00:00Hingin muna natin ang update mula sa DOJ.
00:03USEC Marge, nagsagawa kayo ng lecture series kamakailan para sa mga susunod na mga abogado at law enforcers.
00:10Ano po ba ang detalye nito?
00:12Asik DL, nagsagawa ang Department of Justice Action Center ng isang legal lecture series sa Region 3
00:18upang ituro sa mga susunod na abogado at tagapagpatupad ng batas kung paano gumagana ang criminal justice system sa bansa.
00:25Ang hakbang nito ay isa sa mga pangunahing programa ng bagong Pilipinas na naglalayang palakasin ang criminal justice system
00:32sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulia.
00:39Ginanap ang lecture series sa Wesleyan University, Philippines o WP sa Cabonatuan, Nueva Ecea,
00:46ang nag-iisang paralan ng abogasya sa lalawigan.
00:49Sa pakikipagtulungan ng John Wesley School of Law and Governance o JWSLG
00:55at ng Integrated Bar of the Philippines Nueva Ecea Chapter,
00:5951 na law students at 39 criminology students mula sa WP ang sumalis sa lecture series.
01:06Dumalo sa programa sina IBP Nueva Ecea President Atty. Maria Carmela Wenceslao,
01:11IBP Nueva Ecea Secretary Atty. Joanne Florence Padilla,
01:15at JWSLG Associate Dean Atty. Darren J. Gonzales.
01:20Sa kanyang pagbati, ipinagmalaki ni JWSLG Dean at dating judge na si Inocencio V. Sagon Jr.,
01:28ang mga natatangin bisita sa programa gaya ng tagapagsalita na si Atty. Benjamin Earl V. Hernal
01:34at DOJAC Region 3 Legal Assistant Clarence Antonio V. Hernal,
01:38nakakapwa-parehong produkto ng JWSLG.
01:41Hinimok naman ng inyong lingkod ang mga kalahok na isa puso
01:45at isa buhay ang mga natutunan sa programa para ipagtanggol ang kapwa lalo na ang mga inaapi.
01:52Sumentro ang talakayan ukol sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012,
01:59Preliminary Investigation at Inquest Proceedings.
02:02Samantala, tinapos ni DOJAC Program Director Assistant State Prosecutor Joanne Carla Guevara
02:08ang programa sa isang audio-visual presentation na nagpapakita sa mga libreng legal na servisyo
02:14ng DOJAC para sa taong bayan.
02:20Yusay, siguro dagdag na tanong na lang po.
02:22Kailan po at saan naman yung susunod na lecture series?
02:26So next month, we're planning another lecture series.
02:30Sana ma-approve na ito sa Sanbeda University School of Law naman
02:35para sa mga law students natin doon.
02:38Dito naman sa NCR?
02:39Yes, sa NCR naman.
02:40Okay po. Maraming salamat, Yusek March,
02:42sa mga update na ibinahagi ninyo sa amin mula sa Department of Justice.