Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:05Para sa ilang mambabatas, meron ng probable cause para ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:13Pinalaga naman ng defense team ng BCA sinasabing hindi raw pagtutugma ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o
00:20SAL-EN di Duterte
00:21sa mga transaksyong dumaan sa kanyang bank accounts.
00:24May unang balita si Tina Panganiban Perez.
00:29Sa pagdinig ng House Justice Committee, napuna ang hindi umanong pagkakatugma ng SAL-EN ni Vice President Sara Duterte
00:37at mga transaksyong dumaan sa kanyang bank accounts, bagay na pinalaga ng defense team ng vice-presidente.
00:44Para po sa amin, actually, wala naman pong hindi nagtutugma. Perhaps it's just the way that things were presented. Kung
00:51accurate ba yung presentation na gano'n.
00:54Ang sabi ng Anti-Money Laundering Council o AMLAC, mayroong mahigit-anim na raang covered at suspicious transactions
01:02na dumaan sa mga bank account ni Duterte at kanyang asawang si Atty. Manasa Scarpio na aabot sa 6.7
01:09billion pesos
01:10pero giit ng defense team. Hindi raw nangangahulog ang may malinang ginawa.
01:16Suspicious transactions does not equate to any wrongdoing or unlawful activity.
01:22Perhaps the bank thought or tagged it as suspicious so umakyat sa AMLAC.
01:30Hindi naman ibig sabihin nun ay iligal na kaagad or may money laundering na kaagad or may krimen na kaagad.
01:35Umabot daw sa halos 7 milyong piso ang halaga ng mga transaksyon dahil pinagsama-sama ang halaga ng mga transaksyon
01:42sa loob ng labing walong taon.
01:44Ibig sabihin, lahat ng withdrawals mo, lahat ng deposits mo pagdating sa inflow and outflow, e pinagsama-sama.
01:53Kasi aggregate yung ginagawang number.
01:57So lahat ng inflows dyan, lahat ng outflows dyan, in-add up lang. Kaya may tendency talaga na maging bloated
02:04yung figures.
02:05But it is not determinative or conclusive as to magkano ba talaga yung nasa loob ng account.
02:11Sa isang pahayag, pinuna ni Duterte ang mga opisyal ng AMLAC dahil hindi raw nila nilinaw na walang findings na
02:18mga paglabag sa batas ang kanyang mga transaksyon.
02:21At hindi totoong may bilyone sa kanyang mga bank account.
02:25Sabi niya, nakadeklara sa kanyang sal-end ang lahat ng kanyang pera at ari-arian.
02:31Ang bawat sentimo raw ay lehitimo at may kaukulang dokumento.
02:36Binanggit din niya ang inilabas na notice of disallowance ng Commission on Audit sa confidential funds ng OVP.
02:43Tila itinaon daw ang paglalabas ng report at naaayon sa mga nararanasan niyang political attack.
02:51Pinababalik ng COA ang P73M na confidential funds ng tanggapan ng BSE paglilinaw ng kanyang abogado.
02:59Hindi pa po final yan dahil may remedies pa po ang mga officials ng OVP.
03:05Again, motion for reconsideration within 30 days.
03:09And then, upon denial kung ano man ang balance ng 30-day period na yun,
03:14ay maaari pa kaming umakyat sa Supreme Court on Rule 64.
03:17At doon lang po sa desisyon ng Supreme Court magiging final itong disallowance na ito.
03:23Sa testimonya naman ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na tumanggap umano ang BSE at kanyang pamilya ng pera mula
03:31sa isa umanong drug lord,
03:33sinabi ng BSE na halos isang dekada na raw gumagawa ng kwento si Trillanes hinggil sa diumano'y bilyones sa
03:41kanyang bank accounts.
03:42Wala raw nagbago sa kanyang mga kwento.
03:45Pero ngayon, ibang makinarya na raw ang nasa likod niya.
03:48Ito raw si Pangulong Bongbong Marcos na dapat anya ay magpa-drug test
03:53at ang mga tinawag ng BSE na mga lawbender na kongresista na tumanggap na mga maleta
04:00at paulit-ulit anyang binabaliwala ang constitutional limit.
04:04Kung gaana raw katindi ang paninira sa kanya,
04:07ganun din daw katindi ang katahimikan at takot ng administrasyon
04:11na managot sa bilyong-bilyong pisong ninakaw umano,
04:15inilagay sa maleta at inilabas ng bansa.
04:18Hinihinga namin ang reaksyon ng mga personalidad at mga tanggapang binanggit ni Duterte.
04:25Ipaniliwanag naman ang kanyang abogado
04:27ang sinabi sa committee na ilang taon umanong hindi nagdeklara ng cash on hand and in bank si Duterte.
04:33She disclosed because it was all lumped under yung others.
04:39Kasi sa personal items, kung makita nyo dun sa SAL-EN,
04:43nakasulat dun eh, vehicles, others, ganyan.
04:47So yung cash in bank, kasama siya dun sa others.
04:50I just wanted to clarify kasi baka sabihin parang sinasabi namin mali o sinungaling yung mga house members.
04:58Hindi naman po kasi ang sinasabi naman nila is walang line item ng cash in bank.
05:03Muling iginiit ng defense team ng BSE ang kanilang naunang posisyon
05:07na sa tamang forum lang haharap at sasagot si VP at ang kanyang mga abogado.
05:13A mere presentation of supposed evidence before a committee that is not authorized to conduct trial
05:22does not really amount to proof.
05:24Every evidence, whether it's something that you present in an ordinary case
05:32or in this case in an impeachment proceeding, must still survive scrutiny.
05:38It happens only in a proper trial before a tribunal or a body that has jurisdiction to conduct trial.
05:49Ang pagdinig ng House Committee on Justice,
05:52ginagawa raw para alamin kung merong probable cause para i-impeach si Vice President Duterte.
05:59Na-reach na po ba yung threshold for probable cause sa tingin po ninyo?
06:04This is my take, ha?
06:06In my personal capacity, not as Justice Chair, after all, I do not vote.
06:13Tingin ko, baka nga nalampasan pa with the weight of evidence that was presented,
06:20that were presented in yesterday's hearing.
06:22Ang net inflow na duman sa mga account niya ayon sa AMLA ay umabot sa 2.87 billion pesos.
06:32Samantalang ang na-declare niya sa kanyang salen ay 88.5 million pesos lamang.
06:40Napakalaki ng pagkakaiba yung discrepancy ng dalawang halaga na yan.
06:46At either dito sa committee o kaya sa Senado, kung yan ang kagustuhan niya, ay dapat ipaliwanag niya.
06:54Para sa akin, ito ay isang smoking gun na at least insofar as probable cause is concerned, ay andyan na
07:04yan.
07:04May nakita ng probable cause ang ilang miyembro ng House Committee on Justice para i-impeach si Vice President Sara
07:11Duterte
07:12kahit hindi pa nabubuksan ang kahong isinumite ng Bureau of Internal Revenue na naglalaman ng mga income tax returns ng
07:19Vice at ng kanyang asawa.
07:22Pagbobotohan pa kung bubuksan ang kahon o hindi sa susunod na hearing.
07:27Ang kahon ng income tax returns ng Vice, nasa pangangalaga ngayon ng Sekretary ng Kumite.
07:33Tatalakayin din sa susunod na pagdinig ang umunaybanta ni Duterte sa Pangulo, First Lady at dating Speaker.
07:41At inaasahang pagbobotohan na pagkatapos nito kung may probable cause para i-impeach ang Vice.
07:48Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez para sa GMA News.
Comments

Recommended