Skip to playerSkip to main content
-Whistleblower at isa pang suspek sa pagpatay kay dating PCSO Board Sec. Barayuga, nasa kustodiya na ng NBI/NBI: Dating PCSO Gen. Manager Royina Garma na umano'y nag-utos sa pagpatay kay Barayuga, ipasasama sa Interpol Red Notice

-U.S. Embassy sa Pilipinas: Magpapatuloy ang mga naka-schedule na visa at passport services kahit naka-shutdown ang U.S. gov't/U.S. Federal gov't, nag-shutdown matapos hindi magkasundo ang mga mambabatas tungkol sa funding deal

-PHIVOLCS: Walang teknolohiyang makapagtutukoy kung kailan eksaktong magkaka-lindol

-Unang gold medal ng Pilipinas sa World Darts Federation World Cup, nakuha ni Lovely Mae "Bebang" Orbeta

-Vicente Sotto Memorial Medical Center, nanawagan ng blood donation para sa mga pasyenteng nasugatan sa lindol

-Mga gumuhong bahay sa Brgy. Polambato kung saan 7 ang nasawi, binisita ni PBBM/PBBM, ipinag-utos na madaliin ang pagtulong sa mga biktima ng lindol

-Ilang pasyente sa labas ng Cebu Provincial Hospital sa Bogo City, sumasama ang pakiramdam dahil sa init ng panahon/PBBM, Nasa Cebu Provincial Hospital sa Bogo City para bisitahin ang mga pasyente

-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA, PAGASA WEATHER SPECIALIST

-Kahalagahang maipaalam ang siyensiya na ramdam ng publiko, ipinunto ni DOST Sec. Renato Solidum, Jr. sa SiyenSikat Caravan/Programa ng DOST na "SiyenSikat: Pinoy Popular Science para sa lahat," mapapanood tuwing Sabado, 9-9:30am sa GTV at Super Radyo DZBB


-Shuvee Etrata, kaisa sa panalangin at paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu/Shuvee Etrata, first female ambassador ng Boy Scouts of the Philippines


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasa kusubiyan na ng National Bureau of Investigation ang whistleblower at isang sumukong sospek sa pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.
00:10Balitang hatid ni John Consulta.
00:16Dumating sa Naya Terminal 3, galing ilo-ilo, si Police Lieutenant Colonel Santi Mendoza,
00:21ang itinuturing na isa sa whistleblower sa pagpatay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga noong 2019.
00:27Sinusuta ng bulletproof vest si Mr. Mendoza, tapos masumbuhin ng mga NBI para siguruhin ng kagang karikasan.
00:38Ngayon nandito na siya sa Metro Manila.
00:40Dinila siya sa NBI headquarters sa Pase City kung saan nag-iintay ang kanyang abogado.
00:45Relika na sir na magsabi.
00:47Opo, doon pa ma.
00:49Nito lunes, sa Manila, sumuko ang kasamahan ni Mendoza na si Nelson Mariano.
00:54Meron kami hawak na warrant of arrest laban sa iyo.
00:57In-issue ng RTC Bradge 279 o Mangaluyong City para sa kaso murder.
01:04Yes sir.
01:04Arastado ka.
01:06Ang nag-utos umunong patayin si Barayuga, sino ay PCSO General Manager Karma.
01:11Kikilos na raw ang NBI para maisama ito sa Interpol Red Notice.
01:15Alam ko nandun siya sa Malaysia, e probably nandun pa rin siya sa Malaysia.
01:20But we will already notify the Interpol para masabihan siya na meron na siyang warrant of arrest.
01:31Nauna nang isiniwalat sa Quad Com hearing ni Mariano at Mendoza na gustong palabasin ni Nagarma at Noinapol Com Commissioner Edelberto Leonardo nakasama sa drug list si Barayuga kahit hindi ito totoo.
01:43Mapaka-material nung salaysay na binigay ng ating mga witness kasi sila ang nagbigay ng link dun sa pinaka-mastermind.
01:52So sila yung tao sa mga middlemen na naging dahilan para may sagwa yung ginagawa nilang krimen.
02:01The prosecutor will now move that they be released, discharged as state witness.
02:07John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:17Magpapatuloy ang mga nakaschedule na visa at passport services ng US Embassy sa bansa kahit nag-shutdown ang gobyerno ng Amerika ayon sa embahada.
02:26Hindi namang daw magiging regular ang update sa kanilang social media platforms.
02:32Nag-shutdown ang US Federal Government matapos hindi magkasundo ang mga mababata sa funding deal na pondo sa government operations.
02:41Gusto ng Democrats na palawigin ang health benefits para sa mga Amerikano na mag-expire na sa Disyembre.
02:48Ngunit, tinutulan niya ng Republicans.
02:50Wala pang malinaw na impormasyon kung kailan muling bubuksan ang gobyerno ng Amerika.
02:56Kung magtatagal ang shutdown, maaaring mawala o mawalan ng trabaho ang mahigit 700,000 federal workers ayon sa White House.
03:09Lord, please send some help.
03:20Kasunod ng malakas na lindol sa Cebu, may mga kumakalat na online posts na bukas na umano ang mangyayaring tinatawag na the big one.
03:42Ang sagot ng FIVOX, iyan totoo.
03:44Wala pong technology that can tell us exactly when an earthquake would happen.
03:50So, yung mga nagsasabi na bukas magkakaroon ng the big one, ay huwag po kayong maniwala dyan.
03:56Sabi ni FIVOX Director Teresito Bakolkol, huwag maniniwala sa mga anyay hula-hula na bukas magaganap ang lindol na the big one.
04:05Wala raw teknolohiya makapagtutukoy kung kailan eksaktong magaganap ang anumang pagyanig.
04:11Kung makakita raw ng mga ganyang posts sa social media, huwag nang ikahalat para hindi na magdunot pa ng panic.
04:23Samantala, wagin ng gintong medalya ang Pinoy Darts player na si Lovely Mae Bebang Orbetta sa World Darts Federation World Cup sa Gyeongjido, South Korea.
04:34Nanalo si Orbetta sa finals laman sa pambato ng Amerika sa score na 7-2.
04:40Sa semi-finals, natalo niya rin ang pambato ng Germany sa score na 6-2.
04:46Yan ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa World Cup ng Darts.
04:51Congratulations and good job, Bebang!
04:54Nanawagan ng blood donation ang Vicente Soto Memorial Medical Center sa Cebu City.
05:09Ayon sa VSMMC, mababa na ang supply ng dugo sa ospital dahil sa dami na mga pasyenteng dinala roon matapos ang magnitude 6.9 na lindol.
05:20Kabilang daw sa kanilang mga pasyenteng na roon ay may mga bali sa katawan, may spinal cord at pati na rin may brain injuries.
05:29Nasa 20 pasyente naman ang nasa assessment sa emergency room.
05:34Sa mga interesadong mag-donate ng dugo, maaaring humagtungo sa VSMMC hanggang alas 2 ng hapon.
05:42Pwede rin kontakin ang numero ng Partner Association and Retention Services.
05:47Update na po tayo sa pagbisita ng Pangulo sa Bugo, Cebu, ang epicenter ng malakas na lindol ni Tupong Martes.
05:56At may ulat on the spot si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
06:00Alan?
06:01Yes, Connie, binisita ni Pangulo Marcos ang isang pamahay dito sa Sityo Coguita, Barangay Pulambato, sa Bugo City, kung saan Pito, ang nasawi, kabilang na ang isang buntis.
06:17Connie, pasado nas jes, ngayong umaga, dumating ang Pangulo at personal niyang binisita ang lugar at kinausap ang marsidente.
06:24Kasamang nasawi sa Sityo Coguita ang apat na miyembro ng isang pamilya, buntis pa naman ang isa.
06:31Kasamang nag-ikot na Pangulo ang mga miyembro ng gabinite.
06:34Ipinag-utos na Pangulo na madaliin ang tulong sa mga biktima ng lindol.
06:38Hiningi ng mga residente sa Pangulo na mabigyan sila ng pabahay sa mas ligtas na lugar, malayo sa sakuna, katulad ng lindol.
06:48Dahil sa naitalang daniyos ipinagbigay alam sa mga residente na hindi na sila pwedeng bumalik sa lugar.
06:55Mayroong 200 units na mga bahay na itinayo sa Sityo Coguita, Barangay Pulambato, para sa mga biktima noon ng Super Typhon Yolanda noong 2013.
07:05Lahat ng mga bahay sa lugar ay nagkabitak-bitak na at hindi na umanuligtas.
07:12Ayon sa mga residente, hindi nila alam kung saan sila pupunta kung sila'y paalisin.
07:19Narito ang pahayag ng kanilang barangkay kapitan.
07:21Connie, nakakaranas pa rin tayo ng mga pagyanig o mga aftershocks na ikinababahalan ng ating mga kababayan.
07:40Samantala, patuloy pa rin ang isinagawang search and retrieval operation sa mga biktima ng lindol.
07:48Connie, maraming salamat Alan Domingo ng GMA Regional TV.
07:53Kamusahin na po natin ang sitwasyon ngayon sa Cebu Provincial Hospital sa Bogos City,
07:57kung saan maraming pasyente ang nasa labas pa rin ng gusali.
08:01May ulot on the spot si Susan Enriquez.
08:03Susan?
08:04Alis lang niya Pangulong Marcos dito sa Cebu Provincial Hospital dito sa Bogos City,
08:12kung saan tinignan niya kung paano ba yung preparasyon para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente dito
08:17na kailangan ilabas dito sa gusali dahil nga po sa nangyaring paglindol.
08:21Kasamang dumating dito ni Pangulong Marcos ang ilang miembro ng kanyang gabinete,
08:25gaya ni DPW Secretary Vince Disson at maging si DSWD Secretary Vince Gatchalian.
08:32At dito nga po, kanina kausap natin si Dr. Sorayda Yurangon.
08:36Sabi nga niya, siya ho yung chief of hospital.
08:38Sana ay makapasok na, makabalik na sa loob yung mga pasyente.
08:41Nakikita niyo po yung mga pasyente na dito po sa mga tent.
08:45At dahil mahirap ho para sa mga pasyente na manatili dito sa mga hospital,
08:50dito sa mga tent na ito dahil mainit na mainit ho ang panahon dito.
08:53At siyempre ito ho yung kahit paano nakaka-apekto pa ho sa kalagayan ng mga pasyente.
08:59Pati yung mga medical supplies, hospital supplies ay nandun doon sa isang area.
09:04Dito ho muna lahat yung dumadating ng mga pasyente kung kailangan magkaroon ng mga pagsusuri muna.
09:09At yung iba naman ho na hindi nakayan tugunan dito dahil yung na-damage ho yung kanilang operating room
09:14ay inire-refer ho sa ibang hospital.
09:17Sa pagpunta dito ni Pangulong Bongbong Marcos, hindi na ho siya pumasok dito sa mga gusali bagkos.
09:21Ay naglakad na lamang siya dito at tinignan nga niya kung paano ba ang preparasyong ginawa dito
09:26para ho makatugon doon sa pangangailangan ng mga pasyente.
09:30At sa mga oras na ito ay nandito pa ho yung mga tauhan ng DPWH.
09:34At sabi nga ni Doktora Yurango, sa oras na maggadeklara yung mga tauhan ng DPWH na safe,
09:40at least yung isang gusali na ito, ay pupwede na ho nilang ipasok yung ilang mga pasyente
09:44na talaga ho nagtitis sa init ng panahon dito.
09:47Napaka init ho ng panahon at kahit pa paano, kahit doon sa ground floor man lang,
09:52ay mailipat nila yung mga pasyente.
09:54Yung mga kailangan ng operahan na pasyente,
09:57lalo na ho kung medyo matinde yung pinsalang kailangan natugunan,
10:01ay pinapadala na lang ho nila sa ibang hospital dahil yung kanilang operating room
10:05ang isa sa matinding na apektuhan sa bahagi ito ng Cebu Provincial Hospital dito po sa Bogos City.
10:12Mula po rito sa Bogos City, Cebu, back to studio po tayo.
10:15Maraming salamat, Susan and Riquez.
10:19Magtala, update naman tayo sa lagay ng panahon.
10:21Kausapin na po natin si pag-asa weather specialist Benison Estareja.
10:25Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
10:28Sir, ano na ang latest sa galaw ng lokasyon po ng Bagyong Paulo?
10:34Sa ngayon po patuloy ang paglapit itong si Tropical Storm Paulo sa ating kalupaan,
10:39particular ni Saluzon.
10:41Huli itong namataan, 575 kilometers silangan ng Infanta Quezon.
10:45Naglay na ang hangin na 75 kilometers per hour malapit sa gitna
10:48at may pagbugso hanggang 90 kilometers per hour.
10:51Patuloy na kumikilos west-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
10:56So based po sa latest stop ng pag-asa,
10:58lalapit ito dito sa may pateng Aurora Isabela.
11:01Doon siya posibleng mag-landfall bukas po na umaga
11:03at simula bukas ng umaga hanggang sa hapon ay babagtasin po ng bagyo.
11:07Itong Aurora, timog na bahagi ng Cagayan Valley
11:10at nandit ang bahagi po ng Cordillera Region and Ilocos Region.
11:13Gabi bukas hanggang sa umaga na sa West Philippines ito
11:16at lalabas ng par pagsasapit po ng umaga ng Sabado.
11:19Alright, magiging malakas din ba ang ulan nito, hangin?
11:24Kasi dyan pa lamang sa may parte ng pag-asinan daw,
11:28may mga talagang pag-tatanggal na ng mga bubong.
11:33May kinalaman ba yun, Paulo?
11:35Yes po, so far itong nakikita natin kay Paulo, lalakas pa siya.
11:40Tropical storm siya ngayon pero possible hanggang severe tropical storm.
11:44So hanggang signal number 3 yung pwede po natin erase.
11:47Almost similar in strength dito kay Bagyong Obong.
11:49So posible pa rin po itong makasira na mga structures na yari po sa kahoy,
11:53makapagpatumba ng ilang puno at poste.
11:56So ito ay para sa ating mga kababayan po dito sa may Cagayan Valley
11:59at sa may Aurora kung saan po nang ang babagsak
12:01o tatama itong si Bagyong Paolo.
12:05And then in terms of pag-ulan,
12:06yung mga mismo dadaanan din po ng bagyo dito sa may northern and central region
12:09na magkakaroon ng matitidbing ulan.
12:11So nandyan pa rin yung banta po ng mga pagbaha
12:13at pag-apo ng mga ilog at sapa at pag-upo ng lupa.
12:16Lalo na doon sa mga mga kainos areas po dito sa may Carabalho,
12:20Serra Madre as well as Cordillera region.
12:22Bukas po yan lahat.
12:23Si Pero sa Cebu pa ho, talagang magkakaroon pa rin
12:26ng search and rescue operations.
12:29Ano ho magiging lagay ng panahon nila doon?
12:33Magatang balita naman po sa ating mga kababayan po
12:35na nasa lanta dyan sa Cebu ng Lindol.
12:38Hindi naman tayo direct na maapektuhan po dyan ng Bagyong Paolo.
12:41Subalit, meron pa rin mga localized thunderstorms po tayong mararanasan
12:45ngayong hapon.
12:46Usually, mga sakitan lamang po ito.
12:48And then by tomorrow, wala rin tayong aasahan
12:50direct ang effect sa Bagyo.
12:52So, fair weather conditions apart from localized thunderstorms pa rin sa hapon.
12:56Maraming salamat sa iyong update sa amin.
12:59Yan po naman si Weather Specialist Benison Estareja.
13:03Salamat po.
13:04Malaking bagay na maipaalam sa publiko ang halaga ng siyensya,
13:07sabi ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum.
13:11Ito po ang layunin ng programang siyensikat ng DOSC.
13:16Kahapon ay nagsagawa po ng siyensikat caravan sa De La Salle Aroneta University sa Malabon.
13:21Ayon kay Secretary Solidum, malaking oportunidad ang pagkakaroon ng programang tumatalakay sa siyensya
13:27na ramdam ng publiko sa telebisyon at radyo.
13:30Nakiisa rin sa caravan si GMA Vice President for Sales and Marketing Group, R.J. Antonio Seva.
13:37Bahagian niya ng servisyong totoo ng Kapuso Network,
13:40ang pagkakaroon ng programa ng DOSC sa GMA.
13:44Mga papanood ng siyensikat Pinoy Popular Science para sa lahat dito sa GTV
13:48at Super Radio DZ Double B tuwing Sabado, alas 9 ng umaga hanggang alas 9.30 ng umaga.
14:01The Salat Words of Encouragement,
14:04ang alay ni Sparkle Star Shuve Etrata para sa mga kapwa-cebuano na naapektuhan ng lindul.
14:12Sa mga taga-Bugodiha, sa mga taga-Sanre,
14:15ngayon pa dahil lang mo sa pag-ampo, ayaw mo o give up sa mga nasalanta
14:19o sa mga naglisod ka roon.
14:21Akong pag-ampo naanin nyo,
14:23unta, mag-remain strong ra mo, ayaw mo give up.
14:26Naami, magpadala miyong tabang para sa inyo ha.
14:29Dilita.
14:30Together, dilita mo suko.
14:32Dito mag-ayaw mo kabala ka na aramidiri para ninyo
14:35o kung saan mo matabang, kaya na mo buhatong para ninyo.
14:38Kaya ni na to tanan.
14:39Chika ni Shuvie sa inyong kumare,
14:41malapit lang ang bugo sa Bantayan Island kung saan siya lumaki.
14:46Kiniyak naman niyang safe ang kanyang mga kaanak doon.
14:49Nananawagan din ang ex-PBB housemate ng dasal at tulong
14:52para sa mga kababayang Cebuano.
14:55And speaking of Shuvie,
14:56pumirma siya ng Memorandum of Agreement
14:59bilang first female ambassador ng Boy Scouts of the Philippines.
15:03Happy and honored ang Encantadia Chronicle Sangre star
15:06na looking forward ng mag-promote ng volunteerism
15:10at ang pagiging laging handa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended