Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/27/2025
-Kapitan at 2 kagawad ng Brgy. Salitran 3, patay matapos pagbabarilin ng dating tanod; 1 sugatan/ Suspek na dating tanod, nasawi matapos barilin ang sarili; baril na ginamit sa krimen, hinahanap/Cavite Police: Paghihiganti, isa sa mga tinitignang motibo matapos matanggal sa trabaho ang suspek






-Teaser ng upcoming Kapuso revenge drama series na "Beauty Empire," intense ang mga eksena/Choi Bo Min, reunited sa kanyang "Beauty Empire" co-stars sa South Korea






-26 na lugar sa bansa, posibleng makaranas ng matinding init at alinsangan






-$400M, handang ilaan ng Asian Development Bank para sa mga proyekto ng BIMP-EAGA Summit/ Mga negosyante sa Malaysia, papasyal sa Pilipinas para sa posibleng pag-invest sa Mindanao/DTI Sec. Roque: Prayoridad ang paghihikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas/PBBM, nakapulong si Cambodian Prime Minister Hun Manet/Reciprocal tariffcs na ipinataw ng Amerika, inaasahang matatalakay sa ASEAN-GCC Summit ngayong umaga






-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA






-QC Prosecutor's Office, pinadadalo ang ilang kinatawan ng GMA Network at TAPE Inc. para sa mediation conference






-Phl Navy, kinumpirma ang pagbuntot ng 2 Chinese Coast Guard vessel sa barko ng Atin Ito Coalition


 


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil umano sa pagkakatanggal sa trabaho at paghold sa kanyang sweldo,
00:07walang habas na namaril ang isang dating tanod sa gitna ng flag racing ceremony
00:12sa barangay Salitran 3 sa Dasmarinas, Cavite.
00:15Patay ang tatlong opisyal ng barangay, pati ang gunman matapos magbaril sa sarili.
00:21Balitang hatid ni Mark Salazar.
00:22Sa gitna ng flag ceremony ng barangay Salitran 3 sa Dasmarinas, Cavite,
00:30biglang umalingaungaw ang mga putok ng baril.
00:34Bumulag ta ang kapitan at isang kagawad habang nagtakbuhan ng iba pa.
00:40Ang video na yan ng pamamaril viral ngayon sa social media.
00:44Ayon sa pulisya, hinabol pa ng suspect ang isa pang kagawad papasok ng barangay hall
00:49at doon binaril pati ang SK secretary.
00:52According sa witnesses po, is anim na putok yung si kapitan na headshot, isa.
00:59Isang kagawad na katabi niya is isa.
01:02Tapos yung isang kagawad na nakatakbo na sa opisina, dalawa sa likod.
01:07Tapos yung SK secretary, dalawa po sa tiyan na undergoing operation.
01:15Patay ang kapitan ng barangay at dalawang kagawad habang malubhang nasugata ng SK secretary.
01:21Sabi ng pulisya, ang barangay treasurer, ang pakay ng suspect na isang dating tanod.
01:26Ayun po yung sinasabi ng mga witnesses sa area na hinahanap yung...
01:30After na nabaril yung kapitan sa kagawad, hinahanap po niya yung tao.
01:37Nagsisigaw po siya doon.
01:38Saka pagkatapos doon, mula ng ano, saka po siya umulis on foot.
01:43Matapos isagawa ang krimen, umuwi ang suspect sa bahay at doon daw nagbaril sa sarili.
01:49I-imbisigahan pa rin po kung sino po ang nagmamayari ng baril na ginamit po ng suspect.
01:58Na-recover sa katawan ng suspect ang dalawang magazine ng kalibre 45 baril.
02:03Pero ang ginamit ng baril, misteryong nawawala raw.
02:07Tanong sa investigasyon ngayon kung sino ang nagtago ng baril.
02:11Paghihiganti ang isa sa mga motibong tinitingna ng mga autoridad.
02:15Matapos umanong tanggalin bilang tanod ang suspect.
02:18Nung buwan po ng Pebrero, ay nakasahod pa po ito.
02:22Napasok pa po ito sa trabaho despite po nung kanyang karamdaman na diabetes.
02:29Nito pong last na buwan, ito pong Mayo, na kukuni na po na yung sahod niya doon sa treasurer,
02:36ay hindi po ibinigay at ang dahilan po ay nakahold na po yung kanyang sahod.
02:41Tinanggal na po siya sa pagtatano dahil nga po ineffective na po siya.
02:45Dahil hindi na nga po siya nakakapasok dahil sa kanyang karamdaman.
02:48Patuloy ang investigasyon ng pulisya.
02:51Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:55Mga mari at pare, handa na ba kayo sa pinakamagandang laban?
03:09Hello, CEO ng mga hindi kagandahan.
03:15Andito palang self-proclaimed CEO.
03:18The heat is definitely on!
03:21Teaser palang kita na ang intense puksaan sa pagitan ng mga karakter ni na Barbie Forteza at Kailin Alcantara sa upcoming series na Beauty Empire.
03:33May pasilip na rin sa gagampan ng karakter ni Lufa Gutierrez bilang si Velma Imperial.
03:38Speaking of Beauty Empire, isang warm welcome ang natanggap ng cast mula sa co-star nilang si Choe Bo Min sa South Korea.
03:49Nandoon sila para ishoot ang ilang eksena ng serye at gumawa na rin ng iba pang online content.
03:55Nagsilibering tour guide roon ng grupo ang South Korean star.
03:59Ang Beauty Empire ay produced ng GMA Network, View Philippines at Creation Studios na mapapanood na soon.
04:08Halos 30 mga lugar sa bansa ang pinaghahanda po muli ngayong araw mula sa banta ng matinding init at alinsangan.
04:21Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 45 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan, Pangasinan.
04:2844 degrees Celsius sa Apari, Cagayan, San Il Defonso, Bulacan at sa Sangli Point, Cavite.
04:3443 degrees Celsius naman sa Lawag, Ilocos Norte, Tuguegarao, Cagayan, Clark Pampanga, Camilin Tarlac, Infanta Quezon, Daet Camarines Norte, Masbates City, Iloilo City at sa Giwan Eastern Summer.
04:48Pusibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index ngayong araw sa Pasay City at ilan pang bayan at syudad sa bansa.
04:56Para iwas heat cramps, heat exhaustion o kaya heat stroke, magsuot po ng preskong damit.
05:02Iwasang magbilad sa arawan hanggang alas 4 ng hapon at dalasan ang pag-inom ng tubig.
05:08Day 2 na ng ASEAN Summit sa Malaysia, kabilang pusa nagpulong ang ASEAN Member States kasama ang ilang bansa sa gitnang silangan.
05:18At live mula sa Kuala Lumpur, may ulit on the spot si Ivan Mayrina.
05:23Ivan?
05:23Magandatang Halikoli, bago yan ay 400 million US dollars na panibagong pondo ang handang ilaan ng Asian Development Bank para sa mga development projects ng Pilipinas.
05:38Ito ay binalita ngayong umaga ni Mindanao Development Authority Chair, Sekretary Leo Terezo Magdo matapos ang BIMP-Iyaga Summit na pinamunuan dito ng Pilipinas sa nagpapatuloy na ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
05:51Ang BIMP-Iyaga ay subgroup ng ibig sabihin ay Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines, East Asia Growth Area.
05:59Nabuhi ito noong 1994 ng apat na bansang miyembro para tugunan ang development gap at tutukan ng mga napag-iwanang lugar.
06:05Sa kaso ng Pilipinas, ito ay ang regyon ng Palawan at Mindanao.
06:09Sa nakalipas ng 30 taon, malaki na rawang na itulong ng BIMP-Iyaga sa development projects sa Mindanao.
06:14At ngayon sa panibagong pondong ito, itutukoy ng mga pwedeng tutukan pero prioridad daw sa ngayon
06:20ay ang interconnectivity sa Mindanao region.
06:23Bukod dyan, sinabi rin ni Magdo na nakausap niya kahapon ng grupo ng mga negosyante sa Malaysia
06:27at nangakumpapasyal sila sa bansa sa susunod na tatlong buwan para tignan ang investment potential ng Mindanao,
06:34particular sa turismo, lalo pat mas balakirabang potential ngayon ng Mindanao dahil sa tinatamasang kapayapaan ng regyon.
06:42Sa isa namang panayang kahapon, sinabi ni Trade and Industry Secretary Christina Roque
06:46na ang paghikayat sa pamumuhunan ang isa sa mga prioridad ng Administrasyon Marcos
06:51para sa paglikhan ng trabaho at paglagaw ng ekonomiya,
06:54lalo na sa pagsuporta sa mga micro and small medium enterprises.
06:59Matapos naman ang BIMP-Iyaga Summit ay nagkaroon ng one-on-one meeting si Pangulong Bongbong Marcos
07:03at si Cambodian Prime Minister Han Manet.
07:07Samantala sa usapin pa rin ng ekonomiya at kalakalan,
07:10kasalukoy ang nagaganap ang Second ASEAN GCC Summit.
07:13Ang GCC, ang Gulf Cooperation Council,
07:17binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, UAE, Bahrain, Qatar, Oman at Kuwait.
07:22May nakatakdaring bilateral meeting ang Pangulo sa head ng Kuwait.
07:27Inaasahang matatalakay sa ASEAN GCC ang reciprocal tariffs na ipinapataw ng Amerika
07:32at kung paano magtutulungan ng dalawang economic block para tumugon sa mga taripang ito.
07:37Samantala sa gitana mga usapin, kaugnay na ekonomiya at kalakalan,
07:41ay buhay na buhay pa rin ang issue ng South China Sea at isayan sa mga natalakay sa unang araw ng ASEAN Summit.
07:49Narito ang report.
07:50Sa tuwing ASEAN Summit sa nakalipas sa halos tatlong dekada,
07:58hindi nawawala ang panawagan mula sa Pilipinas para sa isang code of conduct sa South China Sea.
08:02Karagatan kung saan magkakasapaw ang claim ng mga bansa sa regyon,
08:06kabilang ang China.
08:07Ang tensyon sa regyon banta raw sa ASEAN ayon kay Pangulong Bongbong Marco
08:10sa harap ng kapwa mga leader sa pagubukas ng 46th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
08:15By working together, strengthening our institutions,
08:20and building the resilience and capacities of our people,
08:23we can better navigate this increasingly uncertain future
08:27and turn challenges into opportunities for shared growth and stability.
08:33We underscore the urgent need to accelerate the adoption
08:36of a legally binding code of conduct in the South China Sea.
08:40Darating ang China bilang dialogue partner sa kauna-unahang ASEAN-GCC-China Summit.
08:45Ang GCC o Gulf Cooperation Council,
08:48binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, UAE, Bahrain, Kuwait, Qatar at Oman.
08:53Inaasahang mapapalawak ng dialogong ito
08:55ang kalakalan sa pagitan ng GCC, ASEAN at ng China
08:59sa gitna ng mga ipinataw na taripa ng Amerika sa halos lahat ng bansa sa mundo.
09:04Ayon sa Prime Minister ng host country na si Anwar Ibrahim,
09:07hindi tatapatan ng taripa ng Amerika,
09:08kundi dadaanin ito sa dialogue at diplomasya sa ikinakasang ASEAN-US Summit.
09:13When we encounter this problem with the tariff,
09:18we proceed with bilateral meetings but retain the ASEAN consensus
09:24and without exception, all ASEAN leaders give that tacit approval.
09:32We commend Malaysia's leadership in convening the special ASEAN Economic Minister's Meeting
09:36and welcome the consensus to avoid retaliatory measures.
09:41Nanawagan din ang kooperasyon ng Pangulo sa pagsugpo sa transnational crime
09:45at sa sama-sama ang pagtugon sa mga epekto ng climate change.
09:48Ang upskilling sa pamagitan ng teknolohiya at ang paggamit ng artificial intelligence
09:53at suporta sa mga malilit na negosyo,
09:55ang siya namang tema ng mensahe sa ASEAN Business Advisory Council
09:58at nagpahayag ng suporta ang Pilipinas sa isang future-ready na ASEAN.
10:03Nilagdaan din ang mga ASEAN leader ang Kuala Lumpur Declaration
10:06na magtatakda ng direksyon ng ASEAN hanggang 2045.
10:09Tila pagbaliktanaw daw ito sa naging kasunduan ng mabuhang ASEAN noong 1967
10:14sa pagitan ng mga bansang pinagbuklod ng pagkakaibigan, kooperasyon at sama-samang pag-unlad.
10:20May one-on-one meeting din ang Pangulo,
10:22kinalao PDR Prime Minister Sonzai Sipan doon,
10:25kung saan nagkaroon ng kasunduan sa Defense Cooperation, Economic and Trade Cooperation at Education
10:30at Thai Prime Minister Petong Tan Sinawat kung saan kabilang sa mga napag-usapan
10:35ng mas pinigting na kalakalan, kooperasyon sa agrikultura at pagsugpo sa transnational crime.
10:47Connie, kakatapos lamang magbigay ng kanyang intervention o talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos
10:52sa nagaganap na ASEAN GCC Summit.
10:55Isa sa kanyang mga binigyang diin ay ang kahalagahan ng pagsiguro ng freedom of navigation
11:01at unimpeded commerce o yung walang hadlang sa kalakalan sa ilalim ng UNCLOS
11:07sa pagitan ng ASEAN at ng GCC bilang mga economic blocks.
11:12Samantala, mamayang hapon, Connie, magkakaroon muli ng ASEAN GCC Summit
11:16pero sa pagkakatao ito, kasama naman ang bansang China.
11:20At live mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, Ivan Mayrina ng GMA Integrated News.
11:24Balik sa'yo, Connie.
11:25Maraming salamat, Ivan Mayrina.
11:32Update po muna tayo sa lagay ng panahon.
11:35Tag-ulan is waving na nga ba?
11:36Kausapin na po natin sa Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
11:41Magandang umaga at welcome sa Balitang Halit.
11:44Magandang umaga, Connie, at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
11:47Ano po ba ang aasahan nating lagay ng panahon sa kasalukuyang weather system na atin pong binabantayan?
11:53Well, Connie, sa ngayon, ang Sambuanga Peninsula, ang Western Visayas at ang Palawan,
11:58apektado ng tinatawag nating Intertropical Convergence or ITCJ.
12:02Inaasahan na magiging maulap sa mga lugar na ito, region, may mga pagulan at pagkidlat at pagkulog.
12:08Samantala dito naman sa may bandang Batanes at Babuyan Island, apektado ito ng frontal system.
12:13Maulap din na may mga pagulan at mga pulupulong pagkidlat at pagkulog.
12:17Habang dito sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng ating bansa, generally mainit, medyo malinsangan sa ilang lugar.
12:23Pero hindi pa rin natin sinasantabi yung posibilidad ng mga afternoon or evening rain showers or thunderstorms.
12:29Kaya sa mga kababayan po natin na pumapakot ng trabaho or lalabas mamayang tanghali or hapon,
12:34pinapayang po natin magdala ng payong dahil kung hindi mong proteksyon sa init ng araw,
12:38e proteksyon naman nila sa biglang pagulan.
12:40Base po sa mga tinitignanin yung parameters, kailan kaya posibleng magsimula na ho ang tagulan?
12:46Well, Connie, ang nakikita kasi natin in terms of rainfall monitoring,
12:50ay hindi pa nasa-satisfying criteria.
12:52Pero we're looking at the possibility na posibleng ngayong linggo hanggang sa una
12:56at pangalawang linggo ng June sa pagitan nun,
13:00anytime between those weeks ay posibleng nga magsimula ang tagulan sa ating bansa
13:04at mag-deklara, i-deklara na nga po ng pag-asa.
13:07So, rain season is just around the corner po.
13:10Ayan, marami pong salamat.
13:12Siya, Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez Puyen.
13:17Inatadalaw ng Quezon City Prosecutor's Office ang ilang opisyal ng Television and Production Exponents
13:23o Tape Incorporated at ilang kinatawan ng GMA Network para sa mediation conference.
13:29Tawag na po ito sa mahigit P37 million staffa complaint na inihain ng GMA Network,
13:35sabi ng abogado ng tape na si Atty. Maggie Abraham Garduque,
13:39noong May 23 lang nila natanggap ang supinya.
13:42Susunod naman daw sila at pupunta sa mediation conference sa May 29.
13:48Dagdag ni Garduque, magpupulong sila ng tape Board of Directors ngayong araw
13:52para pag-usapan ang posibilidad ng pag-alok ng settlement.
13:56Layunin daw ng mediation conference na magkaroon ng kompromiso sa pagitan ng dalawang panig.
14:02Ang reklamong staffa with abuse of confidence na inihain ng GMA laban sa mga opisyal ng tape
14:07ay nag-ugat sa kabiguan daw ng mga respondents na ilimit ang nakolekta nilang advertising revenues.
14:13Pero ang nakalaan na dapat sa GMA Network sa ilalim ng isang 2023 assignment agreement.
14:23Mainit-init na balita, kinumpirma ng Philippine Navy ang pagbuntot ng dalawang barko ng Chinese Coast Guard
14:29sa barko ng ating ito koalisyon sa West Philippine Sea.
14:33Hindi na raw bago ang pag-iikot ng mga barko ng China sa Pag-asa Island.
14:37Naglalayag doon ang ating ito koalisyon para sa kanilang civilian mission para sa isa pang sea concert bukas
14:45kasama ang mga manging isda sa Pag-asa Island.

Recommended