangan pa na masusing
Be the first to comment
Add your comment

Recommended