00:00Magandang gabi po Luzon, Rizales at Mindanao.
00:05Na lapnos ang isang lalaki sa Maynila, matapos masabugan dahil umano sa tumagas na LPG.
00:12Nabagsakan pa siya ng nasusunog dalon ha, kaya nadagdagan ang lapnos sa balat.
00:17Ang unang pinagdalahang ospital, hindi umano sila tinanggap.
00:21Umaapin lang ngayon ng tulong ang pamilya sa gamutan at nakatutok si Jomer Apresto.
00:30Hindi gaanong hagip sa CCTV pero matatanaw ang isang tao na tumatakbo habang nasusunog ang kanyang katawan.
00:39Sa barangay 871 sa Pandakan, Maynila, lapnos ang balat ng 41 anyos na si Anisete Benito matapos siyang masabugan ng LPG.
00:48Ayon sa barangay, nangyari ito habang naghahanda siya ng lulutuing pambentang almusal.
00:53Gamit ang fire extinguisher ng barangay, dali-dali raw nilang sinubukang apulahin ang apoy.
00:58Agad din daw pinuntahan at ginising ng biktima ang dalawa niyang anak.
01:02Kumuha siya ng kumot para basahin, para matakpan.
01:08Ang dalawang bata, para may tawid niya palabas.
01:12Matapos makalabas ng bahay ang kanyang mga anak, sakto naman na nabagsakan ang nasusunog na luna ang katawan ng biktima.
01:19Kaya nadagdagan pa lalo ang lapnos sa kanyang balat.
01:22Pagka lusan ng luna, mano sa katawan niya. Kaya nakaubad kayo siya eh. Kaya ang bilis ng kapit ng luna sa kanya.
01:32Agad namang isinakay sa mobil ng barangay ang biktima papunta sa paggamutan.
01:37Pero sabi ng anak ng biktima, hindi agad tinanggap sa ospital ang kanyang tatay.
01:41Bakit niyo po hindi tinanggap kung kailan? Critical na po. Nakita niyo naman po yung kalagayan ng tatay ko noon. Hindi niyo man lang po binigyan ng first aid.
01:51Tinanggap naman ang biktima sa Philippine General Hospital at makalipas ng labing isang oras na operasyon, stable na ang kanyang kondisyon.
01:58Pero kinailangang bendahan ang kanyang buong katawan.
02:02Sinubukan namin makipagugnayan sa ospital na sinasabing hindi tumanggap sa biktima pero wala pa silang opisyal na pahayag.
02:08Base sa Republic Act 8344, maaring patawan ng parusa o penalty ang isang ospital na hindi tumanggap o hindi nagbigay ng karampatang lunas sa isang pasyente sa emergency cases.
02:20Nananawagan naman ang tulong sa lokal na pamahalaan ng pamilya ng biktima para sa pambili niya ng mga gamot.
02:26Patuloy ang investigasyon sa sanhi ng pagsabog ng LPG.
02:30Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
02:38Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
Comments