00:00Alas 5 na umaga mamaya, sisimulan na ang early voting ngayong election 2025.
00:06Ang early voting po ay para sa mga senior citizens, persons with disabilities o PWD, at mga buntis.
00:14Haga alas 7 na umaga ang early voting at pagpatak din ang alas 7 na umaga,
00:19bubuksan na rin ang botohan para sa iba pang rehistradong botante.
00:23Haga alas 7 mamaya ang gabi, maaring bumoto sa mga pooling precincts sa buong bansa.
00:30At ngayon po, silipin na natin kung handa na ang botohan sa Quezon City,
00:34ang numero uno sa listahan ng mga vote-rich cities sa bansa.
00:38Live mula sa Commonwealth Elementary School, ma-report si James Agustin.
00:43James, good morning!
00:45Pia, good morning! May isang senior citizen na nakapila ngayon sa labas nitong Commonwealth Elementary School dito sa Quezon City
00:52pero hindi pa pinapayagan na makapasok mismo dito sa eskwelahan.
00:56Nakita din natin kanina may mga regular voters na pumunta dito
00:59pero mamayang alas 7 pa nga ng umaga sila, maaaring bumoto.
01:03At handang-handa na nga po itong eskwelahan para sa election 2025 ngayong araw.
01:07Yung mga lames at upuan dito sa covert court ng eskwelahan na itinalaga bilang priority polling place ay nakapwesto na.
01:14Diyan po maaaring bumoto mamayang alas 5 ng umaga yung mga senior citizen, persons with disabilities at mga buntis.
01:19Itong Commonwealth Elementary School pia ang ikaapat sa mga voting centers sa buong bansa na may pinakamaraming rehistradong botante na aabot po sa 39,120.
01:3043 naman yung clustered precincts dito.
01:32Dito na natulog yung Ilamaguro na magsisilbing electoral board habang yung iba naman ay pasado alas 3 sa madaling araw nang dumating dito sa voting center.
01:39Kanina naman alouna na madaling araw nakita natin may mga nag-deliver ng apat na portalets dito sa eskwelahan.
01:45Ang Quezon City Engineering Department nagpwestorin ng mga air cooler para makatulong maibsan yung inaasahan nating mainit na panahon.
01:52Sa madalapia bago mag alas 3 medyo na madaling araw na simulang dalhin doon sa mga clustered precinct yung mga gagamitin ng mga ACM at iba't ibang mga election para for Nelia.
02:01At yung ACM na yan, yung mga automated counting machine ay unti-unti na inakit doon sa mga iba't ibang mga clustered precinct nga dito sa eskwelahan.
02:09At nandito na rin po yung mga poll watchers.
02:11Yung muna ilitas mula rito sa Quezon City.
02:14Ako po si James Agustin ng GMA Integrated News.
02:17Dapat totoo para sa eleksyon 2025.
02:20James, so linawin natin, kailangan maghintay na eksaktong alas 5 na umaga bago papasukin kung sino man ang nakatila dyan?
02:28Pia, doon sa informasyon na nakukuha natin, maya-maya lamang ilang minuto siguro ay papayagan na makapasok lalo-lalo na yung mga senior citizen.
02:36Kapag pinapasok na sila dito sa eskwelahan, diretso po sila dito sa covered court.
02:40Hindi na nila kailangan pumunta doon sa mga matataas na floors at mga classroom dito.
02:45Dahil dito talaga sila boboto sa area na ito na tinatawag na priority polling place.
02:51Pia.
02:51At James, paalala lang ulit doon sa mga kapuso natin, yung mga kapuso natin, senior citizens or buntis o PWD na ngayon pa lang ay naghahanda na para umalis ng kanilang mga tahanan,
03:02papunta sa mga polling precinct, maali silang magdala ng isang kasama at sila ay pwedeng bumoto ng sabay, hindi ba?
03:09Yes, Pia. Tama yan. At yung mga mag-a-assist sa kanila dito, mga guro na magsisilbing electoral board ay nandito na rin at nakastandby na rin po dito sa Commonwealth Elementary School.
03:22Kaya para doon sa mga kapuso natin, lalo-lalo na yung mga senior citizens, mga PWD at buntis,
03:27at maaari na po sila pumunta para maaga sila makaboto sa pag-isimula ng eleksyon po, mamayang alas 5 ng umaga. Pia.
03:36Alright, mauna na sila bago uminit pa ang panahon. Maraming salamat sa iyo, James Agustin.
03:43Gumako naman tayo sa Bagong Silang Elementary School, ang voting center na may pinakamaraming botante sa ika-apat na Voterich City ng Kaluokan.
03:51At may report live, si Bea Pina.
03:54Bea, magandang umaga!
03:57Magandang umaga, Bea. Lumalakas na nga ang ulan dito sa Bagong Silang Elementary School sa Kaluokan
04:04bago magbukas ang eleksyon 2025. Ito ang voting center na may ikatlong pinakamaraming botante sa buong bansa, ayon sa Komelek.
04:15Ang Kaluokan, ang fourth vote-rich city sa Pilipinas na may higit 765,000 voters.
04:20Mas madami yan sa 700,279 registered voters sa lungsod noong 2022 elections.
04:28Pero 83.18% lang ang voter turnout noon.
04:32Kaya babantayan natin kung tataas pa ba yan ngayon na dumami pa ang bilang ng mga botante rito.
04:37Dito sa Bagong Silang Elementary School, halos 40,000 ang registered voters ayon sa Komelek.
04:42Ito ang unang eleksyon, Bea, matapos mahati sa 6 na independent barangays, ang Barangay Bagong Silang.
04:49Yun yung plebisito noong August 2024.
04:53At sa ngayon, wala pang botante yung nakapila rito dahil nga medyo maulan pa at naghahanda pa yung mga poll watchers natin.
04:59Pero may mga nakapaskil na nalistahan ng mga botante kasama yung mga pictures nila.
05:05At mayroon ding mapa rito kung saan pwede nilang masilip, kung saan mismo sila pupunta pag oras na ng botohan.
05:12Para naman dun sa mga special na maupunang bumoto tulad ng mga may kapansanan, buntis at senior citizens.
05:20Dito sila sa covered court ng Bagong Silang Elementary School di Diretso.
05:24Mula yan 5 a.m. to 7 a.m. pero pwede pa rin silang bumoto hanggang 7 p.m. ngayong araw.
05:31And muna letas mula rito sa Caloocan City. Ako si Bea Pinlak ng GMA Integrated News.
05:36Dapat atoo sa eleksyon 2025.
05:39Ako Bea, sabi mo medyo lumalakas ng ulan.
05:42Ang tanong natin, para dun sa mga maagang boboto kapag umulan, meron ba silang masisilungan habang naghihintay sa pila?
05:53Nagahanda naman yung mga tauhan dito, mga poll watchers natin, mga assistant din ng paaralan
06:00para sakaling may mga maagang pumila, meron silang masilungan at diretso lang sila dito sa covered court.
06:07Yung priority polling place naman natin dito ay covered.
06:11So, protectado sila habang bumoboto sila mamaya.
06:15Alright, so para dun sa mga aagang boboto yung mga pupunta sa priority polling place,
06:19masisilungan naman sila sigurado dahil covered ang kanilang area.
06:23Pero Bea, kamusta rin yung pagbabantay sa paligid ng Bagong Silang Elementary School?
06:28Bago ba kayo pumasok dyan sa mismong paralan, may nakita ba kayong mga nag-iikot,
06:32mga nagro-rooving para tiyakin ang seguridad sa paligid?
06:39Actually, Bea, merong mga pulisya na dineploy na sa labas at dito mismo sa loob,
06:44particular doon sa loob ng priority polling place dito sa Bagong Silang Elementary School.
06:50So, nagsisidatingan na rin yung mga poll watchers para masiguro nga na safe yung pagdaraos natin ng eleksyon ngayon.
06:59Alright, maraming salamat sa iyo, Bea Pinlock.
Comments