00:00Bukod sa pagbibigay ng mga makabagong makinarya sa pagsasaka,
00:04patuloy rin hinihikayat ng pamahalaan ang mga kabataan sa agrikultura.
00:08Yan ang ulat ni Gary Carillo ng Radyo Pilipinas Albay.
00:14Malaki ang pasasalamat ng Kipia Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative sa pamahalaan
00:20dahil sa milyong-milyong pisong tulong na natanggap nito mula sa Department of Agriculture.
00:25Ginhawa sa pamumuhay ng higit 150 magsasaka ang ibinunga ng mga makabagong makinarya,
00:31fertilizer tractors at pagsasanay na natanggap ng kooperatiba mula sa ahensya.
00:37Binibigyan nila kami ng mga trainings, lalo na itong grupo ko na dati wala po kaming idea sa modern farming
00:45pero dahil po sa mga patrainings nila sa ADI, malaking tulong po.
00:52Napaparami po ang production namin po.
00:54Dahil sa walang patid na tulong ng pamahalaan, lubos ang panghihikayat ng QARBC sa mga kabataan at ang kiliki ng agrikultura.
01:02Malaki kasi ang mayaambag nila para matiyak ang food security ng bansa
01:06at masolusunan ang tumatandang populasyon ng mga magsasaka.
01:10Habang bata pa sila, mamulat na sila na maganda ang sektor din ng agrikultura at matutulungan nila,
01:19hindi lang ang pamilya nila pati na rin ang komunidad at magkakaroon tayo ng food security.
01:27Ang mga ganitong tulong at inisyatibo ng DA ay pahagi lamang ng pagsusumikap ng pamahalaan
01:33sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan at palaguin pa ang sektor ng agrikultura.