Skip to playerSkip to main content
- Dormitoryo ng isang boarding school, gumuho sa ilog | SONA
- Bilang ng mga nasawi sa sunog, umakyat na sa 65; daan-daan ang napaulat na nawawala | SONA
- Sen. Dela Rosa, hindi sumipot sa budget deliberation ng mga ahensiyang siya dapat ang mag-sponsor | SONA
- Ilan pang kongresista na pinakakasuhan ng ICI, itinangging "cong-tractor" sila | SONA
- ICYMI: ASF-free na sa La Loma | Jinggoy, humiling na makabiyahe abroad | SONA
- 3 opisyal ng 2 kumpanyang dawit sa flood control scandal, inireklamo ng BIR ng Tax Evasion | SONA
- Pambato ng Pilipinas na si Myrna Esguerra, 4th runner-up sa Miss International 2025 | SONA
- Miss U Pres. Raul Rocha, under investigation para sa drugs and arms trafficking at fuel theft | SONA
- 50-FT. eco-friendly christmas tree, pinalamutian ng libo-libong plastic bottles | SONA


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:00Walang nagawa ang mga estudyanting yan sa Indonesia kundi panuori ng pagguho sa ilog ng kanilang school dormitory.
00:22Bumigay kasi ang lupang kinatatayoan ng dormitoryo sa pag-apaw ng ilog sa gitna ng pananalasa ng isang bagyo.
00:30Wala namang nasaktan.
00:34Nakakonfine sa ICU ang isang OFW habang isang Pinoy ang napaulat na nawawala sa gitna ng sunog sa isang residential complex sa Hong Kong.
00:43Umakit na sa may git-60 ang nasawi sa sunog na madali umanong kumalat dahil sa mga ginamit na material sa renovation ng mga gusali.
00:51May report si Darlene Kai.
00:56Mag-aalas 3 ng hapon kahapon nagsimulang kumalat ang nagngangalit na apoy sa 7 high-rise buildings na may tignat-lumpot-dalawang palapag sa Wang Fook Court Residential Complex na nasa Tai Po District sa northern Hong Kong.
01:11Inabot ng mahigit 24 oras bago na control ng apoy sa 4 sa 7 apartment block.
01:16Apektado ang may git-4,000 naninirahan sa mga natupok na gusali.
01:22Sa datos ng local fire department, hindi bababasa 55 ang nasawi, 16 ang kritikal at nasa 300 naman ang pinaghahanap pa.
01:30Our major challenge is the temperature is very high in the fire ground and the inside layout is very complex because the scaffolding is collapsed.
01:45Kabilang sa apektado at nasa ospital ang isang Pilipino.
01:48Mayroon pa po kayo isang report ng isang employer na nawawala.
01:53Kung babay natin na hinahanap po ng kanyang employer na nakalating naman po sa mga authorities.
01:59Ayon sa Overseas Workers' Welfare Administration, 70 hanggang 80 OFWs ang may rehistradong address sa Wang Fook Court Housing Complex.
02:09Labing siyam sa kanila kumpirmadong nailigtas.
02:11Nasunugan ang passport, nasunugan ang mga employment contract at ito po ay agad-agad namang sinusolusyonan po na PCG and RMWO.
02:22Nagbigay na rin po tayo ng mga food packs at mga tulong po, mga dignity kits at kung ano pa pong kailangan nila.
02:30Isang OFW ang nasa ospital kasama ang amo at alagang baby.
02:35Siya raw ang narinig sa nag-viral na audio recording na nananawagan ng tulong.
02:39Sa ngayon, hindi pa matiyak kung may mga Pilipinong na trap sa mga nasunug na gusali.
02:43Iniisa-isa na ang mga shelter na pinagdalhan sa mga nasunugan.
02:46What we're also trying to ascertain is whether they were actually in Wang Fook Court during the fire.
02:54Ayaw rin natin magpanik ng husto yung pamilya dito sa Pilipinas.
02:58Nakikipagugnayan na rin ang UWAT-DMW sa pamilya ng mga Pilipinong naapektuhan.
03:03Hindi lang mga residente, kundi pati ang mga naiwang alagang hayop sa complex sinusubukang sagipin.
03:10Ayon naman sa otoridad sa Hong Kong, mabilis ang paggalat ng apoy sa mga gusali.
03:14Dahil umano sa paggamit ng unsafe materials sa renovation, tulad ng foam plastic materials sa mga bintana.
03:22Inaresto ang dalawang manager at engineer ng construction company na namamahala sa renovation.
03:29Kumalat din ang sunog sa bamboo scaffolding na nakapalibot sa mga gusali na karaniwang ginagamit sa Hong Kong.
03:36Darlene Kay nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:39Hindi sumipot si Sen. Bato de la Rosa sa budget deliberation ng mga ahensyang siya dapat ang magdedepensa.
03:47Sabi ni Sen. President Tito Soto, hindi nagpaalam sa kanyang senador na labing pitong araw nang hindi nagpapakita sa Senado.
03:54May report sa Marie Zumali.
03:55Hindi nagtagal ang deliberasyon ng Senado sa panukalang budget ng mga ahensyang may kinalaman sa kapayapaan at pambansang seguridad.
04:11Gaya ng National Security Council, National Intelligence Coordinating Agency, Philippine Drug Enforcement Agency, Dangerous Drugs Board, at Office of the Presidential Advisor on Peace, Reconciliation and Unity.
04:23Wala na kasing nagtanong sa sponsor ng budget na si Sen. Wynn Gatchalian.
04:28Si Sen. Bato de la Rosa dapat ang magdedepensa ng budget pero hindi siya sumipot sa plenary debates.
04:34Nagpa-abot si Sen. Bato ng message na hindi siya makakapunta so ako mag-de-defend for him.
04:42Wala siyang reason na binigod.
04:44November 8, nang ibunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia na may arrest warrant ng International Criminal Court laban kay de la Rosa.
04:53Ayon kay Sen. President Soto, mula raw na mag-resume ang sasyon ng Senado noong November 10, ay hindi na pumasok si Sen. Bato de la Rosa.
05:01Hindi okay yun. Sana hindi mo kaya, hindi mo dapat hindi ka ginilig na makuha pa yung chairmanship.
05:09Especially vice chairmanship ng budget, na senior defenseman, napakahalagay.
05:15Sabi ni Sen. President Tito Soto, hindi nagpaalam si de la Rosa sa kanyang pagliban.
05:19Pag-aaralan daw niya kung may parusa sa Senador na lumiliban sa kanyang tungkulin.
05:24Hindi naman daw nababawasan ang sweldo ng Senador kahit lumiban.
05:27Pero paalala niya, ang bawat kilos ng isang Senador ay sasagutin niya sa mga bumoto sa kanya.
05:33Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:38Kabilang sa persons of interest sa pagpaslang sa isang barangay captain sa Digo City, ang mismong jepe ng Digo's Police.
05:46Sa Pampanga, isang barangay chairman din ang itinumba.
05:49May spot report si CJ Turida ng GMA Regional TV.
05:52Pauwi na sana mula sa birth celebration ang chairman ng barangay Balibago sa Masantol, Pampanga na si Jinky Buboy Kiambao
06:03ng pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang gunman.
06:07Pagbaba niya sa sasakyan, nalilipat na sana doon sa sasakyan niya.
06:11Doon na pinagbabaril na siya.
06:13Nung dinala na sa hospital, he declared dead upon arrival.
06:17Hustisya ang panawagan ng kaanak ng biktima.
06:21Patuloy na tinutugis ang mga salarin habang inaalam ang posibleng motibo sa krimen.
06:27Isang bagong ebidensya naman ang hawak ng pulisya kaugnay ng pagpaslang sa kapitan ng barangay 3 de Mayo sa Digo's Davao del Sur na si Oscar Dodong Bucol Jr.
06:38Tabak!
06:41Tabak!
06:42Nagkuhanan ng CCTV ang sasakyan na ginamit umano ng mga sospek.
06:47Pati ang paglikon ng sasakyan sa kanto, papunta sa bahay ng kapitan.
06:51Sabi ng Davao del Sur Provincial Police,
06:54posibleng persons of interest ang mga indibidwal na dati nang nabanggit ni Cap sa kanyang social media post.
07:00Kabilang sa kanila ang hepe ng Digo City Police Station na si Police Lieutenant Colonel Peter Glenn Ipong.
07:07Nakaalitan ng biktima si Ipong sa livestream.
07:09Sinibax na siya sa pwesto para di maka-impluensya sa imbestikasyon.
07:14Isinailalim na siya at iba pang pulis sa paraffin test.
07:18Pati yung lahat ng intel operatives at saka yung security escort niya, pati yung driver niya.
07:24So all in all, 21 sila lahat na nag-undergo ng paraffin test.
07:29Humiling naman ang parallel investigation ang pamilya ng biktima sa NBI.
07:35CJ Torida ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:41Itinanggi ng ilan pang binansagang Kong Tractors ng Independent Commission for Infrastructure
07:51na sangkot sila sa anomalya sa flood control projects.
07:55Sa isang statement, sinabi ni CWS Partylist Representative Edwin Guardiola
07:59na walang katotohanan ang mga paratang.
08:02Sabi naman ni Usuag Ilonggo Partylist Representative James Jojo Ang Jr.,
08:07malinis ang kanyang konsensya at kumbiyansang malilinis ang pangalan.
08:11Handaan niya siyang harapin ang anumang kaso.
08:14Handa naman daw makipagtulungan si Surigao del Norte First District Representative Francisco Matugas
08:20kapag nagsimula na ang opisyal na imbestigasyon.
08:23Magsusumiti raw siya ng mga dokumento o records at wala o man na siyang itinatago.
08:28Kabilang sila sa walong inirekomenda kahapon ng ICI at DPWH sa ombudsman na kasuhan
08:35dahil sa pagkubra-umano ng kontrata sa flood control projects.
08:40Nauna nang nilinaw ni Cagayan 3rd District Representative Joseph Jojo Lara
08:44na wala siyang kaugnayan sa isang construction firm bago pa maupo sa gobyerno.
08:50Wala pa rin pahayag sinadating House Appropriations Chair at dating Ako Bicol Representative Zaldico,
08:56Pusong Pinoy Partylist Representative Journey Nisay,
08:59Bulacan 2nd District Representative Agustina Pancho,
09:03at Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera.
09:06Mga ipinasarang litsunan sa La Loma, Quezon City,
09:17idineklara ng ASF free.
09:19Sa ngayon, tatlo sa labing apat establishmento pa lang
09:22ang pinayagang magbukas matapos makapagsumiti ng requirements.
09:28Sen. Jingoy Estrada,
09:30hinihinga ng sandigang bayan ng mga dokumento para sa balak na biyahe abroad.
09:34Kabilang dito ang kanyang detalyadong itinerary,
09:38mga booking ticket at authority to travel.
09:40Tinutulan ng prosecution ang planong biyahe ni Estrada sa Desyembre hanggang Enero
09:45dahil gumugulong pa ang kanyang kasong graft,
09:47kaugnay ng pork barrel's cap.
09:49Wala pang pahayag si Estrada.
09:52Motion ni Alice Guo na manatili sa Pasig City Jail Female Dormitory
09:57ibinasura ng korte.
09:59Dahil dito, ililipat na si Guo sa Women's Correctional sa Mandaluyong.
10:03Tinatulang guilty si Guo at pitong iba pa sa kasong qualified human trafficking
10:08at sinintensyahan ng habang buhay na pagkakakulong.
10:13Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:18Inereklamo sa ombudsman ng isang dating alkalde,
10:21isang dating mambabatas at ilang taga DPWH
10:24kaugnay sa dalawang flood control project
10:26sa Pangasinan na hindi umano mapakinabangan.
10:29May report si Joseph Moro.
10:31Ang project ng DPWH
10:36dito sa barangay Santo Tomas, sa Kasinto.
10:43Bagong gawa lang ito, 2024.
10:46Ganito na umanoong itsura ng Riverbank Protection Project
10:49ng DPWH sa Kasinto, Pangasinan,
10:51matapos manalasa ang mga bagyong kising at emong noong Hulyo.
10:54Nagkakahalaga ng may 40 million pesos.
10:59Pero tignan ninyo kung anong nangyari.
11:05Hindi pa napaka-kinabangan na was out na.
11:09Nire-refer ngayon.
11:12Saan ko yun ngayon na nire-refer?
11:14Nire-refer ng mga trabador ng kontralistang gumawa.
11:22Kuha naman ang video nito sa Sityo Dalumat sa Barangay Santo Tomas.
11:26Walang siminto, walang bato, walang bato lang, walang bakal.
11:32Yan ang mga isinimiting ebidensya ni Jaime Aquino sa ombudsman
11:37para sa inihahing reklamong plunder, malversation of public funds,
11:41grave misconduct, gross neglect of duty at dishonesty
11:44laban kinadating Pangasinan 4th District Representative Christopher de Venecia,
11:49suwal mayor Liseldo Calugay at asawa niyang si Garly.
11:52Sabit din sa asunto ang ilang opisyal ng DPWH Region 1,
11:56DPWH Pangasinan 2nd Engineering District
11:59at mga kontraktor ng mga proyekto.
12:01Ayon kay Aquino, nagsabotan sila para maka-kickback sa mga proyekto sa San Jacinto
12:06na aabot sa 286 milyon pesos.
12:09Ang una kasi ang may-ari talaga si Liseldo Calugay.
12:14Siya talagang may-ari ng construction firm.
12:17Ngayon, nung nag-asawa na siya kay Garly,
12:20ay simpre siya na ang nagmamani, magmamani ho ngayon.
12:24According to the residents, talagi nilang nakikita siya doon
12:27na nagsusupervised sa mga trabador niya sa lugar.
12:31Kilalang kilala si Mayor Calugay dahil na-TV na siya noon, di ba?
12:38Dati nang humarap sa Senate hearing tungkol sa mga pogo si Mayor Calugay
12:42dahil sa ugnayan niya umuno kay dating Bamban Mayor Alice Guo.
12:46Sinusubukan pa naming makuha ang panig ng mga inreklamo.
12:49I-evaluate ng ombudsman ang reklamo habang sumulat naman ang complainant
12:54sa Independent Commission for Infrastructure na investigahan din ang mga proyekto.
12:58Ang iba namang kongresista na iniugnay sa mga ghost project humarap sa ICI.
13:04Humiling ng executive session si na Quezon City 6th District Representative Maria Victoria Copilar
13:09at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas
13:13na kasama sa mga idinawit na mag-asawang Curly at Sara Discaia
13:16na humingi ng kickback mula sa mga proyekto.
13:20Sa kanyang social media, sinabi ni Copilar na walang ghost project sa kanyang distrito.
13:25Si Vargas naman sinabi sa isang pahayag na ipinakita niya sa ICI
13:28ang mga dokumento at iba pang patunay na wala o manong Discaia projects o ghost projects sa kanyang distrito.
13:36Nag-hahe naman ang not guilty pleas sa Sandigan Bayan ng walong ikinulong.
13:39Kaugnay sa P289M sa flood control project sa Nauan, Oriental, Mindoro
13:44na natuklas ang substandard.
13:46Para pa lang yan sa kaso nilang graft.
13:49Hindi nila kasama ang kapakusadong si DPWH Maintenance Division Chief Juliet Calvo
13:54na muling inaresto kahapon dahil ayon sa kanyang abogado,
13:57walang produce order mula sa korte.
14:00Sa December 2, ang arraignment para sa kaso nilang malversation
14:03nakaugnay pa rin sa substandard flood control project sa Oriental, Mindoro.
14:07Kinasuhan naman ang tax evasion ng Bureau of Internal Revenue
14:10ang ilang opisyal ng dalawang construction companies na sangkot
14:13sa manumalyang flood control project sa Bulacan.
14:17Nagdeklara kasi sila ng construction costs kahit di na itayo ang mga proyekto.
14:21Joseph Maurong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:25Fourth runner-up si Miss International 2025,
14:29ang pambato ng Pilipinas na si Mirna Esguera.
14:32Ipinamalas ng beauty queen mula abra ang husay at galing mula sa swimsuit,
14:37evening gown, pati na sa question and answer portion.
14:41Kinurunahan namang Miss International 2025 si Miss Columbia.
14:50Miss Universe Organization President Raul Rocha
14:53under investigation para sa drugs and arms trafficking at fuel theft.
14:58Sa statement ng Attorney General's Office ng Mexico,
15:0113 arrest warrant ang inilabas laban sa mga hindi pa pinapangalan ng individual.
15:07Ayon sa report ng local media,
15:10kabilang sa mga may arrest warrant si Rocha
15:12na nagmamayari ng kalahati ng Miss Universe Organization.
15:15Wala pa siyang tugon at ang Miss Universe Organization kaugnay rito.
15:21Nitong lunes, sinagot ni Rocha ang aligasyon
15:24ng isa umanong nag-resign na judge ng Miss Universe
15:27na rigged o luto ang kompetisyon
15:30kung saan nanalo si Miss Mexico Fatima Bosch.
15:34Giit niya walang huradong nag-resign.
15:37Isang oportunista raw ang nagtangkang sumakay
15:39sa kasikatan ng Miss U para magkaroon ng followers.
15:43Sabi pa ni Rocha,
15:45mas mabilis na umanin ang followers si Fatima
15:48kaysa kay Miss Universe 2022 Arboni Gabriel.
15:52Pinalagan niya ni Arboni
15:54na sinabing pagod na siyang sukatin
15:57sa pamamagitan ng bilang ng kanyang followers.
16:00Kasunod nito,
16:01biglang lobo sa isang milyon ang followers ni Arboni sa IG.
16:06Labis naman ang pasasalamat ng Filipino American Beauty Queen.
16:11Si Miss Universe 2025 Fatima Bosch naman
16:15inalmahan ang natatanggap na hate messages
16:18dahil daw sa kanyang pagkapanalo.
16:21Sagot ni Fatima,
16:23no insult will turn off my purpose.
16:26Aubrey Carampel,
16:27nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:33Miss Universe Organization President Raul Rocha
16:36under investigation para sa drugs and arms trafficking
16:40at fuel theft.
16:42Sa statement ng Attorney General's Office ng Mexico,
16:4513 arrest warrant ang inilabas
16:46laban sa mga hindi pa pinapangalan ng individual.
16:51Ayon sa report ng local media,
16:53kabilang sa mga may arrest warrant si Rocha
16:55na nagmamayari ng kalahati ng Miss Universe Organization.
16:58Wala pa siyang tugon
17:00at ang Miss Universe Organization
17:02kaugnay rito.
17:04Nitong lunes,
17:06sinagot ni Rocha ang aligasyon
17:07ng isa umanong nag-resign
17:09na judge ng Miss Universe
17:10na rigged o luto ang kompetisyon
17:13kung saan nanalo si Miss Mexico Fatima Bosch.
17:16Giit niya walang huradong nag-resign.
17:20Isang oportunista raw
17:21ang nagtangkang sumakay
17:23sa kasikatan ng Miss U
17:24para magkaroon ng followers.
17:27Sabi pa ni Rocha,
17:28mas mabilis na umanin ang followers
17:30si Fatima
17:31kaysa kay Miss Universe 2022
17:33Arboni Gabriel.
17:35Pinalagan niya ni Arboni
17:37na sinabing pagod na siyang
17:39sukatin sa mga magitan
17:41ng bilang ng kanyang followers.
17:43Kasunod nito,
17:44biglang lobo sa isang milyon
17:46ang followers ni Arboni sa IG.
17:49Labis naman ang pasasalamat
17:52ng Filipino-American beauty queen.
17:55Si Miss Universe 2025 Fatima Bosch naman
17:58inalmahan ang natatanggap na hate messages
18:01dahil daw sa kanyang pagkapanalo.
18:04Sagot ni Fatima,
18:06No insult will turn off my purpose.
18:09Aubrey Carampel,
18:10nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:1428 araw na lang,
18:17Pasko na.
18:18Dama na ang simoy ng kapaskuhan
18:20sa City of Pines
18:21matapos pailawan
18:22ang giant Christmas tree
18:24sa The Mansion.
18:25Sa Antipolo,
18:26artistic na,
18:27eco-friendly pa
18:28ang ibilidan nilang Christmas display.
18:31May report si Jamie Santos.
18:35Tara na sa Antipolo
18:37at noon tayo magpasko.
18:40Pinailawan na ang 50 feet
18:41eco-friendly Christmas tree
18:43sa Sumulong Park
18:44na pinalimutian
18:45ng limu-libong plastic bottles.
18:48Nagbigay saya
18:48si Asia's limitless star,
18:50Julian San Jose.
18:51at ilang minutong fireworks display.
19:02Hindi rin nagpahuli
19:04ang 100 feet Christmas tree
19:05na nagbigay liwanag
19:07sa The Mansion
19:08sa City of Pines.
19:09Pinangunahan niya
19:10ni First Lady
19:11Lisa Araneta Marcos.
19:13Aabot sa 500 estudyante
19:15ang nakakuha
19:15ng kanilang maagang aguinaldo.
19:18Napuno ng kasiyahan
19:19at tugtugan
19:20ang lugar sa hinandog
19:21na performance
19:22ng Philippine Military Academy Band
19:25na sinabayan
19:26ng magkulay
19:27na fireworks display.
19:29Jamie Santos
19:30nagbabalita
19:30para sa
19:31GMA Integrated News.
19:34At yan po
19:35ang State of the Nation
19:36para sa mas malaking misyon
19:38at para sa mas malawak
19:39na paglilingkod sa bayan.
19:41Ako si Atom Araulio
19:42mula sa GMA Integrated News,
19:44ang News Authority
19:45ng Pilipino.
19:50Huwag magpahuli
19:52sa mga balitang
19:52dapat niyong malaman.
19:54Mag-subscribe na
19:55sa GMA Integrated News
19:56sa YouTube.
20:08ha Ou hmm Yew.
20:09ha
20:10ha
20:10ha
20:11ya
20:11ha
20:12ha
20:13ha
20:13hay
20:14ha
Be the first to comment
Add your comment

Recommended