Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Ginang, dala ang kanyang sanggol sa pagboto sa Nagpayong Elementary School sa Pasig City.


Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://ow.ly/cEFT50VQHix

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00At inabutan namin dito sa Nagpayong Elementary School,
00:04ang isang ginang, dalawang linggo pa lang ang nakalilipas mula ng siya'y manganak.
00:10Pero kahit ganun, nakita natin na iika-ika siya,
00:14yung mukha niya medyo talagang halata,
00:16ang hirap na kanyang iniinda,
00:19talagang naglakad pa rin siya ng 30 minutos mula sa anilang bahay,
00:24papunta rito sa ilalim ng napakatinding init.
00:27At daladala pa niya yung sanggol niya kasi wala namang mag-aalaga sa sanggol niya doon sa bahay.
00:32At wala siya nga may iiwanan din, mapag-iiwanan ng kanyang sanggol,
00:37lalo't nagpapasuso pa rin siya sa kanyang sanggol.
00:39Kaya ang ginawa niya ay daladala niya itong sanggol niya.
00:44At nung bumoboto na siya ay yung electoral,
00:46isa sa mga electoral board na muna ang nagbit-bit o kumarga doon sa sanggol.
00:51Ayon sa ginang, talagang mahirap man para naman daw ito sa kanyang sanggol
00:56at sa iba pa niya mga anak sa kinabukasan nila.
00:59Oras naman na ng mga regular voters ngayon.
01:02Pero marami pa rin sa mga senior citizen na inabutan natin kaninang umaga
01:07na pumila na nung oras pa ng priority o vulnerable sector.
01:13And nandito pa rin at nag-aabang pa rin.
01:15Kasi talagang naipon na sila doon sa may priority polling place.
01:20At napakahaba rin ng pila doon.
01:23Yung mga naiwan doon ay hindi talaga kinakayang makakyat doon sa iba't ibang mga palapag.
01:30Lalo na yung iba, nasa mga fifth floor, sixth floor.
01:33Talagang pahirapan para sa kanila.
01:34Pero meron tayo inabutan dahil nga hindi na talaga nila kakayanin pa na maghintay naman
01:38doon sa priority polling place.
01:40Kahit na yung mag-asawang yun, meron silang iniinda.
01:44Yung lalaki o yung padre de familia, meron siyang iniinda sa kanyang baga.
01:49Kaya talagang mabilis siyang hingalin.
01:52At yung asawa naman niya ay nahihilo at may iniindang Alzheimer's disease.
01:59Pero kapwa sila na talagang pinili na lang nila na umakyat doon sa third floor
02:06kung saan naroon yung kanilang presinto dahil hindi na raw nila kaya pang maghintay
02:10dahil hindi pa sila kumakain at hindi pa rin sila nakakainom ng kanilang maintenance.
02:16Pagdating sa taas na ko talagang kaawa-awa kasi hapong-hapo yung ginang.
02:21Actually silang dalawa pero mas talagang hapong-hapo yung ginang.
02:25Inaabot naman ng dalawa hanggang tatlong oras sa paghihintay para makaboto yung mga regular voters.
02:32Pag dumating kasi sila rito, talagang mahaba na yung pila.
02:35I-imagine mo naman Susan na abot sa 47,429 yung registered voters dito sa Nagpayong Elementary School
02:42na pangaraming mga presinto rito.

Recommended