00:00Anak ang umano'y nag-utos na kidnapin at patayin ang negosyanteng si Anson Tan o mas kilalang Anson Ke at kanyang driver.
00:08Ayon po yan sa sinumpaang sa Laisay ng isa sa mga suspects sa krimen.
00:12Nakatutok si Salima Refran.
00:17Sa isinumiting referral ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Department of Justice noong April 19,
00:24may 6 na pangalan silang inirekomenda para sa preliminary investigation.
00:27Kaugnay sa pagkidnap at pagpatay sa businessman na si Anson Tan na kilala rin sa pangalang Anson Ke at sa kanyang driver.
00:36Kabilang sa kanila ang isang Rong Shan Gao o Alvin Ke na 42 taong gulag na ayon sa isang source sa PNP ay kaisa-isang anak na lalaki ni Tan.
00:48Habang nasa kamay ng kidnapper si Anson Tan, ang anak na si Alvin ang nagsilbing negosyator ng pamilya.
00:54Ayon pa sa police report, si Alvin ang nagbayad ng ransom sa mga kidnapper.
00:59Sampung milyong piso ang unang inilagak sa isang cryptocurrency account noong March 31,
01:05dalawang araw matapos makidnap si Tan.
01:07At dagdag na tatlong milyong piso noong April 2 sa parehong account.
01:12Pero kahit bayad na, natagpo ang paring patay si Tan at kanyang driver noong April 9 sa Rodriguez Rizal.
01:18Kasama sa isinumite ng PNP sa Department of Justice, ang affidavit ng suspect na si David Tan Liao, 48 taong gulang na tumong fukian, China.
01:29Si Liao ay sumuko sa polisya matapos may maarestong dalawang suspect sa Palawan noong mahal na araw.
01:35Sa affidavit ni Liao, sinabi niyang kilala niya ang mag-amang Anson at Alvin.
01:40January ng taong ito, Anya, nang tawagan siya ni Alvin at sabihin may ibibigay sa kanyang trabaho.
01:46February naman ang mag-offer sa kanya si Alvin ng P100M para dukuti ng amang si Anson.
01:54Ayon kay Liao, kasama niya sa pagpaplano ang mga suspect na inaresto sa Palawan na si Richard Austria alias Richard Tan Garcia at Raymart Katikista.
02:04May babae rin siyang nabanggit na kasama Anya sa pagdukot at paghingi ng ranso.
02:09Si Alvin Anya ang nagbigay ng ghost signal na patayin si Tan at ang driver.
02:14Ayaw magbigay ng pahayag ng pamilya tan sa ngayon.
02:17Sa preliminary investigation kahapon, sinabi ng abogado nila na gusto na lang maimbestigahang mabuti ang kaso.
02:24Meron sila kasing iniimplicate ng ibang tao na request namin i-pursuit.
02:33Kung hindi man totoo, i-clear yung pangalan.
02:37E kung totoo man, dapat malaman yung totoo.
02:41Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni Alvin K.
02:45Ayon naman sa Department of Justice, kailangan pa nila ng kaunting panahon para matukoy ang mastermind at ang motibo ng krimil.
02:54Give us around 20-25 days. It will be done.
02:58It might pull off a surprise. Baka kagulat-gulat ang lumabas.
03:03Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, nakatutok 24 oras.