00:00Bureau of Internal Revenue o BIR, positibong maaabot ang target na tax collections ngayong taon na nasa mahigit 3 trinyong piso.
00:09Pagka-file ang 2024 income tax return hanggang April 15 na lang.
00:14Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Alvin Baldazar na Radyo Pilipinas.
00:21Kumpiyansa ang Bureau of Internal Revenue o BIR na maaabot nito ang target tax collection ngayon 2025.
00:27Sa bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagi na kumpiyansa silang makukuha ang 3.23 trinyong piso na target na makolekta ngayong taon.
00:40Sinabi ni Lumagi na sa lahat ng mga programa na kanilang ginagawa at tulong ng mga empleyado ay kayang makamit ang itinakdang tax collection.
00:48Kumbinsido rin sa kabilang banda ang BIR chief na marami na din naman nakikipagtulungan na taxpayers at nagbabayad ng tamang buwis.
00:56Kaugnay nito ay pinahayag ng BIR chief na maganda ang naging koleksyon sa unang tatlong buwan ng 2025.
01:04Tingin naman po natin ay makakamit natin ang collection target ngayong taon na ito.
01:08In fact, first few months itong January, February hanggang March ay maganda ang naging koleksyon po natin.
01:15Samantala ay wala ng extension pang ipatutupad ang BIR para sa pagpafile ng ITR o income tax return.
01:22Pagbibigay din ni Lumagi Jr., mayroon na lamang hanggang Abril a 15 ang mga dapat magayin ng ITR o hanggang sa darating na lunes.
01:31Pebrero pa lamang, sabi ni Lumagi ay nagsimula na nilang inkampanya ang maagang pagkahay ng income tax return
01:37bukod pa sa pinalawig ang pagbabayad ng buwis sa mga bangko na nagsisimula ng alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
01:46Dagdag ni Lumagi na nagbukas pa nga sila noong nakaraasabado ng kanilang tanggapan at kanila pa din itong bubuksan sa araw ng bukas.
01:54Ito'y para magbigay ng kasiste ang mga magpafile ng ITR at pagbabayad sa mga returns.
02:01Wala na pong extension. Ang deadline po natin ng pagpafile ng 2024 annual income tax returns ay ngayon pong April 15, 2025.
02:12Wala na pong palugit ulitin po natin dahil nagsimula na po tayo ng kampanya ng as early as February.
02:18Para sa Balitang Bambansa, Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas.