00:00Inisa-isa ng Department of Social Welfare and Development at iba pang ahensya ng pamahalaan
00:04ang mga programang prioridad ng kanika nilang ahensya sa ilalim ng 2026 National Budget.
00:10Bukod sa pagtulong sa mga nangailangan at pagresponde sa panahon ng sakuna at kalamidad,
00:15may mga bagong programang ipatutupad ang DSWD para mapagaan pa ang pamumuhay ng mga Pilipino.
00:21Ang detalye sa report ni Gab Villegas.
00:24Ipinaliwanag ng ilang ahensya ang mga programa na kanilang prioridad sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.
00:34Sa press briefing sa Malacanang, ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development
00:39kung saan tinatayang aabot sa P264.45 billion ang kanilang budget ngayon taon.
00:45Nakatoon ang kanilang mga programa sa Social Welfare, Development at Disaster Response.
00:49Haabot sa P63.9 billion ang ilalaan para sa Assistance to Individual in Crisis Situations o AICs.
00:57Maglalabas rin ang DSWD, Department of Labor and Employment at Department of Planning, Economy and Development
01:03ng Joint Memorandum Circular na magbabawal sa mga politiko na magpunta sa mga payouts ng DSWD
01:10at tanging mga social workers lamang ang maaaring mamahagi sa mga payouts.
01:14We made sure na makasuhan yung dapat makasuhan. So we will not hesitate to keep on filing cases
01:21kasi yan talagang we take a hard stance na ang para doon sa beneficiary, para sa beneficiary yun.
01:28Walang may karapatan na kumaltas kahit na isang kusing.
01:32Palalawakin rin ang supplemental feeding program ng DSWD sa mga daycare centers
01:36kusaan naglaan ng 9.56 billion pesos para rito.
01:40Mula sa 120 days ay magiging 180 days na ang magiging feeding program para sa mga bata.
01:46Aabot naman sa 51.8 billion pesos ang Social Pension Fund gentaon
01:50kusaan aabot sa karagdagang kalahating milyong seniors ang pwedeng ma-accommodate dahil sa pagtaas ng budget.
01:57Mayroon rin ilulunsad ang DSWD ng mga bagong programa tulad ng Project Aruga
02:02na tutulong sa mga magulang na mayroong mga anak na persons with disability.
02:06Project SAFE para mailayo ang mga kabataan at mga kababaihan
02:10mula sa panganib at pangaabuso na dulot ng internet
02:13at magkakaroon rin ang programa para sa mga teenage mothers
02:17na matulungan na muling ma-integrate sa komunidad.
02:20Naglaan naman ng 216 million pesos ang kagawaran para sa kanilang Standards Bureau
02:25kusaan malaking bahagi ng pondo ang ilalaan para tulungan ang mga non-government organizations
02:30na nagpapatakbo ng care facilities.
02:33Sa ilalim nito, babayaran ng DSWD ang mga lisensyado,
02:37registered at accredited na mga private care facilities
02:40para sa cost of care ng kanilang mga inaalagaan
02:42sa halip na magpatayo ng dagdag na pasilidad na kakain ng matagal na panahon.
02:47Umakyat rin ang Quick Response Fund ng DSWD
02:50na makatutulong sa tuloy-tuloy na pagtugon sa panahon ng kalamidad.
02:54Ngayon taon, aabot na sa 3 bilyong piso ang QRF ng DSWD
02:59mula sa dating 1.75 billion pesos.
03:02Sisimulan rin ng DSWD ang pagtatayo ng Mindanao Disaster Resource Center
03:07sa Butuan City na makatutulong na mapadali pa ang relief distribution.
03:11Sisimulan rin ang pagtatayo ng limang bahay pag-asa sa bansa
03:15para sa mga juvenile delinquent upang matugunan ang restorative justice.
03:19Muli naman binuhay ng Department of Human Settlements and Urban Development
03:23ang kanilang Community Mortgage Program
03:25kung saan target nila ang nasa 6,000 benepisyaryo
03:29para sa 36 na mga housing projects.
03:32Pinababa rin ang pag-ibig fund ang interest para sa socialized at economic housing
03:37na mula sa dating 6.25% interest ay 3% interest na lamang.
03:42Ipinahagi naman ang Department of Migrant Workers na nasa level 2 na
03:46ang OFW Hospital sa Pampanga
03:48kusaan ngayon taon ay mayroong budget na aabot sa 639 million pesos
03:54at may 145 million pesos para sa capital outlay.
03:58Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagang Pilipinas.