Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inimbisigan na ng PIDEA ang mga viral video ng mga nangisay,
00:04mga tapos humithit na isang uri ng sigarilyong, kung tawagin ay, tuklaw.
00:09Ang tingin po ng PIDEA, posibleng may ibang halo ang tinatawag na black cigarettes.
00:14Saksi, si Mark Salazar.
00:19Viral ngayon ang video ng lalaking ito na tila naninigas at umiiyak
00:23habang hawak ng ilang tao sa lungsod ng tagi.
00:26Ang lalaki, pinahithit umano ng isang rider ng sigarilyo na kung tawagin ay tuklaw.
00:33Matapos nito ay ganito na raw ang sinapit ng lalaki na dinala sa ospital.
00:39Bago yan, ay may insidente na rin ng tatlong kabataan na nakuhana ng video
00:44habang tila kinukumbulsyon sa tabing kalsada.
00:47Matapos din umanong humithit ng tuklaw na tinatawag ding black cigarette.
00:52Nangyari yan sa Puerto Princesa sa Palawan.
00:54Ayaw na rin po doon sa dalawang minors natin na victims.
00:59After nilang hit-hitin yung alleged, dinidescribe nila na sigaret,
01:06doon na po nagsimula mag-iba yung pakiramdam nila
01:08at yun na po, mag-start na po yung seizure-like episodes nila
01:13o yung panginginig ng katawan nila na hindi nila makontrol.
01:16Ang PIDEA o Philippine Drug Enforcement Agency,
01:19alam na rin ng mga insidente ito ng mga kabataang ikangay na tuklaw.
01:23Ayon sa PIDEA, ang tuklaw ay nanggagaling sa Northern Vietnam
01:27at tinatawag doon na tuwaklaw.
01:31Ang uri ng tabakong gamit dito, mas malakas kesa ordinaryong sigarilyo.
01:36Ayon sa Adjance France Press,
01:38ang tuwaklaw ay karaniwang hinihit-hit gamit ang malalaking bamboo pipe.
01:43Ayon naman sa ilang artikulo online,
01:46hindi raw ito hinihit-hit na parang ordinaryong sigarilyo
01:48at dapat hinay-hinay lang dahil lubha itong matapang.
01:52That's 9% yung nikotina niya as compared to the regular cigarettes
01:56na around 1 to 3% nikotin lang.
01:59So, doon mo makikita na mataas talaga ang concentration ng nikotin sa tuklaw cigarettes.
02:04Bakit ito gano'ng kataas?
02:07Because of the plant na ginamit dyan, yung nikotina rustica,
02:15as compared to nikotina tabakom,
02:17na yan yung ginagamit for ordinary cigarettes.
02:19Hinihintay ng PIDEA ang resulta ng lab test
02:23ng sample ng hinithit na mga nangisay na kabataan.
02:26Pero may suspet siya na ang PIDEA.
02:28Pusibling may ibang halo ang black cigarette na kanilang hinithit.
02:32Kung talagang black cigarette o tuklaw cigarette lang
02:34ang hinithit na mga kabataan ito,
02:37malakas na rin ang tama,
02:38pero hindi parang mangisay ng ganito.
02:40Pusibling mga cannabis,
02:42shabu and cocaine,
02:43there are also hallucinogenic effects po.
02:47So depende ako sa resulta ng laboratorio,
02:51depende sa katawan ng tao,
02:53yun yung maging epekto sa tao.
02:55There could be seizures,
02:57there could be hallucinations.
02:58Tinanong naman natin yung kasama rin nila ng nanginig.
03:01May mga binabanggit naman siyang kung saan niya nakuha,
03:05pero subject for investigation pa natin
03:08para makonfirm talaga natin kung
03:09kanino nang galing talaga itong alleged na sigarilyo na hinithit nyo.
03:14Sa ngayon nagpapatuloy ang investigation ng PIDEA.
03:18Sinisilip din nila ang bentahan ng tuklaw online
03:20na sa pagkakaalam ng PIDEA ay hindi rin kasama
03:23sa mga regulated na sigarilyo sa merkado.
03:26Nagbuo na ng special task force ang PNP
03:29para sa kasong ito
03:30na pangungunahan ang PNP Puerto Princesa
03:33at gagabayan ang PNP Mimaropa.
03:35Kailangan pa na masusing investigation ho dyan
03:38kasi maaari hong naging adventurous lang itong mga ito
03:41or there could be a possibility
03:45na may nais mag-smuggle ng mga prohibited items sa ating bansa.
03:49Para sa GMA Integrated News,
03:51ako si Mark Salazar,
03:54ang inyong saksi.
03:56Kooperasyon sa National Defense
03:58at mga kasunduan para sa turismo
04:01at space research.
04:02Ang ilan po sa mga nilagdaan sa state visit
04:05ni Pangulong Bongbong Marcos sa India.
04:08Saksi lahat!
04:10Si Salima Refra.
04:12Salima?
04:15Tia, namaskar dyan sa inyo sa Pilipinas.
04:18Alas 8 na nga ng gabi
04:19dito sa Pamoso India Gate
04:20sa New Delhi sa India
04:22kung saan nga may mga watawat ng Pilipinas
04:24bilang pagbati sa state visit
04:26ng Pangulong Bongbong Marcos.
04:28Sa mga oras na ito,
04:29dumadalong Pangulo
04:30sa isang dinner banquet na inihanda
04:32para sa kanya
04:32sa presidential residence.
04:34Kanina,
04:35nakapulong ng Pangulo
04:36ang Varta Janta Party,
04:38ang pinakamalaking political party
04:40dito sa India.
04:41Pero bago yan,
04:42labing tatlong kasunduan
04:43ang pinirpahan
04:44ng Pilipinas at India
04:45na yung ikalawang araw
04:47ng state visit
04:48ng Pangulo.
04:48Puno ng kultura
04:54ang ceremonial honors
04:55para kay Pangulong Bongbong Marcos
04:57nang bumisita siya
04:58sa Rastrapati Bhavan
05:00ang presidential residence
05:01ng India.
05:03Formal siyang tinanggap
05:04ni na Indian President
05:05Drupadi Murmu
05:06at Prime Minister Narendra Modi
05:08at iba pang matataas
05:09opisyal ng India.
05:11Kasama rin ang Pangulo
05:12si First Lady
05:12Lisa Araneta Marcos
05:14at ilang niyembro
05:15ng gabinete.
05:16I think it is a reaffirmation
05:18of the alliance
05:20and the partnership
05:21that we are strengthening.
05:23Sa Hyderabad naman
05:24ay nagpulong sila
05:25ni Prime Minister Modi.
05:27Hinarap din sa kanila
05:28mga kasunduan
05:29kabilang ang deklarasyon
05:30ng strategic partnership
05:32ng dalawang bansa
05:32at plan of action
05:34sa implementasyon nito.
05:36Apat sa mga kasunduan
05:37ay tungkol sa pagpapalakas
05:39ng national defense.
05:41May tatlong terms of reference
05:42para sa pag-uusap
05:43ng mga sandatang lakas
05:44ng Pilipinas at India
05:45at mas pinagting na
05:47maritime cooperation
05:48sa mga Coast Guard
05:49ng dalawang bansa.
05:50May mga kasunduan rin
05:52sa digital technology,
05:53science and technology,
05:55legal assistance,
05:56at transfer ng sentence persons,
05:58tourism, culture,
06:00at space research.
06:01We express satisfaction
06:03over the rapid pace
06:04of the Philippines'
06:05ongoing defense modernization
06:07and expanding capabilities
06:09and footprint
06:10of India's indigenous defense industry
06:13as a partner
06:14in this undertaking
06:15exceptrified
06:16by our Brahmos project.
06:19India and the Philippines
06:21are friends
06:23by choice
06:24and partners
06:26by destiny.
06:29From the Indian Ocean
06:30to the Pacific,
06:32we are united
06:33by shared values.
06:36Nagpasalamat rin ang Pangulo
06:38sa tulong at support
06:39at ang binibigay
06:40ng India sa Pilipinas
06:41tulad ng declaration
06:42of support nito
06:43sa Orbital Award
06:44ng Pilipinas
06:45sa South China Sea
06:46at pagligtas
06:47sa mga tripulanting Pinoy
06:49na binihag ng huti.
06:51Dumaan din ang Pangulo
06:52at ang kanyang delegasyon
06:53sa Rajgat
06:54o Mahatma Gandhi Memorial.
06:57Suot ang tradisyonal
06:58na telang chinela
06:59sa mga Indian
06:59at alinsunod sa tradisyon
07:02nag-alay ng bulaklak
07:03ang Pangulo
07:03at unang ginang
07:04sa tinaguri
07:05ang ama
07:06ng Indian independence.
07:07Pia ang mangikayat
07:14naman
07:14sa mga
07:15investments
07:16at negosyo
07:17ang hangat ng Pangulo
07:18sa pakipagpulong bukas
07:19sa Indian business community
07:21dito yan
07:22sa New Delhi.
07:23Bukas naman ng gabi
07:24ay magsasalita siya
07:25tungkol
07:25sa forward causes.
07:27At live mula nga dito
07:29sa New Delhi sa India
07:30para sa GMA Integrated News.
07:32Ako,
07:32si Sanima Rafra
07:33at inyong saksi.
07:35Gustong palitan
07:36ni Sen. Irwin Tulfo
07:38ang buwan ng ayuda
07:38sa ilalim ng
07:40Pantawid Pamilyang
07:40Pilipino Program
07:41o 4Ps
07:42ng isang bagsak
07:44na puhunan
07:44sa negosyo.
07:46Ang sagot dyan
07:47ng DSWD
07:48sa pagsaksi
07:49ni Dano Tingkungko.
07:54Dahil walang trabaho
07:56at gustong mapag-aral
07:57ang mga anak,
07:58nag-apply ang inanicate
07:59sa Pantawid Pamilyang
08:00Pilipino Program
08:01o 4Ps
08:02noong 2019.
08:03Sa education po namin,
08:05binibili po niya mama
08:06yung mga gamit po namin
08:07sa school
08:08pag may natatanggap po siya
08:09and yung
08:11sa health naman po namin
08:12yung mga gamot po
08:13nakakabili din naman po siya
08:15and also yung mga
08:16ibang
08:16kailangan po namin
08:19sa bahay.
08:21Like yung mga
08:21bigas po.
08:23Pero may kondisyon
08:24ng ayuda
08:24tulad ng pagdalo
08:26sa mga family development session
08:27para mapaunlad
08:28ang kanilang kabuhayan.
08:29Nagtuturo po yung mga
08:31municipal link po
08:32ng iba't-ibang pamamaraan po
08:33kung paano po namin
08:34magagamit yung mga cash grant
08:35at also po
08:36and tinuturoan din po nila
08:39ang mga
08:404Ps beneficiary po
08:42na maging aktibong
08:43mamamayan po
08:44hindi lang po
08:44in terms ng education
08:45in terms din po
08:47ng pagiging
08:48kuwarang pamilya po.
08:52Ngayon,
08:52graduate na ng
08:53office administration
08:54si Kate
08:54at planong tumulong
08:55sa pamilya
08:56lalo't 7 taon lang
08:57ang maximum na tagal
08:58ng pagtulong
08:59ng gobyerno.
09:00Pero kung si
09:01Sen. Erwin Tulfo
09:02ang tatanungin
09:03dapat buwagin
09:03ng tuluyan
09:04ng programa.
09:05Imbes na buwan
09:06ng ayuda
09:06na may kondisyon
09:07magbigay na lang
09:08anya ng isang
09:09bagsak na puhunan
09:10sa negosyo.
09:10Yung pang isang taon
09:11nila matatanggap
09:13ibigay mo na
09:13ng lamsam
09:14at bahala ka na dyan
09:16pero bago mong
09:17bigyan sila ng budget
09:18kailangan
09:19alam nila
09:20sabihin nila
09:21kung anong
09:21bagagawin na sa pera
09:22na yun
09:23at may training po sila.
09:25Pero tanong
09:25ng DSWD
09:26ngayon pa ba buwagin
09:27ang programa
09:28kung malinaw
09:29naman ang
09:29benepisyon nito?
09:31Walang reason
09:31na talagang
09:32i-scrap
09:33or buwagin
09:34ang programa
09:35kasi napatunayan
09:36that
09:37Pantawid
09:38Pamilyang
09:39Pilipino
09:39Program
09:40can contribute
09:41para magbumaba
09:43ang ating
09:44poverty incidence.
09:46Katumbas
09:46ng tatlong
09:47milyong
09:47Pilipino
09:48ang matatanggal
09:49sa kahirapan
09:49dahil sa tulong
09:50ng four-piece
09:51ayon sa DSWD.
09:52Hindi lang kasi
09:53ito tungkol
09:53sa pagbibigay
09:54ng pera.
09:55Kabilang sa kondisyon
09:56nito
09:56ang tiyake
09:57ng mga magulang
09:58na nag-aaral
09:58ng mga anak
09:59at regular
10:00na bumibisita
10:00sa health center
10:01ng ilang taon
10:02habang nasa
10:03ilalim sila
10:04ng four-piece.
10:05Ang edukasyon
10:06at kalusugan
10:07at ang itinuturo
10:08sa kanila
10:08sa mga sesyon
10:09ang kayang
10:09bumasag
10:10sa kahirapan.
10:11Hindi tulad
10:11ng pera
10:12o puhunang
10:12maaaring
10:13maubos
10:13sa wala.
10:14Mahirap po
10:15yung one time
10:16kasi hindi mo
10:17maaassure
10:18na talagang
10:19tuloy-tuloy
10:20yung pag-aaral
10:20ng mga bata.
10:22Pero at least
10:22ngayon
10:23susundan mo eh.
10:24Susundan mo
10:25at talagang
10:27madidevelop
10:28yung
10:29behavior.
10:33Yun naman
10:33ang purpose
10:33ng four-piece
10:34yung behavior change
10:36na talaga
10:37yung mga magulang
10:37kahit mahirap
10:38mabigyan lang
10:40ng pagkakataon
10:41na makapag-aaral
10:41ang mga anak.
10:42Talagang
10:43magsusumikap.
10:45Ang mahalaga
10:47ayon sa DSWD
10:48ay maiahon
10:49sa kahirapan
10:49ng mga
10:50benepisaryo
10:50kaya tuloy-a
10:52niya
10:52ang pagrepaso
10:53sa four-piece
10:54para masiguro ito.
10:55Para sa GMA Integrated News,
10:57akasida na tingkung
10:58kang inyong
10:58saksi.
11:01Tinawag
11:02na matinding
11:03kabalintunaan
11:04ni Pablo
11:04Vergilio
11:05Cardinal David
11:06ang pagkaso
11:08sa mayhirap
11:08na nagsusugal.
11:09Gayong gobyerno
11:10niya
11:11ang pinakamalaking
11:12promotor
11:12ng online gambling.
11:14Nasabi po yan
11:15ang Cardinal
11:15sa kanyang post
11:16tungkol sa lalaking
11:17na sa wing.
11:18Matapos hanapin
11:18ang amang na-aresto
11:19dahil sa pagkakakarang
11:20Cruz.
11:22Saksi
11:22si Jonathan Andal.
11:28Pumukaw sa atensyon
11:29ni Kalaocan Bishop
11:30Pablo Vergilio
11:31Cardinal David
11:32ang sinapit
11:33ng pamilya
11:34ng 20-anyos
11:35na estudyanteng
11:36si Dion Angelo
11:37O'Gelo
11:37na namatay
11:38sa leptospirosis.
11:40Lumusong siya
11:40sa gabaywang
11:41na baha
11:41para hanapin
11:42ang amang
11:43bigla na lang
11:43daw nawala noon.
11:44Pero na-aresto
11:46pala ang ama
11:46dahil umano
11:47sa pagkakaracruz.
11:48Ayon sa kanyang
11:49pamilya,
11:50diktima ang ama
11:50ni Jelo
11:51ng tinatawag
11:51daw na
11:52pansakto
11:53ng mga pulis.
11:54Kinagulat ako
11:55bakit ka nakadetail
11:56tapos
11:57tinago ka pa
11:58ng tatlong araw
11:59na hindi ka man lang
12:00pinakontak
12:01sa pamilya mo.
12:02Hindi po
12:03kami
12:04gumagawa
12:05ng mga ganong
12:06insidente
12:07yung
12:07sinasabi nilang
12:09pansakto
12:10o kukuha na lang kami
12:11nung sino-sino mang
12:13tao dyan
12:14para
12:14gawin namin
12:16more accomplishment.
12:17Pansamantalang
12:18nakalaya
12:18ang ama ni Jelo
12:19pero maaharap pa rin siya
12:20sa kaso ng
12:21iligal na sugal.
12:22Ang Presidential Decree
12:231602
12:24noong panahon
12:25ni dating
12:25Pangulong
12:26Ferdinand Marcos
12:26Sr.
12:27ang batas
12:28na nagtakda
12:28ng mas mabigat
12:29na parusa
12:30sa illegal
12:31gambling
12:31kabilang
12:32ang Caracruz.
12:33Ginawaraw ito noon
12:33para labanan
12:34ang salot ng lipuna
12:35na umuubos daw
12:36sa pera
12:37ng mamamayan.
12:38Sa kanyang post
12:39sa social media
12:39ipinunto ni Cardinal David
12:41na mahihirap lang
12:42ang biktima
12:43ng batas na ito
12:44katulad din daw
12:45ng oplantokhang
12:46ng nakaraang
12:46administrasyon
12:47kung saan
12:48ginawaraw kota
12:49ang mga drug suspect
12:50para mapromote
12:51sa serbisyo.
12:52Sabi ni Cardinal David
12:53ilang dekada na
12:54ang lumipas
12:55pero walang naaresto
12:56ni isa sa mga
12:57malalaking gambling lord.
12:58Isaan niyang
12:59matinding kabalit-tunaan
13:01na habang kinakasuhan
13:02ang mga mahihirap
13:03na nagsusugal
13:04ng Caracruz
13:04wala naman daw
13:06tayong magawa
13:06sa gobyerno
13:07na promotor rao
13:08mismo ng sugal
13:09gaya ng online gambling
13:10sa pamamagitan
13:11ng pagkor.
13:12Hiningan namin
13:13ng tugon dito
13:13ang pagkor
13:14pero wala pa silang sagot.
13:15Hinihingan din namin
13:16ng tugon dito
13:17ang PNP
13:17pati ang Malacanang.
13:19Nito lang Pebrero
13:19pinawalang sala
13:20ng Korte Suprema
13:21ang dalawang nalaking
13:22akusado rin
13:23ng pagkakara-cruz.
13:24Dapat lang daw ito
13:25sabi ni Supreme Court
13:26Senior Associate Justice
13:28Marvick Lionen.
13:29Dahil bukod daw
13:29sa hindi sapat
13:30ang ebidensya
13:31laban sa dalawa
13:31nakapagtataka raw
13:33kung bakit
13:33pinarurusahan pa rin
13:34ang mga nagkakara-cruz
13:36gayong pinapayagan
13:37naman ang pagsusugal
13:38sa mga kasino.
13:39Ang ganitong sistema
13:40target lang daw
13:41ang mga mahihirap
13:42na hindi kayang maglaro
13:44sa mga lisensyadong
13:45establishmento.
13:46Napansin din ni Justice
13:47Lionen
13:48ang pattern
13:48sa ilang kaso
13:49ng mga pag-aresto
13:50dahil sa cara-cruz
13:51na ang kadalasang
13:52kasunod daw
13:53ay tila-lihiti mong
13:54warrantless search
13:55kung sa nakukuhanan
13:56ng iligal na droga
13:57ang mga naaaresto.
13:59Hiningan namin
13:59ng datos
14:00ang PNP
14:01kung ilan na
14:01ang mga nahuli nila
14:02sa cara-cruz
14:03pero wala pa silang tugon.
14:04Nakaburol ngayon si Jello
14:05at ang gusto muna
14:06ng kanyang pamilya
14:07magkaroon siya
14:08ng maayos na libing.
14:09Panawagan ni Cardinal David
14:10ipagdasal ang pamilya
14:12ni Jello
14:12at maging ang ating
14:13mga sarili
14:14para matigil na aniya
14:15ang pagtaas
14:16ng pagbaha
14:17ng kawalang katarungan
14:18para wala na raw
14:19kabataan
14:20katulad ni Jello
14:21ang mapagkaitan
14:22ng kinabukasan
14:23dahil sa kabalintunaan
14:25ng sistemang
14:26nagpaparusa
14:27sa mahihirap
14:27at pumuprotekta
14:29sa mga makapangyarihan.
14:31Para sa GMA Integrated News
14:32ako si Jonathan Andal
14:33ang inyong saksi.
14:36Iminungkay ng Department
14:37of Agriculture
14:38na itaas ang taripa
14:39sa imported na bigas
14:40para protektahan
14:42ang mga lokal
14:42na magsasaka.
14:44May good news
14:44sa man
14:44ang Philippine Statistics
14:45Authority
14:46sa usapin
14:47ng inflation rate.
14:48Saksi,
14:49si Sandra Ginaldo.
14:50Mas mabagal na pagmahal
14:52ng kuryente,
14:53LPG,
14:54pagkain
14:54at non-alcoholic beverage.
14:56Ayon sa Philippine Statistics
14:58Authority,
14:58nakatulong ang mga yan
14:59kaya umabot lang
15:00sa 0.9%
15:02ang inflation rate
15:03nitong Kulyo,
15:04pinakamabagal
15:05sa loob ng halos
15:066 na taon
15:07o mula
15:07noong October 2019.
15:09Nakaambag din
15:10sa pagbagal
15:11ng inflation
15:12ang 20 pesos
15:13kada kilo
15:14ng bigas
15:14para sa mga
15:15piling sektor.
15:16May impact siya.
15:18Ang nakikita namin,
15:19particular dito
15:19sa regular meal drives
15:20kasi siya yung substantial
15:22na talagang
15:23bumaba
15:24yung presyo.
15:25May ambag din
15:26ang pagbaba
15:26ng gasto
15:27sa transportasyon
15:28pero tandaan,
15:29may pagmahal pa rin
15:31ang bilihin
15:31mas mabagal nga lang.
15:33Ayon sa PSA,
15:34kung mababa
15:35ang inflation,
15:36hindi na nga
15:36nga hulugan
15:37na mababa rin
15:38ang presyo
15:38ng lahat
15:39ng bilihin.
15:40Nananatili raw
15:41mataas ang presyo
15:42ng baboy,
15:44manok at isda.
15:45Ano po sa experience
15:45nyo ang mahal?
15:47Baboy,
15:48mahal mam eh.
15:49Pati
15:49bangos,
15:53250 na dati,
15:54mga 180 lang.
15:56Kasi,
15:56may mga items nga tayo
15:58na medyo
15:58substantial yung
15:59pagtaas.
16:00I mentioned kanina,
16:01yung presyo
16:02ng baboy.
16:03Ang ating presyo
16:04ng pork
16:05per kilo,
16:06ang tinatrack namin,
16:08for example,
16:09yung kasim.
16:10Ang ating average price
16:12noong July
16:13ay nasa
16:14P371
16:16average
16:18for the Philippines.
16:19Pero noong July
16:20last year,
16:20ito ay nasa
16:20P335
16:21lang.
16:22Nagsimula na ring
16:23maramdaman
16:24ang pagmahal
16:25ng gulay
16:25dahil sa epekto
16:26ng mga
16:26nagdaang bagyo
16:27at habagat.
16:28Sa ngayon,
16:29inaasang mananatiling
16:30mura ang bigas,
16:31maliban kung matuloy
16:33ang pagtataas
16:33ng taripa
16:34sa imported rice.
16:36Pag may
16:36i-increase
16:37yung tarip,
16:38ang implication niya
16:39is that
16:39there will be
16:40an increase
16:40in the retail price.
16:42So titignan natin
16:42kung gaano
16:43kabilis
16:43ang increase.
16:45Ang mungkay
16:46ng Department
16:46of Agriculture
16:47mula sa 15%,
16:49gawin munang
16:5025%
16:51at kalaunay
16:52gawing 35%
16:53ang taripa
16:54sa imported
16:54na bigas.
16:55Layo nitong
16:56protektahan
16:57ang mga lokal
16:58na magsasaka
16:58ngayong masyadong
16:59mura ang presyo
17:00ng bigas
17:01sa world market.
17:02Sa presyo
17:03ng bigas,
17:04hindi naman yan
17:05kagad mararamdaman
17:06dahil it will take
17:07some time
17:08bago makarating
17:08yung bigas
17:10na imported
17:10na mas matas
17:12ang taripa.
17:13Inirekomenda rin
17:13itigil ang pag-aangkat
17:15ng bigas
17:15sa loob ng
17:1645 hanggang
17:1760 araw
17:18simula sa
17:19anihan sa
17:20September
17:20alinsunod sa
17:21inamyandahang
17:22Rice Tarification Act.
17:24Sa Section 3
17:25ng Republic Act
17:2712.078,
17:28pag maraming
17:30pumasok
17:32na imported
17:33na bigas
17:34at local
17:34production,
17:35the President
17:36may
17:37temporarily
17:38hold or stop
17:40importation
17:41of rice.
17:42Tiniyak naman
17:42ang Department
17:43of Agriculture
17:44na sapat
17:45ang supply
17:45ng bigas
17:46kahit itigil
17:47muna ang importasyon.
17:48Pabor naman daw
17:49dito ang
17:49Federation of
17:50Free Farmers
17:51pero sana raw
17:52ay dati pa
17:53itong ginawa
17:54para hindi
17:54gaano bumagsak
17:56ang presyo
17:56ng palay.
17:57Dapat talaga
17:58yung una
17:59nating tulungan
17:59yung mga farmers
18:00kasi sila
18:01yung
18:01naghahatid
18:02ng pagkain
18:03natin
18:03sa
18:03hapagkainan.
18:04Para sa
18:05GMA
18:05Integrated News,
18:07ako si Sandra
18:07Aguinaldo,
18:08ang inyong
18:09saksi.
18:11Para maiwasan
18:12ang nangyaring
18:12kalbaryo
18:13sa North
18:13Lozen Express
18:14Way
18:14dahil sa
18:14baha
18:15noong
18:15isang buwan,
18:16inatasan
18:17ng Transportation
18:17Department
18:18ng NLEX
18:18Corporation
18:19na linisin
18:20ang mga
18:21baradong
18:21daluyan
18:22ng tubig
18:22malapit
18:23sa
18:23express
18:23way.
18:24Saksi
18:25si Joseph
18:26Moll.
18:29Nagmistulang
18:30ilog
18:30ang ilang
18:31bahagi
18:31ng North
18:32Lozen Express
18:32Wayo
18:33NLEX
18:33nang manalasa
18:34ang bagyong
18:35krisig
18:35na sinamahan
18:36ng epekto
18:37ng habagat.
18:38Kung hindi
18:39nalubog
18:39sa baha
18:39na ipit
18:40ng 6
18:41hanggang
18:4112
18:41oras
18:42sa mga
18:42sasakyan.
18:44Para hindi
18:44na maulit
18:45inutusan
18:45ng Transportation
18:46Department
18:46ng NLEX
18:47Corporation
18:48na linisin
18:49ng mga
18:49baradong
18:50daan
18:50ng tubig
18:51na nagkumpulan
18:52malapit
18:52sa NLEX.
18:53Isa ang
18:54click na ito
18:54dito sa Valenzuela
18:55sa labing isang
18:56mga lugar
18:57sa Valenzuela
18:57at may
18:58kawayang
18:58bulakan
18:59na barado
19:00na.
19:00Kaya
19:00naman
19:01kapag
19:01may tuloy-tuloy
19:02na pagulan
19:02tulad
19:03nung isang
19:03buwan
19:04itong
19:04mga
19:05creek
19:05na ito
19:05umaapaw
19:07sa NLEX.
19:09Dula dito
19:09sa mapulang
19:10lupa
19:10creek
19:10nakatabi
19:11lamang
19:11ng NLEX
19:12na nasa
19:12isang
19:12kilometer
19:13rin
19:13na daanan
19:14ng tubig.
19:15Sako-sakong
19:16basura
19:16na ang nakuha
19:17dito
19:17simula
19:18kahapon.
19:20Mababaw
19:20na rin
19:21ang creek
19:24na gawa namin
19:25ano to
19:26clearing
19:26and dredging
19:27sa bayna.
19:29Pinagtutulong-tulungan
19:30ng linisin
19:30ng mga
19:31baradong
19:31daluyan
19:32ng tubig
19:32na mga
19:33City Hall
19:33ng Valenzuela
19:34at may
19:34kawayang
19:35bulakan.
19:36Ayon sa
19:36DOTR
19:37dapat ay
19:38regular
19:38ang paglilinis
19:39sa mga
19:40daluyan
19:40ng tubig.
19:41Ang importante
19:41nga dito
19:42kailangan
19:43bilisan
19:43kasi habang
19:44hindi pa
19:45gumababyo
19:45yet,
19:46hindi pa
19:46lumalakas
19:46ang ulan,
19:48minimize
19:49na natin
19:50yung
19:50bara.
19:51Tutulong
19:51na rin
19:51ang MMDA
19:52at
19:54Pag naipit
19:55kasi yung traffic
19:56at nag-extend
19:57dito sa Balintawa
19:57hanggang EDSA,
19:59marami po
20:00tayong kababayan
20:01din na
20:01naiipit
20:02sa traffic.
20:02Ang Endex
20:03Corporation
20:03naman,
20:04patuloyan
20:04nilang
20:05makikipag-hugnayan
20:06sa pamahalaan
20:07para maipatupad
20:08ang mga
20:08flood control
20:09measure.
20:10Para sa
20:10GMA Integrated
20:11News,
20:11Joseph Morong
20:12ang inyong
20:13saksi.
20:15Mababahat pa rin
20:16ang chance
20:16na maging bagyo
20:17ng low pressure
20:18area
20:18na nasa loob
20:19na ng
20:19Philippine Area
20:20for
20:20Responsibility.
20:21Uli itong
20:22namataan
20:22sa layong
20:23715 km
20:24silangan
20:25ng Infanta
20:25Quezon.
20:27At sa pag-asa,
20:27posiblit
20:28itong lumapit
20:28o tumawid
20:29sa Luzon
20:29sa mga
20:30susunod na
20:30araw.
20:31At mababa
20:32man ang chance
20:33na maging bagyo,
20:33dapat pa rin
20:34maging alerto
20:35dahil magdadala
20:35ito ng
20:36maulang panahon
20:37habang
20:37lumalapit
20:38sa lupa.
20:39Ramdam na
20:40ang epekto
20:40ng trough
20:41ng LPA
20:42sa silang
20:42bahagi
20:42ng Southern
20:43Luzon
20:43at Visayas.
20:45At dahil may
20:46bagong
20:46sama ng panahon
20:47sa loob
20:47ng PAR,
20:48unti-unti
20:49ang bumabalik
20:50ang ihip
20:50ng habagan.
20:52Basa sa datos
20:53ng Metro Weather,
20:53umagang bukas,
20:54may mga pag-ulan na
20:55sa Bicol Region,
20:57Quezon Province
20:57at ilang bahagi
20:58ng Visayas.
20:59At bandang tanghali,
21:00magsisimula
21:01ng tumaas
21:01ang chance
21:02ng ulan
21:03sa halos buong
21:03badsa.
21:04May heavy
21:05to intense rains
21:06gaya sa Northern
21:06at Central Luzon,
21:08Bicol Region,
21:09Western Visayas
21:09at malaking bahagi
21:10ng Mindanao.
21:12Kaya maging handa
21:12sa posibleng
21:13pagbaha
21:13o landslide.
21:15At dito po
21:15sa Metro Manila,
21:16posibleng pa rin
21:17umulan bukas,
21:18lalo na sa hapon o gabi
21:19dahil sa mga thunderstorms.
21:24Natuldo ka na
21:25ang 7 taong panuloko
21:26ng umano'y peking
21:27doktor sa mata
21:28matapos ireklamo
21:29ng dati niyang pasyente.
21:31Saksi,
21:32si John Consulta,
21:33exclusive.
21:40Huli sa akto
21:41habang nag-i-examine
21:42ng pasyente,
21:43ang suspect
21:44ng umano'y
21:44isang peking
21:45doktor sa mata.
21:46Ayon sa NBI-NCR,
21:49dating naging
21:50pasyente niya doon
21:52na nagbigay sa amin
21:53ng info
21:54na hindi naman
21:55gumaling,
21:57hindi naman
21:58nagkaroon ng
22:00corrective
22:00ano yung kanyang
22:01pinatingnan.
22:04When we
22:04accosted him
22:05at tinanong namin
22:08kung meron siyang
22:09lisensya,
22:10una nagpakita siya
22:12ng PRC card.
22:14But when we
22:16confirmeded him
22:17na meron
22:17kaming certification,
22:19he admitted
22:20to us
22:21na wala
22:22at PK yung
22:23kanyang card.
22:24Na-recover ng
22:25limang libong
22:25pisong mark money
22:26habang kumbiskado
22:27naman ang
22:28kanyang mga
22:28equipment.
22:29Since 2018,
22:31mga seven years
22:32na,
22:33and he's
22:34charging
22:345,000 pesos.
22:36Kung meron ka pang
22:37kukuning lens,
22:39ay ibang,
22:40ano pa ito,
22:41ibang bayad.
22:42You can just imagine
22:43kung may sinasabi siyang
22:45corrective at hindi
22:46naman
22:47efektivo.
22:49And in some cases,
22:51may mga
22:51driver dito
22:53na nagpapatingin
22:55ng mata.
22:56May mga
22:56iba na kailangan
22:58dun sa
22:58requirement nila
23:00sa
23:00kanilang
23:02trabaho.
23:04Sinusubukan pa namin
23:04makuha ang panig
23:05na suspect
23:06na naharap
23:07sa patong-patong
23:08na reklamo.
23:08Sinarch namin siya
23:09for violating
23:10the violations
23:11of the
23:12optometry law
23:13and din yung
23:14use of
23:15falsified
23:15document,
23:16yung card.
23:18Nakakulong siya
23:19ngayon.
23:19Na-inquest ito
23:20at nakakulong siya
23:21ngayon.
23:21Para sa GMA
23:22Integrated News,
23:24ako,
23:24si John
23:25Consulta,
23:26ang inyong
23:26saksi.
23:28Mga kapuso,
23:29maging una
23:29sa saksi.
23:30Mag-subscribe
23:31sa GMA
23:31Integrated News
23:32sa YouTube
23:33para sa
23:33Ibat-ibang
23:34Balita.
Comments

Recommended