PBBM, pag-aaralan ang hiling ng DILG na kapangyarihang magsuspinde ng klase sa panahon ng sakuna; mga ahensya ng pamahalaan, pinaiigting ang mga hakbang ngayong tag-ulan
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:30Kagad na isinagawa ang dredging at cleanup drive sa 23 pangunahing estero sa NCR para maiwasan ang pagbara ng tubig.
00:38Tumutulong din ang Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng tupad beneficiaries.
00:43Sila naman ang nakatoka sa paglilinis sa lansangan para maalis ang basura na bumabara sa mga kanal.
00:50Mahigpit din ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na siyang dapat manguna sa disaster preparedness.
00:55Kailangan po yung local disaster offices ay maging handa bilang first responders sa mga ganitong klaseng mga pagkakataon.
01:05At pinag-utos na rin po ng DILG na palakasin po ang disaster preparedness measures ng bawat lokal na pamahalaan.
01:14Ipinag-utos din ang pagbuhay sa Emergency Operations Center pagiging handa sa paglikas,
01:19pagsasagawa ng drill at exercise, maging ang pagpapatupad ng no-build zone na ang ibig sabihin ay bawal magtayo ng establisimiento sa mga delikadong lugar.
01:30Pag-aaralan ni Pangulong Marcos ang hiling ni DILG Sekretary John Vic Rimulia
01:34na bigyan ng kapangyarihan ang DILG na magsuspinde ng klase sa panahon ng baha, bagyo at mga sakuna.
01:40Ayon kay Rimulia, mainam na magkaroon ng centralized authority ang ahensya para sa tama at napapanahong koordinasyon sa mga LGU.
01:49Sa harap ito ng mga reklamo na nakapasok na ang mga estudyante bago magkansela ng klase.
01:55Kung ito naman po ay makakabuti sa mas nakakarami, pag-aaralan po ito at magbibigay ng maaaring tugon ng Pangulo patungkol dyan.
02:04Sa ngayon, ang mga lokal na pamahalaan ang may kapangyarihan na magsuspinde ng klase kaya panawagan ng malakanyang.
02:10Kung maaari po makapagbigay agad ang mga heads ng LGUs ng mabilisang order o kanilang panukala kung dapat isuspinde ang klase,
02:22dapat po talaga na mas mabilis para hindi pa po nakakalabas ang mga bata at mga magulang hindi na po naiipit kung nagkaroon man ng baha o traffic.
02:31Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.