00:00Good news naman ang sasalubong sa ating mga kababayan sa Metro Manila ngayong Hulyo
00:05dahil inaprobahan na ang hiling na pagtaas sa araw ang sahod sa pribadong sektor.
00:10Ayon sa DOLE, inaprobahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board
00:16ang 50 pesos na wage increase sa ilalim ng Wage Order No. 26.
00:22Ito na ang pinakamataas na inaprobahan na taas sahod ng NCR Wage Board.
00:27Dahil dito, mula sa 645 pesos, tataas na sa 695 pesos ang daily minimum wage rate
00:35ng mga nasa non-agriculture sector.
00:38Habang tataas naman sa 658 pesos ang nasa agriculture sector,
00:43service and retail establishments na may 15 na pababa na bilang ng tauhan.
00:49Gayun din ang mga nasa manufacturing establishments na nasa 10 pababa ang mga tauhan.
00:55Magiging epektibo ang omento sa sahod sa July 18 kung saan tinatayang nasa 1.2 million minimum wage earners
01:03ang inaasahang makikinabang.