Inihain ngayon sa Supreme Court ang petisyon para pigilan muna ang Senado sa pagpapasya sa gagawin nitong aksyon sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ito’y hanggang hindi pa raw lumalabas ang desisyon ng Korte Suprema sa motion for reconsideration na hinihinging baliktarin ang ruling nitong nagdeklarang ‘null and void’ sa impeachment complaint.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Ang ruling nitong nagdeklarang null and void sa impeachment complaint.
00:35Nakatutok si Ian Cruz.
00:40Ibat-ibang grupo ang nagtipon sa harap ng Korti Suprema ngayong araw.
00:44Halos iisa lamang ang isinisigaw nila matuloy ang impeachment laban sa vice-presidente.
00:50Sara Duterte!
00:54Panawagan natin na ituloy ang impeachment, magpatawag ng oral arguments, baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema.
01:03Naghahay ng petisyon sa Korte Suprema ang political coalition group na isang bayan para sa status ko anti-order
01:10para huwag munang magdesisyon ang Senado kung itutuloy o hindi ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
01:18Ang gusto nila, hintayin muna ang pasya ng Supreme Court sa petisyon nila at ng Kamara
01:23para i-review ang disisyong nagdeklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment.
01:30We are knocking on the Senate na sana pakinggan muna itong mga issues, let us stretch out all the issues
01:38bago tayong magdesisyon kung i-dismiss or whatever ang gagawin natin.
01:43Hiling nila magkaroon ngayon ng oral arguments, bagay na hindi ginawa bago ilabas ng Korte Suprema ang desisyon nito.
01:51Very important na magkaroon tayo ng oral arguments para malinis, masuri, mapag-aralan, maklaro at mahimay ng kumpleto kung ano man ang agam-agam ng Korte.
02:06Sa inilabas ngayong statement ng Korte Suprema, sinabi nito matapos matanggap ang motion for reconsideration ng Kamara,
02:13pinagkokomento nito ang mga petitioners kabilang si Vice President Duterte sa loob ng sampung araw.
02:19Nagsabi na ang kampo ng Vice na tatalima sila sa utos na ito.
02:25Inulit din ang Korte na immediately executory ang unanimous desisyon nitong nagpapadismiss sa ikaapat na impeachment complaint laban sa Vice
02:34dahil labag ito sa one-year ban at due process requirements.
02:38Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
Be the first to comment