Skip to playerSkip to main content
-PAGASA: Shear Line, magpapaulan muli sa Visayas at ilang bahagi ng Southern Luzon at Mindanao

-PHIVOLCS: 317 rockfall events at 30 pyroclastic density currents o uson ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras

-Rider, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem; nagbibisikletang estudyante, patay rin matapos madamay

-Nawawalang pulis, natagpuang patay at nakabaon sa Brgy. Mojon; dalawang sinabing pinuntahan ng suspek at pinag-aminan sa krimen, hinuli

-Upos ng sigarilyo at open flame mula sa pagluluto, posibleng sanhi ng grassfire sa paligid ng Bulkang Taal

-Oil price hike, ipatutupad bukas

-Ilang bahagi ng EDSA, sarado simula ngayong Pebrero para bigyang-daan ang konstruksyon ng MRT-7

-Mga may-ari at driver ng 2 truck na sumingit sa mga fire truck at rescue vehicle, ipinatatawag ng LTO

-2 impeachment complaints laban kay PBBM, sinimulan nang talakayin ng House Justice Committee

-Tricycle driver, arestado matapos barilin ng nanita sa kanyang dating barangay kagawad; biktima, nakaligtas

-Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao at 1st Runner-up Gotchabell, balik-Pilipinas para sa isang fan meet



Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga kapuso, maulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong unang lunes ng Pebrero dahil sa shearline o ang nagsasalabungang amihan at easterlies.
00:15Ayon sa pag-asa, apektado ng shearline ang Visayas, Sorsogon, Masbate, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
00:24Pina-alerto ang mga residente mula sa banta ng Baja Olaan Slide lalo sa gitna ng malalakas na ulan.
00:31Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin sa mga susunod na oras ang halos buong Visayas at ilang panig ng Southern Luzon at Mindanao.
00:40Mababa naman ang tsansa na ulan dito sa Metro Manila.
00:43Ngayong lunes, naitala sa La Trinidad Benguet ang minimum temperature ng 12.5 degrees Celsius, 14.2 degrees Celsius sa City of Pines, Baguio,
00:52habang 21.4 degrees Celsius dito sa Quezon City.
00:56Iingat po tayo sa sobrang lamig mga kapuso!
01:00Bantay mayon naman po tayo, mahigit 300 rockfall events ang naitala sa bulkang mayon sa nakalipas na 24 oras.
01:08Ayon sa FIVOC, satlumpong beses ding nagpakawala ng Pyroclassic Density Currents o Uson ang mayon.
01:15Sa footage na ito ng ahensya, dumausdos ang lava mula sa crater hanggang sa halos apat na kilometro sa Busud o Basud Gully.
01:24Halos dalawang kilometro naman sa Bongga Gully, habang mahigit isang kilometro sa Miisi Gully.
01:32Na itala rin sa bulkang yan ang limang volcanic earthquake at nagbuga ng lava dome at lava flow.
01:40Nananatili sa alert level 3 ang mayon.
01:43Ibig sabihin, mahigit o mahigpit pa na ipinatutupad pa rin po ang pagpasok ni naman sa 6 km radius permanent danger zone ng bulkan.
01:52Bawal din po ang anumang aircraft na lumipad sa ibabaw ng mayon.
01:55Patay ang isang rider matapos pagbabarili ng Riding in Tandem sa Novalichas, Quezon City.
02:04Nasa wiri ng isang nagbibisikletang estudyante na nadamay lang sa insidente.
02:09Balita natin ni James Agustin.
02:14Kita sa CCTV ang habulan sa pagitan ng Riding in Tandem at mga pulis sa Crino Highway, Novalichas, Quezon City.
02:20Pasado alas 11 kagabi.
02:22Bago yan, galing sa Villarreal Street ang dalawang nakamotorsiklo na nakasuot ng jacket at helmet.
02:28Doon nila pinagbabarilang isa pang motorcycle rider.
02:31Bumulag ta sa kalsada ang 28 anyo sa lalaking rider.
02:35Naisugot pa sa ospital ang biktima pero diniklarang dedo na rival
02:38dahil sa mga tama ng bala ng bari sa iba't imang bahagi ng katawan.
02:42Nadamay rin sa pamumarilang 24 anyo sa lalaking second year criminology student na nagbibisikleta.
02:48Tinamaan siya ng bala sa kaliwang hita.
02:50Naisugot din siya sa ospital.
02:52Pero binawian ng buhay.
02:53Hindi na muna nagbigay ng panayam ang Quezon City Police District
02:56habang iniibisigahan pa ang motibo sa pamumari.
02:59Nagsasagawa na sila ng hot pursuit operation para mahuli ang mga salary.
03:03Na-recover ng soko ang labing isang basyo ng bala at isang tingga sa pinangyarihan ng krimen.
03:08Nakuhan na ng punerarya mula sa ospital ang labi ng estudyating nadamay sa pamumari.
03:13Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kanyang mga kaanak.
03:16James Agustin nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
03:20Inabot naman na mahigit labing limang oras ang sumiklab na grass fire sa paligid ng Bulcang Taal, sakop ng Balete, Batangas.
03:29Ay sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas 5.30 hapon nitong biyernes.
03:34I-dineklara lang itong fire out pasado alas 8.30 na umaga, kinabukasan Sabado.
03:40Walang nasaktan sa sunog.
03:42Batay sa joint report ng BFP, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Balete MDRRMO,
03:49posibleng nagsimula ang apoy sa upos ng sigarilyo at open flame mula sa pagluluto.
03:55Abiso sa mga motorista, may big time na taas presyo sa ilang produktong petrolyo simula bukas, martes.
04:07Base sa anunsyo ng ilang kumpanya na langis,
04:101 peso ang 60 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel.
04:1480 centavos naman ang taas presyo sa kada litro ng gasolina.
04:18Habang 1 peso ang 10 centavos ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
04:22Ikaapat na magkakasunod na linggo na iyang taas presyo sa gasolina,
04:27habang 5 magkakasunod na linggo naman para sa diesel at kerosene.
04:32Abiso mula sa MMDA, ilang bahagi ng EDSA ang sarado simula ngayong Pebrero para sa konstruksyon ng MRT-7.
04:40Mula kahapon, February 1 hanggang May 8,
04:44dalawang lane ng EDSA North Avenue Northbound ang isasara buong araw.
04:49Mula February 22 naman hanggang May 18 isasara ang dalawang southbound lanes nito.
04:55Full road closure naman ang northbound lanes mula February 11 hanggang March 10,
05:02tuwing alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.
05:06March 11 hanggang March 23 naman may full road closure sa southbound lanes doon.
05:12Sa parehong oras mula March 24 hanggang April 29 naman,
05:18may full road closure sa bahagi ng EDSA sa West Avenue.
05:22Para po yan sa pagkakabit ng turnback girder o bakal na magdurugtong sa dulong segment
05:28ng MRT-7 North Avenue Station at sariles na nakatayo na sa West Avenue.
05:34Magkakasunod ang dalawang firetruck at isang rescue vehicle na yan
05:44papunta sa isang sunog sa Tansakaviti noong January 27.
05:48Makalipas sa ilang minuto, may isang asul na truck na pumagit na sa mga re-responding bumbero.
05:54Maya-maya, isa pang truck na kulay puti naman ang sumingit din sa linya
05:57kung nasaan ang mga truck ng bumbero.
06:00Nakauna rin naman kalaunan ng parehong firetruck.
06:02Pero nang makarating sa pinangyarihan ng sunog,
06:05nagkaroon ng komprontasyon ng mga sakay ng isa sa dalawang firetruck
06:08at ang driver ng asul na truck.
06:11Nagpakilalang empleyado ng alkalde ang truck driver.
06:13Paliwanag niya kay Tanzamay o Arkanghelumatro na ipatawag siya kinabukasan,
06:19may tumawag daw sa kanila para mag-rescue sa sunog.
06:22Humingi naman siya ng paumanhin.
06:24Wala pang pahayag ang driver ng puting truck.
06:26Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office ang parehong truck driver
06:30at mga may-ari nito kaugnay sa insidente.
06:34Suspendido rin ng siyam na pong araw ang lisensya ng dalawang driver.
06:38Inyakyat din sa alarm status ang plaka ng dalawang truck.
06:41Ibig sabihin, may hindi pa na babayar ang multa
06:44o nakabimbin na kaso o paglabag ang sasakyan.
06:47Paalala po sa mga motorista,
06:50magbigay daan sa mga emergency vehicle kabilang ang mga fire truck.
06:54Hindi lang daw ito basta pagsulod sa batas,
06:55kundi pagpapahalaga na rin sa buhay ng iba ayon sa LTO.
07:02Sinimulan ng talakayan ng House Justice Committee ngayong umaga
07:06ang dalawang impeachment complaints
07:07laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
07:10Tutukuyin ang komite kung sufficient in form
07:15at sufficient in substance ang parehong reklamo.
07:18Sa huling impormasyon,
07:19nagsalita si Pusong Pinoy Partilist Representative Jet Misay
07:23na nag-endorso ng reklamong inihain ni Atty. Andre De Jesus.
07:28Nagsasalita na rin ang mga kongresista mula sa Makabayan Block
07:31na nag-endorso naman ng impeachment complaint mula sa grupong bayan.
07:36Huli kam sa Maynila ang pamarilang tricycle driver
07:38sa isang dating barangay kagawad.
07:41Ang ugat ng insidente,
07:42sinita ng dating kagawad ng tricycle driver
07:45dahil sa pag-ihi sa kalsada.
07:48Balitang hatid ni Bea Pinlak.
07:52Papasok na sana ng trabaho
07:54ang nalaking naglalakad sa barangay 442,
07:56Zone 44, Sampaloc, Maynila
07:58noong Webes ng hapon.
08:00Hindi pa siya nakatatawid sa kabilang kalsada
08:02nang dumating ang isa pang lalaki
08:04na agad siyang binaril.
08:06Ang biktima na dating kagawad sa barangay
08:08nakailag at nagtago.
08:10Hinabol siya ng sospek.
08:12Sandali pang tumigil ang sospek
08:13para pulutin ang ilang basyo ng bala sa kalsada.
08:17Sinubukan ulit niyang habulin ang biktima
08:19pero umatras na lang
08:20nang makatakbo na sa kalapit na eskinita
08:23ang biktima.
08:24Ayon sa pulisya,
08:25tatlong beses nagpaputok ang sospek
08:28bago magjamang baril.
08:30Walang balang tumama sa biktima.
08:32Pero nagtamu siya ng mga sugat
08:34dahil sa kanyang pagtakbo.
08:38Ayun ka, ayun ka.
08:39Ang sospek,
08:40ang 39-anyos na driver ng tricycle.
08:44Napadaan pala siya sa harap ng biktima
08:46bago ang pamamaril.
08:48Ayon sa pulisya,
08:49sinitan ang biktima ang sospek
08:51sa pag-ihi niya sa may kalsada
08:52na ikinagalit ng sospek.
08:54According dun sa ating biktima,
08:57nakita niya itong sospek,
09:00in-approach niya lang
09:00kung bakit siya pinagmumura.
09:03And then,
09:04parang minasama nung sospek
09:06yung pagkakasita sa kanya.
09:11Ilang oras matapos ang pamamaril,
09:13naaresto ang sospek sa bahay niya.
09:16Nakuha rin sa kanyang baril
09:17na ginamit umano sa krimen
09:18na napagalamang hindi lisensyado.
09:21Doon na lang po magkasatapos sa korte.
09:23Sa pahayag ng sospek sa mga pulis,
09:26inamin niyang umuwi siya sa bahay
09:28para kumuha ng baril.
09:29Minado naman po yung ating sospek.
09:31Makulit daw si Kagawad eh.
09:34Parang nakakalalaki daw.
09:36Nung nauli namin yung sospek
09:37kapan-interview,
09:38habang pinami-medical namin,
09:41nag-ayabang pa ito na
09:42swerte si Kagawad,
09:44nag-jam yung bala.
09:46Kung hindi, ubusin niya yun.
09:47Tinitignan ding ang gulo ng pulisya
09:49ang dati na umanong galit
09:50ng sospek sa biktima.
09:52At sometime in November of 2024,
09:56nag-iinom, umiinom tong sospek
09:57dun sa iskinita
09:59ng bahay ni ex-Kagawad.
10:01So natitigan,
10:03parang minasama niya to.
10:04Parang nagtanim lang ng galit
10:06ng ating sospek
10:07dun sa ating biktima.
10:09Reklamong attempted homicide
10:11at illegal possession of firearms
10:13ang isinampalaban sa sospek
10:14na nakapiit sa Sampaloc Police Station.
10:17Ayon sa pulisya,
10:18nahulihan na rin
10:19ang dilisensyadong
10:20barilang sospek
10:21noong 2025.
10:23Bea Pinlak,
10:24nagbabalita
10:25para sa GMA Integrated News.
10:27Happy Monday mga mare,
10:34Balikbansa!
10:35Si Miss Grand International
10:362025
10:37Emma Mary Tiglau.
10:39Kasama niya ulit
10:40ang kaibigan
10:41at first runner-up
10:42sa beauty pageant
10:43na si Gotchabel.
10:45Ang latest hatid
10:46ni Athena Imperial.
10:47Balikman nila
10:52sa Miss Grand International
10:542025
10:54Emma Mary Tiglau.
10:56Kasama niya
10:57ang first runner-up
10:58at kanya raw
10:59soul sister
11:00na si Gotchabel
11:01ng Thailand.
11:02Magkasama sila
11:03sa fan meet
11:04dito sa bansa
11:05at may Thai fans
11:07pang lumipad dito
11:08para makabond
11:09ang MGI Queens.
11:11Hindi ko expect
11:12na gagawin ni Papa Nawat
11:13because I don't think
11:14we have a big fan base
11:15and ayun na nga
11:17ginawa na niya.
11:18I'm very happy
11:19and I'm so excited
11:21to come to the Philippines
11:24again.
11:25Yes, and
11:26this is a two times
11:28second time.
11:29Actually, I would like
11:31to go to the
11:31island.
11:33Matutupad na rin daw
11:34this time
11:35ang wish ni Gotchabel
11:36na makalibot
11:37outside the city.
11:39Pupunta sila
11:40sa Kamigin
11:40na kabilang
11:41sa 52 places to go
11:43ng New York Times
11:44ngayong 2021.
11:46Inilarawan ng
11:47New York Times
11:48ang isla
11:48bilang water lover's
11:50paradise.
11:51Highlight sa travel list
11:52ang sandbars,
11:53hot springs,
11:55waterfalls
11:55at sunken cemetery.
11:57Sabi ko,
11:57you should visit.
11:58So sabi ko,
11:59para hindi lang siya
12:00leisure,
12:00hindi lang siya travel.
12:01Why not make it worth it?
12:03Doon din nila
12:04isushoot ang kanilang
12:05short film for a cause.
12:08Athena Imperial
12:08nagbabalita
12:09para sa
12:10Jemay Integrated News.
12:11Música
12:12Música
12:13Música
12:13Música
12:14Música
12:14You
Comments

Recommended