Skip to playerSkip to main content
Pinangangambahan ng ilang legal expert na mauwi sa paghahain ng mga kunwaring impeachment complaint ang desisyon ng Korte Suprema na dapat ituring na simula ng impeachment proceeding ang mga naunang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte na hindi ni-refer sa justice committee. Pinuna rin nila ang mga nabagong requirement sa impeachment na iba sa dati nang itinakda ng korte.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00PINANGANGAMBAHA
00:30Ang mga nabagong requirements sa impeachment na iba sa dati ng itinakda ng Korte.
00:36Nakatutok si Joseph Muro.
00:41Sa harap ng mismong Korte Suprema,
00:43ipronetesta ng mga student groups ang pagdeklara ng Korte sa Articles of Impeachment
00:48laban kay Vice President Sara Duterte.
00:51Ayon sa bagong desisyon ng Korte, nilabag ng Articles of Impeachment
00:54ang pagbabawal ng konstitusyon na magpagulong ng higit sa isang impeachment
00:58laban sa isang impeachable officer sa loob ng isang taon.
01:02Itinuturing kasi ng Korte na pagsisimula ng proceeding
01:05ang dipag-aksyon sa anumang impeachment complaint.
01:08Kung matatandaan, may tatlong impeachment complaint na inihain noong Desyembre
01:11na in-archive ng Kamara noong February 5, 2025.
01:15Ayon sa Korte, dahil sa tatlong yan,
01:17ang ikaapat na complaint na inadapt sa parehong araw at iniakyat sa Senado
01:21ay lumabag na sa one-year bar.
01:24Pero, sabi ng isa sa mga nagbalangkas ng saligang bata sa Serenesa Miento,
01:28kinukontra nito ang dati ng desisyon ng Korte Suprema
01:31na nagsasabing initiated o nasimula ng isang impeachment complaint
01:35kapag naisampay ito at na-irefer sa Committee on Justice.
01:39Pinunari ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio
01:42na iba yan sa nire-require noon.
01:44The people did not know that there was this requirement
01:47because there was no requirement like this.
01:50You cannot make it retroactive.
01:52It should be prospective.
01:53You know, the doctrine of operative fact.
01:56If there is a new requirement,
01:58you cannot say,
01:59oye, bakit hindi mo sinunod ito?
02:01Eh, paano mo isunod?
02:03Wala nga yun.
02:04It did not exist at the time.
02:06Pinunari nila ang bahagi ng desisyon
02:08na nagsabing hindi nabigyan ang due process si Duterte
02:11sabay latag ng requirement para masabing nasunod yan.
02:15Ayon kay Sarmiento,
02:16ngayon lamang naglatag ng ganyan ang Korte
02:18na pakikailam na umuno sa eksklusibong kapangyarihan
02:20ng House of Representatives
02:22sa magsimula ng mga kaso ng impeachment.
02:24Sabi rin ni Carpio,
02:25hindi naman required yan noon.
02:27Ang sabi niya ng Supreme Court,
02:29it should be,
02:30it cannot be an ex-party hearing.
02:34It has to be an actual hearing.
02:37And that will require time.
02:39Tapos ka sa oras,
02:40that was never intended.
02:42And nobody knew that there was such a requirement.
02:45Sinusugan niya ni UP Law Assistant Professor Paulo Tamasi
02:48na nagsabing kahit naman ang articles of impeachment
02:50laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona
02:53ay nakabase lamang sa pinagbutuhang resolusyon.
02:57Hindi na hininga ng panig si Corona sa level na yan.
02:59Hindi rin naman nagkaroon ng hirig doon.
03:01At hindi naman kinwestern yun.
03:03Pareho lang naman yung circumstances niya.
03:05Kaya mahirap paliwanagan eh,
03:07or mahirap na paliwanag kung bakit
03:09iba yung mga patakaran ngayon.
03:12Para naman sa grupong isang bayan,
03:14mali ang Korto Suprema sa pagsasabing
03:16nahuling ihain ng ikaapat na complaint.
03:18Sa record daw ng kamera,
03:20naon ang aksyonan at pagbutuhan
03:21ng ikaapat na complaint
03:23bago in-archive ang tatlong impeachment complaint.
03:26Kaya na i-adapt daw ang ikaapat na complaint
03:28bago ang one-year bar rule.
03:30Naiintindihan ko kung saan nagagaling yung
03:33once ang bayan.
03:34If anything, dapat,
03:35ang natanaan ng one-year bar rule
03:38ay yung tatlo na hinain.
03:40Nauna supposed to be.
03:41At hindi yung final ng House of Representatives.
03:44Sinabi na ng kamera
03:45na aapela sila sa Korto Suprema
03:47dahil sa mga umunay pagkakamaling ito.
03:49Nakakabahala rin daw ang posible maging epekto
03:52ng desisyon ng Korto Suprema
03:54sa proseso ng impeachment
03:55para panaguti ng mga opisyal ng gobyerno.
03:58Seryoso siya na problema dito
04:00sa desisyon ng Korto Suprema.
04:02Nagahain sila na ng mga sham complaint
04:04upang magsimula yung one-year bar rule.
04:06Kung hindi i-action na ng House
04:07kasi clear naman na sham yung complaint,
04:09para bang napag-decision na rin
04:11at nagsisimula na yung
04:13pagtakbo ng one-year bar rule.
04:15Sabi naman ng Korte,
04:17dapat pa rin agad-agad na itapo
04:19ng mga kunwakunwariang reklamo
04:20kahit inendorso pa ito,
04:22pati na ang mga reklamang
04:23hindi inendorso ng kamera.
04:25Hindi raw ito magiging simula
04:26ng pag-andar ng one-year bar.
04:29Para sa GMA Integrated News,
04:30Joseph Morong,
04:31Nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended