00:00Kinalampag naman ang iba't ibang grupo ang Senado para ipanawagan ang agad na pag-umpisa sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
00:11Mensahe pa ng isang tatayong prosecutor sa Senate President. Itigil ang anyay, mga palusot. Nakatutok si Maki Pulido.
00:20Itigil na ang pagtiteka-teka sa impeachment at agad-agad na itong simulan. Ang paulit-ulit na mensahe ng iba't ibang grupo tulad ng tindig Pilipinas sa tapat ng gate ng Senate Building kaninang umaga.
00:36There are moments in history when you stop the transactional politics and you actually stand on the constitution and principle. And this is one of those times.
00:47Ang gusto po natin now na simulan yung impeachment.
00:50Itigil na rin daw ang mga palusot, sabi ni ML Partylist Representative Elect Laila de Lima kay Senate President Cheez Escudero.
00:58Wala naman daw makakapigil na batas kung itawid ang impeachment trial hanggang 20th Congress.
01:02Pwede yung mga preliminaries na yun pwedeng gawin before the onset of the next Congress hanggang June 30.
01:10Pero no impediment at all, legal or constitutional, para hindi ito pwedeng tumawid sa next Congress.
01:20Tinawag naman ni Linggayan Dagupan Archbishop Socrates Villegas na isang kasalanan ng pagpapaliban o pagkansila sa impeachment trial.
01:28Kasalanan daw ito dahil pinipigilang lumabas ang katotohanan.
01:32Kaya nga raw, ang kalaban ng katotohanan ay tinatawag na Prince of Lies o Prinsipe ng Kasinungalingan.
01:38Kasalanan din ito dahil ninanakawan ng taong bayan ng pagkakataon na malaman ang katotohanan.
01:44Grave sin of omission ayon kay Archbishop Villegas ang hindi hanapin ang katotohanan forthwith o sa lalong madaling panahon,
01:52lalo na kung ito ay nasa iyong kapangyarihan.
01:55Katamaran daw yan at kapabayaan.
01:58Kasuklam-suklam daw kung makakansila ang impeachment trial nang hindi man lang ito nasisimulan.
02:03Isa raw itong kasalanan laban sa justisya.
02:05Pinaalalahana naman ng Ateneo School of Government ang Senado na ang impeachment ay sacred duty na nakasaad sa saligang batas.
02:15Mekanismo raw ito para manatiling tapat sa kanilang tungkulin ang mga opisyal ng bansa.
02:20Kaya dapat daw simulan na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
02:25Para sa GMA Integrated News, Makipulido Nakatutok, 24 Horas.
02:35Mekanismo raw ito para manatiling tapat sa kanilang aparat sa kanilang atas.
Comments