00:00Sa ating balita, nananatiling committed ang pamahalaan na ipatupad ang mga hakbang para patuloy na mapababa at mapatatag ang presyo ng mga bilihin sa bansa.
00:10Sinabi ito ng Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev, matapos bumagal pa sa 1.3% ng headline inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa nitong May 2025.
00:22Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito ang pinakamababang inflation rate na naitala sa bansa simula noong Nobyembre 2019 na nasa 1.2%.
00:32Mula Enero hanggang May 2025 ay nasa 1.9% naman ang average inflation rate.
00:39Ayon pa sa PSA, kabilang sa mga dahilan ng pagwaba ng inflation nitong Mayo ay ang mabagal na pagtaas sa presyo ng housing, water, electricity, gas and other fuels na naitala sa 2.3%.
00:51Ang pangalawang dahilan sa mas mababang inflation ay ang restaurants and accommodation services sa antas na 2.0%.
00:59Nakatulong din ang pagwaba ng presyo ng transport na nasa 2.4%.
01:03Kaugnay niyan, tiwala ang pamahalaan na makakamit ang headline inflation target na 2.2-4% ngayong taon.