00:00Inaasahan ng Banko Sentral ng Pilipinas o BSP na mananatiling mabagal ang inflation rate para sa buwan ng Abril ngayong taon.
00:08Batay sa inilabas na pahayag ng BSP, pwedeng manatili sa 1.3 hanggang 2.1% ang inflation rate ngayong Abril.
00:16Ayon pa sa BSP, malaking bagay ang pagbaba ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa ngayong buwan,
00:23na sinabayan pa ng pagbaba rin ang presyo ng krudo at mataas na halaga ng piso.
00:27Dagdag pa rito, patuloy silang magbabantay para sa agad na matugunan ang mga dahilan na makaapekto sa inflation ng bansa.
00:36Isa sa kanilang magiging hakbang ang pagtitiyak ng price stability para mapatatiling malago ang ekonomiya ng bansa.