- yesterday
-Rep. Chel Diokno: Posibleng patibong ang hinihinging certification ng Senado sa Kamara na gusto pang ituloy ng 20th Congress ang impeachment trial ni VP Duterte
-Pahinante, patay matapos tumalon umano mula sa truck na dumausdos sa Brgy. Tabiguian; driver, sugatan
-PNP-AVSEGROUP, naglunsad ng nationwide operation laban sa mga taxi driver at colorum na labis-labis maningil ng pamasahe
-Lalaki, patay sa pananaga matapos umanong paulit-ulit na hamunin ng away ang kapitbahay; suspek, sumuko
-6 na crew ng lumubog na LCT San Juan Bautista, nasagip
-Panukalang gawing 21-anyos ang minimum age ng bettors sa online casino games, inihain sa Senado; minimum bet, planong gawing P10,000
-Octa Research Survey: Mas maraming Pinoy ang pabor na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court
-INTERVIEW: ATTY. KRISTINA CONTI
ASSISTANT TO COUNSEL, ICC
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Pahinante, patay matapos tumalon umano mula sa truck na dumausdos sa Brgy. Tabiguian; driver, sugatan
-PNP-AVSEGROUP, naglunsad ng nationwide operation laban sa mga taxi driver at colorum na labis-labis maningil ng pamasahe
-Lalaki, patay sa pananaga matapos umanong paulit-ulit na hamunin ng away ang kapitbahay; suspek, sumuko
-6 na crew ng lumubog na LCT San Juan Bautista, nasagip
-Panukalang gawing 21-anyos ang minimum age ng bettors sa online casino games, inihain sa Senado; minimum bet, planong gawing P10,000
-Octa Research Survey: Mas maraming Pinoy ang pabor na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court
-INTERVIEW: ATTY. KRISTINA CONTI
ASSISTANT TO COUNSEL, ICC
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Naniniwala si Akbayan Rep. Chell Jokno na dapat mag-ingat sa pagtugon sa hinihingi ng Senate Impeachment Court
00:37ng sertifikasyon sa Kamara na interesado pa rin itong isulong ang impeachment proceedings ngayong 20th Congress.
00:45Sabi ni Jokno na inaasahang magiging bahagi ng prosecution team, baka raw ito isang trap o patibong.
00:51Yan ang sasang bagay na kailangan pag-aralan ng mabuti kasi baka naman maaari maging trap na yan.
00:58Kaginawa ng House yan ay sasabihin naman nila, oh, eh, may violate na kayo ng one-year ban.
01:05If the 20th Congress will designate prosecutors to the panel, I think that is already a very clear indication that they want to proceed with the case.
01:16Nanindigan si Jokno na dapat magkaroon ng impeachment trial.
01:21Yan din ang sabi ni Ako Bicol Partidist Representative Alfredo Garbin.
01:25I haven't heard of dismissal and the Constitution does not speak of dismissal.
01:31Kung pagbabawal ang motion to dismissal?
01:34Yes, because the Constitution speaks of hearing and trial, di ba?
01:40And then the reception of evidence.
01:43Tingin naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, i-invoke ng defense team ang pagpapadismiss ng impeachment case ng BICE.
01:50Oras na mangyari ito, posible raw pagpotohan niya ng mga Sen. Judge.
01:55Makikita naman natin doon sa reply ni VP Sara na in-invoke nila yung constitutionality ng Articles of Impeachment.
02:09So yung reply na yun, I am very sure, i-invoke ulit yun ng mga defense lawyers.
02:16At possible yan na magkaroon ng botohan.
02:20Possible yan.
02:21Kasi i-invoke nila yan eh.
02:22So kung merong tumutol or merong sumang-ayon among the Sen. Judges, possible yan.
02:31Pero nanindigan si Gatchalian na dapat maipresenta muna ang mga ebedensya sa impeachment trial
02:37bago magbotohan ang mga Sen. Judge sa anumang masyon.
02:42Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:46Huli ka amang pagdausdos ng truck na yan sa gilid ng kalsada sa barangay Tabiguan sa Tabaco Albay.
02:58Sa isa pangangulo, makikita ang isang batang napatakbo bago ang aksidente.
03:03Patay sa insidente ang pahinanti ng truck na tumalun-umano mula sa sasakyan.
03:07Sugata naman ang driver.
03:09Batay sa embistigasyon na wala ng preno ang truck na galing sa Camarinesur.
03:16Mahigit limang pong sasakyan na na ang huli ng PNP Aviation Security Group sa buong bansa
03:22dahil po sa labis-labis na paniningil sa mga pasahero sa airport.
03:28May ulat on the spot si Marisol Abduraman.
03:30Marisol?
03:32Connie, talamak na ang pakukontrata ng mga taxi driver, lalong-lalong na sa mga paliparan.
03:37Ito'y ayon mismo kay PNP Aviation Security Group Director Brigadier General Jason Capoy.
03:42Lalo rong kasing dumarami ang mga nagre-reklamo sa kanila na mga nabibiktima ng overcharging.
03:47Kaya alam mo, Connie, hindi na lang dito sa Metro Manila ang kanilang operasyon.
03:51Naglunsad na ang PNP Aviation Group ng nationwide operation laban sa mga overcharging ng mga taxi driver at mga kolorum.
03:58Kahapon nga, Connie, umabot sa 46 na sasakyan ang kanilang nahuli sa tulong ng LTO.
04:03So, 28 dito ay nahuli sa Metro Manila.
04:06Kabilang na, Connie, rito ang labing isa na mga motor taxi na nahuli nga nila.
04:13Rather, kabilang dito, Connie, yung 11 na mga taxi na una nilang nahuli noong June 25.
04:18Tapos, 7 naman dito, Connie, ang UV Express at 11 ang mga habal-habal.
04:22Kung saan, isa rao sa mga nahuli nila ay naningil ang P350.
04:27Wula na iwan lang hanggang na iyan rin akong tutusin daw.
04:30Ayon kay Kapoy, ay hindi nga aabot ng P100.
04:33Limang taxi naman ang nahuli sa Region 7 of Cebu at isa naman sa Region 11.
04:38Connie, tuloy-tuloy daw ang kanilang magiging operasyon kahit walang nagre-reklamo.
04:42Kabilang narito ang mga positibling kasabwat ng mga taxi driver na patuloy pa rin daw nilang iniimbestigahan.
04:48Hinihikaya naman nila, Connie, ang publiko na magsubong sa kanila kapag ka may reklamo hindi nila sa labis-labis na paniningil sa pamasahe.
04:55Connie.
04:56Maraming salamat, Marisol Abduraman.
05:00Ito ang GMA Regional TV News.
05:06Malita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
05:10Patay sa pananaga ang isang lalaki.
05:12Samuel Buwal, Cebu.
05:14Cecil, anong nga ugat ng krimen?
05:17Rafi, dati na raw may away ang biktima at ang sospek na magkapitbahay sa barangay Tumunoy.
05:23Ayon sa mga otoridad, Abril nang magsimula ang away ng dalawa dahil kinain umano ng mga kambing ng biktima ang mga tanib ng sospek.
05:31Imbis na humingi ng tawad, nagalit pa raw ang biktima at paulit-ulit na hinamon ng away ang sospek.
05:39Nagbanta rin daw ang biktima na papatayin ang sospek.
05:42Litong linggo, muli umanong nang hamon ang biktima at pumunta pa sa bahay ng sospek at namato.
05:48Doon na umano na puno ang sospek at tinaga ang biktima hanggang sa mamatay.
05:53Sabi ng sospek, naubos ang pasensya niya sa mga paghahamon ng biktima.
05:58Sumuko siya sa kanilang kapitan na siyang nag-turnover sa kanya sa pulisya.
06:03Na-recover naman ang bolo na ginamit sa pananaga.
06:07Sa Sibuyan, Romblon, nasa gipang anim na tripulante ng isang barkong lumubog.
06:12Galing sa isang pantalan sa Negros Oriental, bumiyahe noong lunes ang LCT San Juan Bautista papunta sa Sanang Nabotas.
06:21Napansin ng mga crew na pinapasok na ng tubig ang barko kaya umalis na sila bago ito tuluyang lumubog.
06:28Saktong napadaan ng isang fishing vessel at inireport ang sitwasyon ng mga tripulante sa Philippine Coast Guard.
06:34Dinala sa Negros Occidental ang mga narescue na tripulante.
06:38Isinailalim sila sa check-up bago ibinyahe kahapon papuntang Metro Manila.
06:44Ayon sa Coast Guard Station, Romblon, walang nakikitang pagtaga sa 2,500 liters na diesel na karga ng LCT San Juan Bautista.
06:53Inaimbestigahan pa kung bakit lumubog ang barko.
06:58Isinusulo ngayon sa Senado ang mas mahigbit na regulasyon sa online gambling.
07:03Detali tayo niya sa malitang hatid ni Mav Gonzalez.
07:09Sa unang laro pa lang daw niya ng online casino game na scatter,
07:13walong libo raw agad ang napanaluna ni Papa J.
07:16Ang scatter na mala slot machine ng itsura, may katumbas na premyo basta may lumabas na ratlo o higit pang magkakaparehong card.
07:23At dahil maliitan lang ang tayaan na pwedeng idaan sa pamamagitan ng mga digital wallet
07:29na inganyo siyang tumaya ng tumaya hanggang ang paminsan-misan naging pang madalasan.
07:34Yung ano ng motor ko, yung box ng motor ko, nabenta ko na para lang panlaro.
07:40Misan yung biyahe ko, bibiyahe ako na madaling araw.
07:44Bibiyahe ako, booking nun, mga lima o anim na booking.
07:49Pag may panlaro na, ayun, tsaka ako'y lalaro.
07:52Oo, nalaman ng pamilya ko yun.
07:54Hindi nag-iisa si Papa J sa mga Pilipinong nagumon sa mga online casino game
08:04na ang ilan nabaon na sa utang at nauwi sa pagkasira ng pamilya.
08:09Ang sitwasyon na ito, ikinabahala ni Cardinal Pablo Virgilio David.
08:14Sa isang social media post, binatikos niya ang pagtutok ng gobyerno sa Pogo
08:18gayong mas malaking problema ang lisensyadong online gambling platforms dito sa bansa
08:23dahil accessible ito anumang oras kahit sa mga menor de edad.
08:27Dinala na raw ang casino sa bawat bahay at bawat smartphone.
08:31Kinundi na rin ni David ang celebrity at influencers na nagpopromote ng gambling app sa social media
08:36na tinawag niyang mga pusher ng pasugalan.
08:39Sa Senado, may inihain ng panukalang batas para kontrolin ang online gambling.
08:44Sa online gambling regulatory framework na inihain ni Sen. Wyn Gatchalian,
08:49itataas sa 21 mula 18 years old ang minimum age para tumaya sa lahat ng online gaming.
08:55Itataas din ang minimum bet sa P10,000 pesos habang P5,000 pesos ang minimum top-up.
09:01Pagbabawalan na rin ang direct link ng digital finance app para tumaya.
09:05Ngayon, zero eh. There's no floor price. So ibig sabihin, kay P20 pesos pwede kang tumaya.
09:09Top-up, pagbabawalan namin yung link from Gcash or payment system dito sa online gambling.
09:16At yung minimum nga is P10,000. So hindi pwedeng P20 pesos makakalaro ka na minimum mo dapat ay P10,000.
09:24Ang top-up mo is about P5,000.
09:26So you can only open an account directly.
09:29Ngayon kasi pwede kang mag-Gcash, ililink mo dito eh.
09:31Yun ang nagiging napakadali na.
09:33Tingin niya mas mainam ito kaysa total ban sa online gambling.
09:37Dahil baka mag-underground lang aniya ang mga operator.
09:41Kung pumasa ang panukalang batas, ihigpitan din ang Know Your Client System
09:45sa pamamagitan ng biometrics at ID para masigurong nasa edad na ang tataya.
09:50I-re-regulate din ang pag-advertise sa online gambling gaya ng ginagawa sa sigarilyo at vape.
09:55Bawal na kumuha ng mga celebrity at influencer para mag-endorso sa online gambling platform.
10:01Hindi siya pwedeng free for all advertising na kukuha ka ng influencer, kukuha ka ng batang.
10:09Kasi mga napansin ko, yung mga promoter nila, bata eh.
10:13So nai-entice ngayon yung bata maglaro.
10:15So we also banned that.
10:17Bawal ang advertising kahit saan-saan.
10:21Bawal rin mag-advertise near the schools, near churches, near government establishments.
10:26So we also regulated the advertising portion, the promotion and advertising portion.
10:31Kasing higpit niya yung sa sigarilyo.
10:33Umaasa si Gatchalya na mababantayan ito ng pagkor kung sakaling mapatupad.
10:38Parang pogo yan.
10:39Diba? Ang pagkor, ang regulator ng pogo.
10:42Kung ang regulator ay hindi magiging aktibo or hindi magiging alisto, magiging problema talaga.
10:49So kailangan talaga higpitan nila yung regulation nila.
10:51Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:55Sabi ng Malacanang, nakikinig ang Pangulo sa sentimiento ng publiko.
11:00Kaugnay po sa dapat bang sumali muli ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.
11:05Sa tugon ng masa survey ng Okta Research Group, 57% ng mga Pinoy ang pabor sa muling pagsali ng bansa sa ICC.
11:14May 1,200 respondents yan at may margin of error na plus or minus 3%.
11:19Ginawa po ang non-commissioned survey noong April 20 hanggang 24.
11:25Mahigit isang buwan matapos maaresto at ikulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC sa The Hague, Netherlands,
11:33para sa Kasong Crimes Against Humanity.
11:35Kaugnay po ito sa drug war ng kanyang administrasyon.
11:38March 2019, nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag sa ICC.
11:47Sa ngayon po ay hindi pa po muli, hindi pa po natin napag-uusapan yan, hindi pa po nababanggit ng Pangulo.
11:54Pero yung ganito mga sentimiento po ng ating mga kababayan ay dinidinig naman po ng ating Pangulo.
12:01So, tignan na lang po natin sa mga susunod na araw kung ano po ang magiging saluobin ng Pangulo sa pag-rejoin sa ICC.
12:11Kaugnay sa risulta ng survey, kausapin natin si Assistant to Counsel for the International Criminal Court, Atty.
12:16Cristina Conti.
12:17Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
12:20Magandang umaga, Rafi.
12:22Sa risulta nga po ng Okta Research Survey, majority rao ng Pilipino ay pabor na bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court.
12:28Ano pong reaksyon nyo rito?
12:29Ay, supportado po namin yan, ang pagbabalik ng Pilipinas sa International Criminal Court at dagdag na kooperasyon sa korte,
12:37lalo na meron po tayong kasong nakabimbin dyan ngayon.
12:41Para po sa amin, ang tingin nga namin dito ay uhaw ang tao sa justisya.
12:48At tinitingnan nila ang isang international court para magbigay ng justisya na maaaring hindi nila natagpuan sa Pilipinas o kaya hindi nila maabot dito.
12:56Gano po ba kaimportante na maging membro ng ICC at paano po may magiging proseso kung babalik ang Pilipinas sa ICC?
13:04Importante yung International Criminal Court sa pagpapanatili ng International Legal Order.
13:09At sa maraming bahagi ng politika natin, kinakailangan natin yan.
13:13Doon pa lang sa isyo ng West Philippine Sea,
13:15e dumulog tayo sa isang international tribunal or arbitral tribunal para sabihin ano ba talaga ang tama.
13:23Lalo na kapag ang isyo ay sa pagitan ng dalawang estado.
13:27Itong isyo natin sa Pilipinas ay naging bahagi ng international matters
13:33dahil ang crimes against humanity, kasalanan kahit saan man.
13:39At ito yung punto talaga na yung Pilipino at kahit saan man sa mundo ay pwedeng dumulog sa isang ganitong klaseng korte na makapagbibigay sa kanya ng servisyo.
13:49Ang proseso nito ay sa totoo simple pero komplikado din.
13:53Simple dahil kailangan lang pumirma ng Pilipinas dito sa treaty,
13:58pero kailangan itong aprobahan ng two-thirds of the Senate same as with other treaty.
14:03Ito yung Senate concurrence.
14:05Saka kumbaga sasabihin o kumpleto na ayon sa aming batas ang pagsangayon both ng executive at ng legislative sa pagpasok sa treaty na ito.
14:14So simple kasi pipirma tapos i-rehistro yung ganitong pagsali muli pero komplikado dahil may konting politika involved.
14:23Hindi na po siguro konti dahil kung ang dipende sa composition ng Senado.
14:29Pero may epekto po ba yung pagbabalik ng Pilipinas sa ICC dito sa kaso na dating Pangulong Duterte knowing na isa ito sa mga arguments nila?
14:37Maaring magkaroon dahil, well una tungkol dun sa jurisdictional challenge, wala.
14:45Nung umalis tayo ng ICCD, walang jurisdiksyon ng korte dun sa panahon na hindi tayo miyembro.
14:50Pero, at material yun dahil para sa amin, may naskip na three years ng termino ni Duterte, nasaklaw pa rin naman ng war on drugs.
15:00Kaya sa usapin ng mga biktima sa aking mga kliyente, eh di may ilang ma, hindi maisasali dun sa tinatawag na victims of the case.
15:09Dahil hindi tayo member.
15:10Pero, forward looking tayo.
15:12The minute na maging membro tayo ng ICC, papasok na ulit yung usual obligations.
15:17Mag-cooperate sa investigation, tumulong sa arresto, kaya kung sakalit may future warrants of arrest, eh di compelled tayong i-enforce yan.
15:28And, even dun sa detention.
15:31So, itong mainit na issue ng interim release ni Duterte, kung miyembro tayo, pwede tayong mag-volunteer to take him in.
15:39Of course, pwedeng mag-volunteer, pero hindi naman kaagad-agad ibig sabihin ay papayagan.
15:44Eh, ano pong asahan natin sa kondisyon ni Pangulong Duterte sa ICC ngayong may mga bansang tumanggi dun sa interim release ng dating Pangulo?
15:51At, magiging bahagi po ba ito na magiging desisyon ng ICC?
15:56Itong mga bansang nagsabi ay, tandaan natin, hindi pa daw, at hindi pa, at yung malinaw, hindi pa sila nag-confirm or deny kung nagkaroon nga ba ng usapan at kung tumanggi nga ba sila.
16:10Kaya kami, we refrain from speculation, mas importante yung conditions.
16:15Paano ba siya dadalhin sa The Hague sa September? Matutuloy ba yung trial? Yun yung importante sa amin.
16:21Pero palagay naman namin, hindi yan, pag-iingatan niya ng ICC sa loob.
16:26At siguraduhin nila na matutuloy ang trial as scheduled sa September 23.
16:31At yan po ang abangan natin. Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo sa Balitang Hali.
16:35Salamat, ingat!
16:37Si Atty. Cristina Conti
Recommended
0:18
|
Up next
44:11
13:45
12:31
14:25
15:31
11:10
13:24
18:22
14:15