Skip to playerSkip to main content
Ginagamit umano ang alokasyon sa 2026 budget para makalikom ng lagda para ma-impeach siya, ayon kay Vice President Sara Duterte. Pero pagpunto ng House minority, Oktubre pa nang ipasa sa Kamara ang bersyon nito ng budget at hindi napag-usapan ang impeachment.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ginagamit umano ang alokasyon sa 2026 budget para makalikom ng lagda para ma-impeach siya, ayon kay Vice President Sara Duterte.
00:09Pero pagpunto ng House Minority, Oktobre pa na ipasa sa Kamara ang versyon nito ng budget at hindi napag-usapan ang impeachment.
00:19Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:21Naniniwala si Vice President Sara Duterte na ginagamit ang 2026 budget para makakalap ng suporta para sa panibagong impeachment complaint laban sa kanya.
00:35Parehoan niya ito sa ibinulgar ng ilang mambabatas na may mga kongresistang pinangakuan ng mga alokasyon sa budget ang mga pipirma sa impeachment complaint laban sa kanya.
00:46Ang alokasyon kapalit ng pirma, ginagamit na naman anyang taktika bago ipasa ang 2026 budget.
00:54Noong nakaraang linggo lang, sinabi ng bagong alyansang makabayan na naghahanda na sila para sa paghahai ng panibagong impeachment complaint laban sa Vice kapag natapos na ang one-year ban sa February 5, 2026.
01:09Ang versyon ng budget naman ng Kamara, halos dalawang buwan na mula ng ipasa noong October 13 at nakabimbin sa Senado.
01:18Sabi ng ilang miyembro ng minorya, ni hindi na pag-usapan sa budget deliberation sa Kamara ang impeachment.
01:25So I don't think it's fair for her to tie up yung issue ng impeachment, possible filing of new impeachment complaint against her sa budget process.
01:37Kasi tapos na nga yung budget process sa House.
01:42What remains is the by come.
01:45So ano pa ang ibig niyang sabihin na naging ano na naman ito, bargaining chip na naman ito?
01:52Not at all. Hindi ever napag-usapan yun during the budget process.
01:56Hindi naman yun part ng any deliberation of any office or program of a government.
02:08Pero sabi rin ng mga mamabatas, talaga namang hindi patapos ang isyong ibinatunoon sa vice-presidente.
02:15Hindi lang daw umabot ito sa impeachment trial dahil sa mga puna ng Korte Suprema sa proseso.
02:21Palagi hong nasa utak namin the fact na hindi pa sarado yung issues of accountability ng ating vice-president.
02:30Kaya in other words, hindi pa ko siya lusot.
02:34Sabi ng Bise, handa naman siyang saguti ng anumang aligasyon laban sa kanya na nakabase sa facts at katotohanan.
02:41Pero hindi anya siya mananahimik habang ginagamit ang impeachment process sa tinawag niyang budget-driven racket.
02:50Kinontre ito ng isang mambabatas.
02:51Lagi niyang sinasabi yan pero pagka may aktual na venue at pagkakataon na, iiwa siya o hindi sasagot.
03:01Halimbawa, dito na lang sa 125 million na confidential fans na nawaldas in 11 days.
03:10Hindi pa rin niya sinasagot, hindi pa rin niya pinapaliwanag.
03:12Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended