00:00Hindi na umabot sa banko ang mayigit 100,000 pisong ededeposito sana ng isang lalaki sa Kaloocan City.
00:07Tinangay ang pera ng mga nag-aabang na riding in tandem na nakipagbuno pa noong una sa biktima.
00:13Nahuli kami yan sa pagtutok ni Marisol Abduraman Exclusive.
00:20Tila may inaabangan sa bahaging ito ng MacArthur Highway sa Kaloocan,
00:25ang dalawang lalaking nakuna ng CCTV.
00:27Dumaan ang isang lalaki na dinikitan at tinutukan ang baril ng isa sa mga nag-aabang.
00:33Nagpambuno ang dalawa, kaya bumaba na ang rider.
00:47Tumakas ang riding in tandem.
00:49Tangay ang mahigit 152,000 pesos na dala ng biktima at idedeposito sana sa banko.
00:54Ang hindi nila alam, may nakakita sa panguhold-up nila sa biktima.
00:58Hinabol niya po yung riding in tandem hanggang sa nabutan niya at ito'y binangga niya.
01:04Natumba ang riding in tandem.
01:06May mga pulis sa area, kaya agad na nahuli ang rider.
01:09Nakatakas ang kanyang angkas.
01:11Ang tinangay na pera, nabawi ng mga otoridad.
01:14Sa investigasyon ng Kaloocan Police, may kasabwat ang mga suspects sa pinagtatrabahuan ng biktima na siyang tagadeposito sa banko.
01:21Na-pattern na po siya.
01:24Sa tingin po namin ma, may tipster po doon sa loob na nagsasabi,
01:28o palabas na dito si ***, magdideposit na yan, abangan niyo na yan dyan.
01:33Napagalaman din ng mga otoridad.
01:35Nakasama ang mga suspects sa grupong sangkot sa ibang robbery hold-up sa lugar.
01:39Nakausap ng GMA News ang na-arest ng suspects.
01:42May mga sugat siya sa noo, paa at sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:46No comment siya sa tanong ng pagnanakaw.
01:48Patuloy ang manhunt operation ng Kaloocan Police sa kasama ng suspect na dati na rin daw nasangkot sa iba pang krimen.
02:08Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.