00:00Samantala sa ibang balita, inihayad ng Department of Economy, Planning and Development o DEPDEV
00:06na nakatulong ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapatatag ang food supply at palakasi ng agrikultura sa bansa
00:13sa pagbaba ng food inflation sa buwan ng Junyo.
00:17Sa report ng Philippine Statistics Authority, bumagal sa 0.1% ang food inflation itong Junyo,
00:24mas mababa kumpara sa 0.7% noong Mayo.
00:28Naitala naman ang bahagyang pagtaas ng headline inflation sa 1.4% nitong Junyo mula sa 1.3% noong Mayo.
00:38Kaya naman naitala ang year-to-date average inflation sa 1.8% na pasok pa rin sa target range ng pamahalaan na 2 hanggang 4%.
00:48Ayon sa DEPDEV, ipagpapatuloy ng pamahalaan ng mga hakbang upang matiyak ang matatag na supply at maibsan ang epekto sa mga consumer.
00:57Dagdag ng kagawaran kabilang sa tututukan ang pagpapalakas ng ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan upang magpatupad ng mga hakbang at matiyak ang suporta sa vulnerable sectors ng bansa.