00:00Nakatoon sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpapalakas ng depensa
00:05ang pangakong tulong ng Amerika sa Pilipinas.
00:08Sa pamamagitan yan ng Subic Clark Manila Batangas Railway Project
00:12at iminumungkahing pagbuo ng Joint Ammunition Manufacturing Factory at Storage Facility.
00:19Nakatutok si JP Soriano.
00:23Sa 2025 Independence Day celebration na inorganisa ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas,
00:29inanunsyo ni U.S. Ambassador to the Philippines, Mary Kay Carlson,
00:33ang tulong pinansyal mula Amerika.
00:35Funding for a major freight rail line linking Subic, Manila, and Batangas
00:41under the Luzon Economic Corridor Initiative,
00:44creating jobs and driving innovation in both of our countries.
00:50Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro,
00:53inaasahang makakatulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya.
00:56Which is designed to link the three major ports in Luzon
01:00and decongest traffic in the port of Manila.
01:03This flurry of activities are a testament to the strength and depth of the relations.
01:09Sa pagbisita ni U.S. Defense Secretary Pete Hegset sa bansa nitong Marso,
01:14isa sa mga ipinangako ng Amerika sa Pilipinas,
01:17ay daragdagan paraw ni U.S. President Donald Trump ang tulong
01:21para mapalakas pa ang defense capabilities ng Pilipinas.
01:24Iminumungkahi ngayon ang ilang mambabatas sa Amerika
01:28ang pagbuo ng isang joint ammunition manufacturing factory
01:32at storage facility sa Subic na isang dating U.S. naval base.
01:38Wala pang bagong pahayag kaugnay sa mungkahing ito
01:40si Defense Secretary Gilbert Teodoro,
01:42na isa rin sa mga bisita ng U.S. Embassy
01:44sa 2025 Independence Day celebration.
01:47Pero nauna nang sinabi ni Teodoro
01:49na bagaman wala pa silang formal na abisong natatanggap mula sa Amerika.
01:54Welcome development daw ito
01:56dahil tiyak na makikinabang dito ang sandatahang lakas ng Pilipinas.
02:01Dumalo rin sa pag-itipon ang mga ambasador
02:03na mga kaalyadong bansa ng Pilipinas
02:06na Australia, India at Japan
02:08na kabilang sa grupong Quad.
02:10Dumalo rin doon ang matataas na opisyal ng gobyerno,
02:25mga personalidad at mga kinatawa ng Philippine media
02:28kabilang si Senior Vice President and Head of GMA Integrated News,
02:33Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso.
02:36Para sa GMA Integrated News,
02:39ako po si JP Sorian, nakatutok 24 oras.
Comments