00:00Mga kapuso, sinabi ng dalawang dating tauhan ng state witness at dating DPWH undersecretary na si Roberto Bernardo
00:08na dati raw silang naghatid ng mga kahon sa bahay ni dating Sen. Bong Revilla.
00:17Tumestigo ang dalawa sa bail hearing ni Revilla at iba pang akusado sa Sandigan Bayan
00:22para sa kasang malversation kaugnay sa questionable umanong flood control projects,
00:27sabi ng dating driver ni Bernardo na si Francisco de la Fuente Jr.
00:31Dalawang beses daw siyang nag-deliver ng mga kahon sa bahay ni Revilla sa Cavite mula 2024 hanggang 2025.
00:39Nakita raw niya roon si Revilla pero mga tauhan ng dating senador ang kumuha sa mga kahon.
00:45Nag-deliver din daw ng mga kahon kay Revilla ang dating aide ni Bernardo na si Vergel Nino Garcia.
00:51Nag-deliver din umano siya ng mga kahon at maleta kina Sen. Gingoy Estrada, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan,
01:00dating DepEd Undersecretary Trigiv Olaivar, yung maong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral at iba pang personalidad.
01:09Hindi raw alam ni Garcia kung anong laman na mga ide-deliver niya.
01:13Susubukan pang kunin ang pahayag ng mga binanggit ni Garcia.
01:17Para sa abogado ni Revilla, hindi kapanipaniwala ang mga testimonya ng dalawang dating tauhan ni Bernardo
01:23dahil wala namang kasamang ebedensya ang mga ito.
01:26Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang dating senador.
01:30Hindi nakaharap sa anti-graft court si Bernardo kahapon dahil mayroon siyang bronchitis.
01:35Kinumpirma ito ng doktor mula sa korte na sumuri sa kanya.
01:39Inutusan ang Sandigan Bayan si Bernardo na humarap sa huling araw ng bail hearing ni Revilla ngayong araw.
01:46뉴스
01:48K Edit
01:49K
01:49K
01:49You
Comments