Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inamin ni Sen. President Tito Soto na okay lang daw kung matanggal siya sa pwesto sa pagbabalik ni Sen. Ping Laxon sa Blue Ribbon Committee bilang chairman.
00:10Ihahapol naman daw ni Soto na maisama sa priority bills ang Independent Philippine Commission na mag-iimbestiga sa katiwilian sa bansa.
00:18May ulat on the spot si Maki Pulido. Maki?
00:21Isa raw sa mga dahilan kaya babalik si Sen. Ping Laxon ay narealize ng senador na may mga kailangan pa siyang gawin at tapusin bilang chair ng Senate Blue Ribbon Committee.
00:33Sabi ni Sen. President Tito Soto, bumitiw si Laxon dahil sa frustrasyon sa committee work tulad ng may mga senador na gustong matiring habang ang iba naman ay hindi.
00:43Hindi daw ito dahil may outside pressure o gapangan.
00:46Dati nang sinabi ni Laxon na kung babalik siya, maaaring magkaroon ng banta sa posisyon ni Soto bilang Senate President.
00:54Sabi ni Soto, tingin naman niya mananatili pa rin siyang Senate President pero kung sakali mang matanggal siya, okay lang naman daw.
01:01Hindi rin daw titigil ang investigasyon at Blue Ribbon Committee sa flood control project.
01:06Itutuloy ito pati sa mga katiwilian sa iba pang infrastructure projects tulad ng mga farm-to-market roads.
01:12Samantala, target daw ng Senado na maging mas mababa pa ang General Appropriations Act kumpara sa National Expenditure Program.
01:20May mga tatapyasin daw kasi sila sa panukalang batas.
01:24Isa rito ang nasa 15% mula sa DPWH budget.
01:28Ituloy dahil sa pag-aamin na rin ng DPWH na naging kalakaran na pag-overpriced ng mga infrastructure projects para sa kickbacks.
01:36Ipipilit din daw ng Senado na ang matitira na lang sa unprogrammed budget ay ang mga foreign assisted loans.
01:43For the first time, magiging bukas ang bicameral conference kahit sino pwedeng umupo at mag-observe.
01:49Malamang daw, sa PICC ito gagalitin at hindi na sa mga kotel.
01:54Iahabol din daw ni Soto na maisama sa priority bill ang pagbuo ng isang independent Philippine Commission.
02:02Ito raw ang mag-iimbestiga, hindi lang flood control projects, kundi pati ibang katiwalian sa gobyerno.
02:09Isa itong government-created body na magkakaroon ng five members, isang dating Supreme Court o Court of Appeals Justice,
02:16isang forensic accountant, isang civil engineer, isang taga-civil society, isa mula sa academe.
02:23Kung mabung ito, isusubpina na lang nito ang lahat ng findings ng Independent Commission for Infrastructure.
02:30Connie?
02:30Maraming salamat, Maki Polido.
02:32Maraming salamat, Maki Polido.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended