Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
Tuwing eleksyon, may mga posisyong iisa lang ang tumatakbo; sa Eleksyon 2025, mahigit 1,000 kandidato ang walang katunggali.


Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Kakabit ng issue sa ating bansa, lalo tuwing eleksyon ng mga political dynasty,
00:04o yung mga tumatakbong galing po sa iisang angkan para sa iisa o sa iba't ibang posisyon.
00:10Bawal man ito sa saligang batas, wala pa namang formal na naipapasang batas para bigyang linaw ito.
00:16Dahil diyan, may mga posisyong iisa lamang ang tumatakbo.
00:20Ang paghimay sa mga isyong ito, tungkoyan sa report ni Darlene Cai.
00:30Ang eleksyon sa Pilipinas, animoy piyesta.
00:37Ingay, makulay at kadalasan, kontrobersyal.
00:41Sabi ng ilan, mas kapanapanabik ang eleksyon kapag marami ang nagtutunggalian.
00:46The more, the merrier, ika nga.
00:48Ang eleksyon is about competition.
00:51Ang eleksyon ay meron kang kalaban, di ba?
00:56Pero, ninawawala yung mga lugar na may unopposed candidates.
01:00O yung mga walang kalaban.
01:01Ngayong eleksyon 2025, hindi bababa sa isang libong local candidates ang walang katunggalin.
01:08Katumbas ito ng 6% ng kabuang bilang ng posisyong pinaglalabanan.
01:1220% na mga pwesto para sa district representative at vice mayor ay uncontested o isa lang ang tumatakbo.
01:18Pinakamaraming unopposed ang mga kandidato sa pagkabi si Alkalde na nasa mahikit 300.
01:23Hindi bababa sa 32 LGU sa bansa ang may unopposed candidates mula pagka-alkalde hanggang sa pagkakonsihal.
01:32Pinakamarami sa BARM at Region 10.
01:34Sa tatlong munisipyo nga, senador at martelis lang ang pagbubotohan kasi walang kalaban ang lahat ng kandidato sa lokal mula sa district representative hanggang konsihal.
01:44Ayon sa COMELEC, kailangan lang ng isang boto para manalo ang isang anopposed candidate.
01:50Ayon sa dating D ng UP National College of Public Administration and Governance at kasalukuyang professorial lecturer ng public administration na si Dr. Edna Co,
01:59hindi maganda ang indikasyon nito sa isang demokratikong eleksyon.
02:02Ang eleksyon is about the voters, hindi siya about the candidates lang eh.
02:08Yun yung masakit kasi anti-thesis siya ng eleksyon eh.
02:12Pag wala ka ng pamimilian, bakit pa natin tinawag na panahon ng eleksyon?
02:18So, napaka-ironic nung ganung klaseng sitwasyon.
02:22At sa akin, ito yung pagdausdos ng demokrasya.
02:27Kasi yung eleksyon ay about choices. It's about democracy.
02:33Ayon pa kay Dr. Co, nagpapakita rin ito ng pag-aangkin o pag-control sa kapangilihan.
02:38Factor yung galing ito sa political dynasty.
02:43Andiyan na, nakalukluk na yan ng ilang panahon.
02:47At yung isa rin, kasi wala eh.
02:49Yun lang yung may kapangyarihan na gumasto sa eleksyon.
02:53Hindi talo, hindi kaparehas ng power ng ibang tao na may kwalifikasyon, may lakas ng loob.
03:02Pero wala kang gagamitin dun sa pag-ikot sa isang lugar.
03:05So, walang fight, walang laban.
03:09Kaya, unequal talaga.
03:11Dun pa lang sa panahon na yun.
03:13Wala ng equality ng chance.
03:16Nakasaad sa 1987 constitution na bawal ang political dynasty alinsunod sa depinisyong itatakda ng batas.
03:24Pero hanggang ngayon, wala pa rin batas na nagbibigay ng depinisyon sa political dynasty.
03:28Nito lang Abril, dumulog sa Korte Suprema ang ilang grupo para hilinging utusan ng Korte ang Kongreso na magpasanan ng batas na nagbabawal sa political dynasty.
03:39Punan nila, apat na dekada na ang nakararaan pero wala pa rin batas kaugnay nito.
03:44Kung tutuusin mula 8th Congress, iba't ibang panukala na laban sa political dynasty ang inihain sa Senado at Kamara.
03:51Ngayong 19th Congress, naghain ang mga senador na si Grace Poe at Robin Panilla ng magkahiwalay na panukala sa Senado.
03:59Habang si Rep. Raul Manuel naman sa Kamara, lahat nakabimbin sa komite.
04:05Kung si Dr. Coe ang tatanungin, tila malayo pa tayo sa inaasam na pagsasabatas ng anti-political dynasty.
04:12Lalot sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism, 8 sa 10 kongresista ay miyembro ng political dynasty.
04:19Apaligay ko hindi natin masyadong aasahan na yung kongreso ang mag-take ng lead sa pagpapasa ng isang batas na sisira mismo sa kanilang presence.
04:34Parang ironic yun eh. Mawawala ka dahil dun sa bill na pinasa mo. Parang you shoot yourself by the foot.
04:41Kung susundan ang pahayag na yan, ano nga ba ang dapat gawin para maisakatuparan na ang nakatakda sa saligang batas?
04:50Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai dapat totoo sa eleksyon 2025.
Comments

Recommended