00:006 Pilipino na ang nasaktan sa patuloy na gantihan ng atake ng Israel at Iran.
00:07Isa sa kanila ang kritikal matapos madaganan ang debris mula sa isang gusani.
00:12Nakatutok si JP Soriano.
00:18Muling umalingaungaw ang mga sirena sa Tel Aviv, Israel.
00:22Dahil sa sunod-sunod na missile na pinakawalan ng Iran na sinasalag ng Iron Bobe Defense ng Israel,
00:32sa dami may mga nakalusod at tumama sa mga gusari at sasakyan.
00:37Nagsimula ang palitan ng airstrikes nitong biyernes nang atakihin ng Israel ang Iran
00:42sa layong tapusin ang ballistic missile capability nito at tigilan ang pagdevelop ng atomic weapons.
00:49Babala ng Iran, mas malala pa ang kanilang gagawin kung patuloy na titindi ang tensyon.
00:55Umakyat na sa 23 ang nasawi sa Israel.
00:59Sa Iran naman, mahigit 200 na ang napatay.
01:03Isang Pilipinong caregiver sa Rehovot, Israel ang nasa kritikal na kalagayan ngayon.
01:08Nadaganan siya ng mga debris ng tinamaang gusali.
01:11Naiipit po yung kanyang neck, yung kanyang lieg and monitoring po ngayon
01:17kasi nasa ICU po siya.
01:19Hopefully, she's able to pass the night para ma-stabilize yung condition para pwede siyang operahan.
01:27Isa pang Pinoy caregiver ay nagtamurin na matinding sugat.
01:30Ang sinasabi lang, kailangan nang tingnan kung ano yung,
01:36baka magkaroon ng life-changing impact yung sugat niya sa kanya once she heals.
01:43Ang apat na iba pang Pilipinong nasaktan nakalabas na ng ospital ayon sa Philippine Embassy.
01:49Nakausap ko ang isang OFW na nagpadala ng mga video
01:52nang saglit siyang makalabas sa gusali kung saan siya nagtatrabaho.
01:56Gabi, alas lahat ng building dito.
01:59Puro basag yung mga pinto.
02:01Ang building na ito, wasak na at di makilala.
02:05Gabi, yung pretty spirit ng mga Israeli na kahit basag na,
02:08tinatayo pa rin na yung bagbina.
02:10Sa ngayon, wala pang gagawin sa pinitang pagpapauwi sa mahigit 30,000 Pinoy doon.
02:26Ngayon po ay nasa crisis mode at heightened alert ang DFA,
02:30ang DMW at OWA para matulungan po ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya.
02:36Ready po ang ating mga ahensya kung kinakilaan po ng repatriation.
02:41Ang mga nakaschedule na talagang iuwi at nais umuwi,
02:45sisikapin daw may alis agad ng Israel sa lalong madaling panahon
02:49at sakaling dumami pa raw ang mga nais umuwi.
02:52We always stand ready for any eventuality including mass repatriation.
02:57Bukod sa Israel, mayroong 30 Pilipinong nagtatrabaho sa Iran.
03:02Nobody has been adversely affected in the Iranian side.
03:06Targeted kasi ang attacks naman doon.
03:10And we continue to hope and pray na again humupa yung hidwaan na ito
03:14para wala nang further na maapekto, anong masaktan.
03:18Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.