00:00Una sa ating mga balita, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na titiyak sa matibay na pundasyon ng mga bata.
00:08Ang detalye sa malitang pambansa ni Kenneth Pasiente ng PTV Manila.
00:15Para lalo pang paigtingin ang pangangalaga sa mga batang Pilipino,
00:19nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12199 o Early Childhood Care and Development System Act
00:27na magtitiyak na palalakasin ang edukasyon, nutrisyon at proteksyon para sa mga bata mula pagkapanganak hanggang edad lima.
00:34Layon itong maibigay sa mga bata ang matibay na pundasyon sa pinakamaagang yugto ng kanilang buhay.
00:39Ang Early Childhood Care and Development Council ang mangunguna sa pag-aalaga sa mga batang wala pang limang taon,
00:45habang ang Department of Education naman ang mangangalaga sa mga nasa edad lima hanggang walo.
00:50Bahagi rin ang batas ang pagtiyak ng serbisyo para sa mga bata na may kapansanan,
00:54kasama na ang maagang intervention at inclusive education.
00:58Kasama sa ipinatutupad na sistema,
01:00ang malawakang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan upang maipatupad ito sa buong bansa.
01:06Pinuri naman ni Senate Committee on Basic Education Senator Sherwin Gatchalian ang hakbang na ito ng Pangulo.
01:12Ipinunto niya na dapat mabigyan ng pansin ang pundasyon ng kabataan lalo na sa murang edad
01:17dahil dito anya nakasalalay ang kanilang pagkatuto.
01:19I-kinalugod din ang 2nd Congressional Commission on Education ng Batas lalo't inilalagay nito sa tamang direksyon ang sistema ng edukasyon
01:27upang matugunan ang ugat ng hamon sa pagbasa at pagsulat sa pamamagitan ng pagtutok sa nutrisyon at edukasyon sa murang edad.
01:34Lumalabas daw kasi sa pag-aaral na matutugunan ang ilang problema gaya ng drop-out rates
01:39at mapapalakas ang literacy rates kung tutugunan ang foundation years ng mga bata.
01:43Nitong Abril maaalalang sinaksihan ng Pangulo ang paglagda sa Joint Memorandum Circular para sa pagtatayo ng Child Development Centers.
01:51Nasa tatlong daang CDCs ang target na maitayo kung saan mabibigyan ng prioridad ang mga low-income barangay na wala pang CDC.
01:59Alinsunod sa mga alituntunin ng Joint Circular, dapat magsumite ang mga LGU ng kanilang budget request sa pamamagitan ng DBM Apps Portal
02:07kung saan susuriin at irerekomenda ng DepEd ang mga kwalipikadong proyekto.
02:11These CDCs are venues for the implementation of early childhood care and development center programs and services,
02:19especially the early learning programs and family support program.
02:24Sa mga center na ito, maaaring makapaglaro, makapagbasa, at makapag-aral ang ating mga kabataan.
02:31It can also be used as a resource center for developmentally appropriate learning materials in a laboratory
02:39for conducting research, data gathering, and innovations about early childhood.
02:44Mula PTV Manila, Kenneth, Pasyente, Balitang Pambansa.