00:00At bago naman tayo magtungo sa ating talakayan, alamin muna natin ang ilan sa mga updates ng Department of Justice
00:05mula kay Undersecretary Marge Usec.
00:08Umarangkada na ang Katarungan Pangbarangay sa Ilocos Norte. Can you share some details about this?
00:14Yes, Joshua. Mahigit 200 barangay officers ang nakinabang sa training na pinangunahan ng DOJ Office for Alternative Dispute Resolution o
00:23OADR.
00:24Mas pinalawig pa ng Department of Justice ang kampanya nitong Real Justice for All matapos pangunahan ng Office for Alternative
00:32Dispute Resolution
00:33ang isang komprehensibong training sa ilalim ng Katarungan Pangbarangay sa mismong hometown ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang lunsod ng
00:42Batak, Ilocos Norte.
00:44Sa tatlong araw na training na ginanap noong isang linggo sa Fort Ilocandia Resort and Hotel, umabot sa mahigit 200
00:51na barangay officers ang nabigyan ng pagkakataong matuto sa training.
00:56Layon ng programa na mahasa ang kakayahan ng mga opisyal ng barangay tungo sa efektibo at mabilis na pagresolva ng
01:04mga sigalot at kaso sa kanika nilang nasasakupan
01:07ng hindi na kailangan umabot pa sa demandahan sa mga korte.
01:11Binigyan din sa training ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga barangay sa mediation at negotiation
01:17para maiwasan ang paglala ng mga alitan sa barangay na makakatulong na rin sa pag-decongest na mga kasong nakasalang
01:25sa hukuman.
01:26And also you said, can you give details dun sa nasagip ng NBI na sampung biktima ng human trafficking?
01:34Sampung biktima ng human trafficking, kabilang ang apat na minorde edad ang nasagip ng National Bureau of Investigation sa ikinasang
01:42entrapment operation sa San Pablo City, Kamakailan.
01:45Ayon sa NBI Calabarzon Regional Office, nalambat ang sospek na gumagamit umano ng Facebook para ikalakal ang mga biktima sa
01:54prostitusyon.
01:55Noong isang linggo, na nagpanggap na kliyente ang isang operatiba at nakipagkita sa sospek sa isang resort kung saan inaloft
02:04ng sospek ang sampung babae sa alagang tatlong libo bawat isa.
02:08Agad dinakma ng mga otoridad ang sospek ng matanggap nito ang marked money.
02:13Maharap ang sospek sa patong-patong na kaso gaya ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons, Cyber Crime Prevention Act
02:20of 2012 at marami pang iba.
02:24Alright, maraming salamat Undersecretary Barge sa mga updates na binahagi mo sa amin mula sa Justice Department.
02:30You're welcome.
Comments