Sa live interview kay Mayor Vico Sotto, isinaad niya na "ipinapakita ng 2025 Elections na ayaw na ng mga Pilipino ng traditional politics."
Dagdag pa niya, wala raw siyang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon.
Panoorin ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!
WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y
Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news . Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews
00:00Third term, last term, si Mayor Vico Soto. Mayor, your thoughts on this win?
00:05We're very thankful. Papasalamat po ako sa lahat ng pasiginyo, sa kanilang tiwala, sa kanilang suporta, at sa bagong mandato, sa fresh mandate na ito.
00:18Igan, baka may tanong po kayo kay Mayor Vico?
00:22Mayor, third term, last term. What's next?
00:26Yes, sir.
00:30What's next is the next three years. Pagtitibayin natin yung mga nasimulan na pagbabago, reforma, kailangan siguraduhin natin na ma-institutionalize.
00:42Ibig sabihin, dapat kung sino yung mga susunod na leader sa pasig, sisiguraduhin na natin na mas mahirap ng gumawa ng masama, mas mahirap ng maging korap, mas madali ng maging mabuti, at mas madali ng maging tapat sa LGU ng pasig.
00:57Sabi nga namin dito, ang isa na naging puhunan mo sa panalo mo ay yung good governance dyan sa lungsod. Ang problema, tatlong taon ay mabilis lang po yan. Sana kumalat pa itong iyong advokasya ng good governance, Mayor.
01:11Opo, naniniwala naman po tayo na pag may good governance, lahat ng ibang programa, servisyo, sa iba't ibang larangan ay susunod din.
01:25Gaya ng nakikita po natin dito sa pasig, hopefully, nagbubunga yung mga pinaghirapan natin, yung mga pinaglaban natin na pagbabago.
01:35Pero yun nga po, gaya po ng sabi nyo, sir, napakaiksi lang ng tatlong taon. Sa totoo, napakaiksi ng siyam na taon ng maximum ng isang mayor.
01:44Kaya kailangan siguraduhin natin na maging pang mga tagalan, maging sustainable sa pamagitan ng pag-institutionalize ng mga ginagawa po nating reforma rito sa pasig.
01:56Mayor Vito, si Atom po, bawat eleksyon ay merong challenges.
02:02Si Atom.
02:03Oo, talagang naging matindi rin yung labanan, at least, yung run-up doon sa eleksyon.
02:09At least, kung pagbabatayin yung social media, talagang matindi yung bakbakan dito sa pasig.
02:15Ano po yung inyong natutunan? Ito po ang inyong pangatong eleksyon.
02:18Meron po bang mga naging pag-unlad doon sa paraan ng pagkampanya at pagboto, kahit po dyan sa inyong lungsod sa pasig?
02:26Sir, kakaiba po yung 2025. Talagang lahat ng pwedeng pagdaanan siguro na pagdaanan namin.
02:38Lahat ng pwedeng ibato, lahat ng pwedeng kwentong iimbento, lahat.
02:44At ano, pero siguro sa laban na ito, ngayon 2025, ipakita po natin na ang tao ayaw na sa tradisyonal na politika,
02:55ayaw na sa siklo ng korupsyon at maduming politika, ayaw na ng mga lumang kalakaran,
03:02gaya ng vote buying, ayaw na nila ng lumang kalakaran, gaya ng kickback sa gobyerno,
03:09gusto nila ng makabagong politika, makabagong pag-gobyerno,
03:13at handa silang suportahan ang mga kandidato na magpapakita ng makabagong politika at makabagong pag-gobyerno.
03:22Mayor Vico, si Pia Arkanghel po ito.
03:26Siyempre, natatandaan namin nung kayo po ay tumakbo na sa unang beses,
03:30marami po kayong mga goals set para sa sarili nyo.
03:34E ngayon po, sa pagpasok nyo sa inyong ikatlong termino,
03:38masasabi nyo ba na malapit nyo na makamit ang mga layunin ito?
03:42Gano'n ba kayo kalapit o kalayo sa pagtupad sa mga layunin ito?
03:46Well, wala naman perfectong gobyerno,
03:52so hanggat hindi perfecto ang ginagawa,
03:55dapat lagi tayo naghahanap ng paraan kung paano mag-improve.
03:58With that said, we feel that we've had a lot of achievements,
04:02accomplishments, improvements in the last six years,
04:05whether we look at healthcare towards the implementation of the universal healthcare law,
04:11maraming improvements sa mga hospital namin,
04:14hanggang sa primary healthcare, sa housing,
04:19laki ng progreso, pati sa, hindi lang sa vertical project,
04:24hindi, pati sa palupa, sa lahat, hindi ko na isa-isahin,
04:28pero sa lahat ng fields, lahat ng larangan,
04:31sa lahat ng ginagawa ng pamahalaan,
04:34at sa totoo, ang laki ng mga improvement.
04:36Sa totoo, yan ang pwede namin siguro ipagmalaki,
04:39at pwede ko naman siguro ipagmalaki kasi hindi naman yan effort ng mayor lang,
04:43kundi team effort, kusama ng council, kusama ng mga kawani ng ating pamahalaan.
04:49Confident po ako na kahit saan ka tumingin sa City Hall,
04:52opo, marami pang kailangan ayusin, maraming kailangan gawin pa,
04:56pero sa lahat, kahit ano pong tingnan,
04:58nagkaroon ng improvement in the last six years.
05:00Mayor Soto, napansin natin dito sa election 2025,
05:06yung mga nag-last term na nasa national position,
05:08nagtakbuan sa local, mayor, vice mayor,
05:12eh kayo ho ba, last term nyo na po,
05:15may plano ho ba kayo na umakyat o ipromote ang sarili nyo
05:19at pagpatuloy ang good governance sa national position?
05:22Wala po akong balak, eh naman pong lagi kong sinasabi,
05:31kasi naman po wala akong balak.
05:34Sana, hayaan din po ako ng mga tao na magtrabaho,
05:39at hindi yung lagi po akong pinipressure,
05:43o ina, na mag-isip ng kung ano-ano.
05:45O, no, importante, magtrabaho po tayo every day.
Be the first to comment