Skip to playerSkip to main content
Nagbagsakan ang mga debris sa isang hotel na pinapasukan ng ilang Pinoy sa Israel dahil sa patuloy na airstrikes ng Iran. Naidukomento ng isang Pinoy ang kanilang pagtatago sa mga bomb shelter para makaligtas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagbagsaka ng mga debris sa isang hotel na pinapasukan ng ilang Pinoy sa Israel
00:04dahil po sa patuloy na airstrikes ng Iran,
00:07na ay dokumento ng isang Pinoy ang kanilang pagtatago sa mga bomb shelter para po makaligtas.
00:13Nakatutok si JP Soriano.
00:16The US military carried out massive precision strikes on the...
00:20Ilang oras matapos bombahin ng Amerika ang tatlong nuclear sites ng Iran.
00:25Nakpakawala ng magkakasunod na airstrikes ang Iran sa Israel kahapon.
00:34Batay sa ulat na inalabas ng Iranian state TV,
00:37gumamit sila ng kyber-type ballistic missile sa kauna-unahang pagkakataon.
00:46Agad tumunog ang mga sirena at alarms sa Israel.
00:50Agad rin niyang nakita sa Air Rocket Alert app na SOFAR ang mga pulang yan,
00:56indikasyon kung gaano karaming missiles ang pinalipad.
01:02Nagtagaw sa bomb shelters o mamad ang mga tao,
01:06kabilang ang grupo ng mga Pilipinong hotel workers sa Tel Aviv
01:09at mga Israeli hotel guests.
01:11Ang mga OFW binabantayan ang isa't isa
01:24at minomonitor ang kasama kung nakababa sa mga bomb shelter.
01:28Isa sa mga kasamahan nilang Pinoy,
01:38kapapanganak pa lang,
01:39anim na araw ang nakalipas.
01:41Pero kung dati nasasalag ng defense system ng Israel
01:51ang mga short-range ballistic missile
01:53mula sa Hamas at Hezbollah,
01:56ngayon, lumulusot ito.
01:58Isa sa mga binagsakan ng debris
02:00ang pinapasukan nilang hotel
02:02pag palik nila sa kanilang mga quarter.
02:04Ligtas naman.
02:35Ang mga Pinoy hotel worker at ang mag-ina.
02:38Sa tala ng Philippine Embassy sa Israel,
02:40nasa 127 na Pilipino
02:42ang naapektuhan ng airstrike.
02:44118 sa kanila,
02:46nahanapan na ng matutuluyan
02:48habang ang siyam ay nasa shelter
02:50na inuupahan ng gobyerno ng Pilipinas sa Israel.
02:53May mga gusto pong magparipat
02:55pero may ayaw din po.
02:56Mas marami ang ayaw.
02:58Ang mindset po ng mga tao is
02:59kung sila pabalik dito,
03:01why kami aalis?
03:03Kung sila tiwala sa government nila,
03:05bakit kami?
03:06Hindi kami magtitiwala.
03:08Nasa 26 na OFW
03:10ang ire-repatriate mula sa Israel
03:12na idinaan sa Aman, Jordan
03:14at inaasahang makakarating sa Pilipinas bukas.
03:18Ayon sa Department of Foreign Affairs,
03:21kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipinos
03:23sa Middle East
03:24ang pangunahing inaalala
03:26ng gobyerno ng Pilipinas
03:27at patuloy na gagawin ang lahat
03:29para maisulong at matiyak
03:32ang kanilang proteksyon.
03:33Para sa GMA Integrated News,
03:37ako po si JP Soriano.
03:38Nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended