00:00Ilang panungkalang batas ang ipinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04Kabilang na dyan ang batas na layong palakasin ang pangangalaga at pagpapaulad sa mga bata,
00:10particular na ang mga bagong panganak hanggang limang taong gulang.
00:14Si Kenneth Pasyente ng PTV sa Balitang Pambansa.
00:19Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 12199
00:23o ang Early Childhood Care and Development System Act
00:26na layong patatagi ng pag-aaruga, edukasyon at nutrisyon para sa mga bata mula pagkapanganak hanggang edad lima.
00:33Layunin ang bagong batas na ito na matiyak ang development at kapakanan ng mga bata
00:37at maibigay sa kanila ang matibay na pundasyon bago pumasok sa formal na edukasyon.
00:41Isa ito sa mga prioridad na inirekomenda ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM-2
00:47upang palakasin ang sistema ng edukasyon sa bansa.
00:50Nirepeal nito ang Republic Act 12199 o ang Early Years Act of 2013.
00:57Sa ilalim ng batas, ang ECCD Council ang mangunguna sa pangangalaga sa mga bata na wala pang limang taon
01:02habang ang Department of Education naman ang mga ngasiwa sa mga may edad lima hanggang walo.
01:07Pinalalakas din ng batas ang edukasyon para sa mga may kapansanan
01:10gamit ang sistema na angkop sa kanilang kundisyon.
01:14Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang amyenda sa Republic Act No. 11235
01:19o ang Motorcycle Crime Prevention Act na naglalaan ng 20 working days para maisalin sa bagong may-ari ang rehistro ng motorsiklo.
01:27Sa ilalim nito, binaba ang multa para sa paglabag upang mas mapadali ang pagsunod ng publiko sa batas
01:33at maiwasan ang agarang pagkakakulong o pagkumpiska ng sasakyan.
01:38Mula sa dating P20,000 sa hanggang P50,000 na multa,
01:42ngayon ay P5,000 na lamang ang ipinataw para sa mga hindi agad makakalipat ng rehistro.
01:47Hindi na rin pwede ang kumpiskasyon ng motorsiklo kung may naipakitang maayos sa dokumento ang may-ari.
01:53Inilalagay din sa batas ang paggamit ng malaki, nababasa at color-coded the number plates para sa lahat ng motorsiklo.
02:00Ang mga mahuhuling walang plaka o hindi nababasa ang plaka ay papatawan ng multang hanggang P5,000.
02:06Kapag tampered o peke ang plaka ay may katapat na parusang 6 na buwan hanggang 2 taong pagkakakulong at multang hanggang P10,000.
02:14Mula PTV Manila, Kenneth, Pasyente, Balitang Pambansa.