Skip to playerSkip to main content
-2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa isang residential building; gunman, residente roon/Parañaque Police: Walang kasabwat o nakaalitan ang gunman bago namaril; tinutugis siya


-Bagong Kamuning footbridge at Busway Station, bukas na sa publiko


-299 Pilipino mula sa Dubai, nakauwi na sa Pilipinas ngayong umaga


-Iranian warship, inatake ng Amerika; mahigit 80 patay


-Street dweller, nang-agaw ng baril ng pulis; pinaputok at tinamaan ang sariling balakang


-BFP: Centenniel house sa General Luna St., nasunog dahil sa sinindihang posporo


-PAGASA: May banta ng pagbaha sa CARAGA Region ngayong Huwebes


-Bag at gamit na P75,000 ang halaga, natangay sa Basag-Kotse/4 na lalaking sangkot sa Basag-Kotse, arestado; umamin sa krimen, ayon sa pulisya


-DILG: Mas patitindihin ang manhunt operations kina Atong Ang at iba pang high-profile na pugante


-Cast ng "Huwag Kang Titingin," nag-share ng makatindig-balahibong experience sa set ng pelikula/"Huwag Kang Titinging," mapapanood na sa mga sinehan sa April 15


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Two patay at apat ang sugatan sa pamamaril sa isang residential building sa Paranaque, Kagabi.
00:05Sabi ng Paranaque Police, residente din doon ng gunman at tinaalam pa ang motibo niya sa pamamaril.
00:11Balitang hatid ni Bam Alegre.
00:15Sa cellphone video na ito, mula sa isang residente, makikita ang isang lalaking nakapulang t-shirt na nakahandusay sa sahig.
00:22Isa siya sa mga biktima ng isang lalaki na biglang namaril sa isang residential building sa barangay Marcelo Green, Paranaque.
00:28Kinumpirma sa GMA Integrated News ni Paranaque City Chief of Police Nicolas Pinyon na anim ang naging biktima ng shooting
00:34incident.
00:35Dalawa ang kumpirmadong namatay. Ang iba dinala sa ospital at ngayon ligtas na.
00:58Personal na nasaksihan ni Max, di niya tunay na pangalan ang pamamaril sa isang kapitbahay.
01:03Aniya, nakaharap niya mismo ang gunman at muntik na rin daw siyang barilin.
01:08Akala namin kasi mga laro-laro lang po yun. Until I realized po na yung gunman po ay pupunta sa
01:15court po towards the gate po ma.
01:18And I saw him holding a gun while running. Isa silver gun big. And yung nakita po yun, umalis agad
01:28ako sa chair.
01:29Sa paglalarawan niya sa shooter, naka-face mask siya at naka-baseball cap.
01:33As I remember and tinignan ko yung gunman po na opportunity kung pwede pa ako malis.
01:39Yun, nakita ko na may opportunity. Tapos umalis po agad ako sa main yung trust ng court po.
01:47As nakahanap ka ng opportunity to escape, I mean, are you still able to see kung ano yung mga sumundod
01:53na pangyayari?
01:54Even though na nakapag-escape ka na?
01:57Before I ran off po sa court, I only heard gunshots po and I didn't look at.
02:02Ang ina ni Max, galit at pangamba ang nararamdaman lalo na hindi pa nahuhuli ang gunman.
02:08Oh, very traumatized also and very, very angry because my son was just lucky to be alive right now.
02:15Because we don't know where the gunman is. We don't have any information as to where the gunman is.
02:19Base dun sa ating pagsisiyasat sa gabi, bago nangyari yun, wala naman pa nakikitang pag-aaway.
02:26Yung gunman po ay 59 years old at yung mga biktima ay nasa tamang edad din po na naglalaro doon
02:37sa basketball court.
02:39Ano ho ang ginamit na baril nitong suspect?
02:43Sir, base po sa ating pagsisiyasat sa mga imbedensyan na kuha natin sa crime scene, pali 9mm pistol po.
02:54Nagkalat ang polis at SWAT kagabi sa harap ng gusali. Hindi pinapasok ang GMA Integrated News sa loob ng property.
03:01Ilang beses ding tinawagan ng GMA Integrated News ang pamunuan ng property pero hindi sila sumasagot.
03:06Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:11Nagbigay na ng pahayag ang pamunuan ng residential building sa Paranaque kung saan nangyari ang pamamaril na ikinasawin ang dalawa.
03:18Ayon sa Azure Property Management, inareport agad ang insidente sa mga otoridad.
03:22Sa impormasyong nakalap nila, isang unit owner ang suspect.
03:25Natukoy na raw ang pagkakakilala ng suspect na tinutugis na ngayon.
03:29Nakikipagtulungan daw sila sa pulisya.
03:31Anila, highest priority nila ang kaligtasan at security ng lahat ng mga residente.
03:36Nagpapabot na rin daw sila ng support sa mga biktima at kanilang pamilya.
03:42Makalipas ang apat na buwan, pwede nang gamitin ang publiko ang bagong footbridge at busway station sa EDSA Camoneng, Quezon
03:48City.
03:49May ulat on the spot si Ivan Mayrina.
03:51Ivan?
03:53Raffi, bukas na sa publiko ang bagong Camoneng footbridge at busway station dito sa Quezon City.
03:59Sa tapat yan halos, Raffi, ng GMA Network Center.
04:03Unahin natin yung footbridge at yung magiging kapalit ng tinatawag nating Mount Camoneng na ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos Kamakailan.
04:10At nakita kung gano'ng kahirap akihatin, kaya naman ipinagutos niyang gawan agad ng kapalit.
04:16Itong bagong footbridge, Raffi, hindi hamak na mas mababa.
04:19At kahit sinong may reasonable fitness level ika nga, kayang akihatin ito.
04:23So, katunayan, mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nag-inspeksyon nito, inakyat ang tuktok ng lumang Mount Camoneng,
04:30bumaba, naglakad sa EDSA at umakyat sa panibagong footbridge.
04:34At pag bumalaki niya, mas maayos sa rawang lakaran ngayon.
04:38At para naman sa mga hindi kaya, meron ding elevator ito.
04:41At may wheelchair lift din na sadyang isinama sa disenyo ng footbridge para maging inclusive.
04:46Itong footbridge, Raffi, naka-integrate o karugtong ng GMA Camoneng MRT Station at ng bagong gawang Camoneng Station ng EDSA
04:54Busway.
04:55Pag bumalaki ng Transportation Department, apat na buwan lamang itong ginawa.
04:59Sa utos ng Pangulo na madaliin para kahit pa paano'y makapagbigigin hawa sa mga commuter.
05:03Ayos sa DOTR, nasa 750,000 commuters kada araw ang gumagamit ng pinagsamang MRT at EDSA Busway.
05:11Ayos sa Pangulo, itong mga malilita conveniences na ito,
05:14na madali namang gawin ang siyang bibigyan prioridad para mapaganda nga.
05:17Ang commuter experience na eminado naman siya ay talagang mahirap para sa maraming Pilipino.
05:22Ang ating mga nakausap, natutuwa syempre at malaking ginhawa raw ang idudulot ito sa kanilang pagkukomute.
05:30Balik sa'yo, Raffi.
05:31Maraming salamat, Ivan Mayrina.
05:38Alos tatlong dang Pinoy mula sa Dubai, United Arab Emirates,
05:41ang nakauwi na sa Pilipinas ngayong umaga.
05:44Dumating sila kanilang 6.45am sa Naiya Terminal 3.
05:48Sa 299 na Pinoy, 23 ang overseas Filipino workers.
05:53Ayon sa Overseas Workers' Welfare Administration,
05:56kabilang sa mga tulong na ibinibigay nila ang pansamantalang tutuluyan,
06:01pagbayad ng kanilang pamasahe at financial assistance.
06:05Sabi ni DMW Secretary Hans Leo Kakdak,
06:07magpapatuloy ang repatriation efforts para sa mga Pilipinong nananatili sa Middle East sa gitna ng kaguluhan doon.
06:17Kompleto po yung pagbibigay ng assistance mula pa dun sa Dubai sa kanila hanggang sa kanilang pag-uwi.
06:24The effort continues to look out for those who remain.
06:31Mahigit 80 ang patay sa pag-atake ng Amerika sa isang warship ng Iran sa baybayin ng Sri Lanka.
06:37Ayon sa US Central Command,
06:38isa ang nasabing Iranian warship sa mahigit 20 barko ng Iran na kanilang pinalubog.
06:44Ayon sa isang Sri Lankan official,
06:46pabalik na sana ng Iran ang barko mula sa isang pantalan sa India.
06:50Narecover na ang ilang katawan mula sa barko.
06:53May narescue naman na 32 sakay nito.
06:56Nasa anim na po naman ang patuloy pang hinahanap.
06:59Samantala, sa pagpapatuloy ng gulo sa Middle East,
07:01mahigit san libo na ang nasawi sa Iran ayon sa kanilang state media.
07:05May sampun namang nasawi sa Israel ayon sa ambulance service roon,
07:09habang anim na US military ang napatay sa airstrike sa Kuwait
07:12ayon sa US Central Command.
07:14May mga nasawi rin sa iba pang nadama ay namansa.
07:26Oras na para sa mayirit na balita mula sa GMA Regional TV.
07:30Isang street dweller ang nangagaw at nagpaputok ng baril sa Baguio City.
07:35Sa kuha ng CCTV sa Magsaysay Avenue,
07:37makikitang hinahabol ng mga pulis ang lalaking may dalang kutsilyo at baril.
07:42Ang hawak niyang baril, hinablot daw sa nakasalubong na pulis.
07:47Kalaunan, pinaputok yun ang lalaki at tinamaan ang kanyang balakang.
07:51Nasa kote siya ng mga pulis at dinala sa ospital.
07:54Sa investigasyon, napagalaman na taga Isabela ang street dweller.
07:58Mahaharap siya sa reklamong direct assault at illegal discharge of firearm.
08:02Wala siyang pahayag.
08:05Nabulabog ang mga taga-General Luna Street sa vegan nelocosur ng masunog ang isang centennial house doon.
08:11Sa investigasyon ng Bureau of Fire Protection,
08:13nagmula ang apoy sa isang kwarto ng bahay kung saan naglalaro ang mga bata.
08:18Aksilente raw na ihagi sa kama ang sinindihan nilang posporo.
08:21Damay sa sunog ang mga nangungupahang negosyante sa unang palapag ng bahay.
08:26Wala silang pahayag.
08:28Halos 12 milyong piso ang danyo sa sunog.
08:31Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
08:39Kahit magiging mainit muli sa maraming bahagi ng bansa,
08:42isinailalim sa General Flood Advisory ang Caraga Region sa Mindanao.
08:46Pinaalerto ng pag-asa ang mga residente mula sa banta ng pagbaha
08:49dahil sa inaasahang ulan ngayong araw dulot ng Easter Lease.
08:53Mataas din ang tiyasa ng ulan sa Davao de Oro at Davao Oriental.
08:57Sa mga susunod na oras, uulanin ang ilan pang panig ng Mindanao,
09:01Northern at Central Luzon, Palawan at Visayas
09:04base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
09:07Halos buong buwan sa pa rin na apektado ng Easter Lease
09:10kaya asahan ang mainit at malinsangang panahon
09:12habang patuloy na umiira lang hanging-amihan sa Extreme Northern Luzon.
09:17Ayon sa pag-asa, pusilbing umabot sa 42 degrees Celsius
09:20ang pinakabataas na heat index sa Coron, Palawan ngayong Huwebes.
09:24Nasa danger level pa rin yan gaya ng naitala roon kahapon.
09:2840 degrees Celsius naman sa Dagupan, Pangasinan, Puerto Princesa
09:32at Aburlan sa Palawan, Dumangas, Iloilo, Boronggan, Eastern Samar
09:37at sa Zamboanga City.
09:39Maaari naman umakyat hanggang 36 degrees Celsius ang heat index
09:43dito po sa Metro Manila, particular sa Quezon City at Pasay.
09:52Binasag ng lalaking yan ang salamin na isang puting sasakyan
09:55sa Katipunan Avenue sa Quezon City.
09:57Mabilis siyang dinukot ang bag sa loob
09:59at iminigay sa kasama na nagsilbing lookout.
10:02Ayon sa pulis siya, nasa 75,000 pesos ang halaga ng bag
10:06at mga gamit na nasa loob nito.
10:08Hindi pa nakontento ang lalaki.
10:09Tinangka niya rin nakawan ang katabing itim na sasakyan
10:12pero hindi siya nagtagumpay.
10:15Naaresto sa follow-up operation ng dalawang suspect
10:17at ang dalawa nilang kasabwat.
10:19Ayon sa mga pulis, umamin ang mga suspects sa krimen.
10:23Nabawi ang tinangay nilang gamit ng istudyante.
10:26Inaalam naman ang pulis siya kung kanino
10:28ang tatupang bag na narecover mula sa mga suspect.
10:34May mga bagong inisyatibong binubuo
10:36ang Department of the Interior and Local Government
10:38para matuntunang negosyating si Atong Ang
10:40at iba pang high-profile na pugante.
10:43Sabi ni Imperial Secretary John Vic Rimulla,
10:45mas patitindihin ang manat operations
10:47kasama ang lahat ng security aparatos ng gobyerno.
10:50Gagamit daw sila ng high-tech ng mga equipment
10:52tulad ng satellites.
10:54Inihingi rin daw sila o hihingi rin daw sila ng tulong
10:56sa International Intelligence Agencies.
10:59Tinutugi si Ang dahil sa mga kaso niyang
11:01kidnapping with homicide at kidnapping
11:03and serious illegal detention
11:04kaugnay sa pagkawala ng mga sabongero.
11:07Bukod kay Ang,
11:09bahagi rin ng mas pinatinding manant operations
11:11ang paghahanap
11:12kay dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag
11:14na isinasangkot sa pagkamatay
11:16ng broadcaster na si Percy Lapid,
11:18pati na ang dating polis na si Rafael Dumlao
11:21na inakosan namang pumatay
11:22sa isang kuryanong negosyante.
11:30Mga mare at pare, ready na ba kayo sa kabanghatid
11:33ng horror film na huwag kang titingin?
11:35Ang mga cast nag-share mismo
11:38ng kanilang tindig balahibong experience sa set.
11:43Creepy feels is real
11:45para kina Sofia Pablo at Allen Ansay
11:47na magdamag nag-shoot sa isang sementeryo para sa pelikula.
11:52Inamin ni Sofia sa inyong kumarin na
11:54hindi niya kinaya kahit script pa lang ang kanyang binasa.
11:58Ganyang level din ng kababalaghan
12:00ang naramdaman ng kanyang co-housemate na si Marco Masa.
12:04Si Sean Lucas naman hindi raw malilimutan
12:07ang eksena na maraming nakabelo at nakatakip ang mukha.
12:12Makakasama rin ang Sparkle Star sa collab movie ng GMA Pictures
12:15at mentor production si na PBB Celebrity Collab Edition
12:20first season housemates Shuvie Etrata, Michael Sager,
12:24Josh Ford, Charlie Fleming at Kira Ballinger
12:27pati na si Anthony Constantino.
12:30Mapapanood na ang huwag kang titingin simula sa April 15.
Comments

Recommended