Skip to playerSkip to main content
Magkaiba ang pananaw ng dalawang grupo ng mga abugado kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Pero tingin ng isang eksperto, mapapalalim nito ang pagtalakay tungkol sa mga impeachment proceedings.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magkaiba po ang pananaw ng dalawang grupo ng mga abogado
00:03kagnay sa desisyon ng Korte Suprema sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:09Pero tingin ang isang eksperto mapapalalim nito ang pagtalakay tungkol sa mga impeachment proceedings.
00:15Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:20Sa kita ng patuloy na debate kognay sa impeachment ni Vice President Sara Duterte,
00:25naglabas ng pahayag ang Integrated Bar of the Philippines na nananawagang sundin ang desisyon ng Korte Suprema
00:32na nagdeklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment laban sa Vice.
00:37Nagbabala ang IBP laban sa panawagang pagsuway sa desisyon ng Supreme Court
00:42dahil sisirain daw nito ang pundasyon ng legal order o yung batas at alituntunin na pinapatupad sa isang lipunan.
00:50Bantaan nila ito sa balanse ng kapangyarihan at integridad ng democratic institutions
00:56gayong meron pa naman mga legal remedy sa loob ng saligang batas.
01:01Si Rep. Joel Chua, member ng House Prosecution Panel,
01:05hindi sangayon sa pahayag ng IBP.
01:07Nauunawaan niya ang pinagbumula ng IBP.
01:11Pero ang kamaraan niya ang ma-esklusibong kapangyarihan
01:14na isulong ang Articles of Impeachment alinsunod sa konstitusyon.
01:18Ang desisyon aniya ng Supreme Court ay nagsusuplant o nagpapalit,
01:24nage-expad o nagpapalawak,
01:26at nagdadagdag sa anumang nakasaad sa konstitusyon.
01:30Bago nito, mahigit 80 faculty member ng UP College of Law
01:34ang nagsabi sa isang pahayag na nababahala sila
01:37sa desisyon ng Supreme Court na nagpahinaan nila sa impeachment proceedings.
01:42May kapagyarihan daw ang kongreso sa ilalim ng konstitusyon
01:46at nararapat itong bigyang laya sa kanilang mga procedure
01:50at pagsasagawa ng impeachment.
01:52Ayon kay dating IBP President Atty. Domingo Cayosa,
01:56may pagkakaiba man ang pananaw ng dalawang grupo ng mga abugado
01:59makabubuti ito para mapalalim ang pagtalakay sa isyo,
02:04lalo't di pa naman pinal ang desisyon ng Supreme Court
02:07at pwede pang mag-file ng motion for reconsideration.
02:11It's not only interesting, but it is very important
02:14when you look at it as what is at issue here
02:19is accountability of high public officials.
02:22Nagkakama din naman ang Supreme Court eh.
02:25In a number of instances, the Supreme Court has corrected itself
02:29and reversed its own ruling.
02:32Isa raw sa maring tingnan ay ang panukalang gawing prospective
02:35ang desisyon o ipatupad na lang sa hinarap at hindi ngayon.
02:39Eh, paurong ito eh kasi kung kitignan mo,
02:43nagdagdag ng mga requirements wala naman sa konstitusyon
02:47and worse, it makes holding them accountable more difficult.
02:53Yung itong issue na ito, it will affect future generations
03:00kung it will remain as it is.
03:02Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended