00:00Halos 18,000 mula sa mahigit 135,000 exam takers o 13% ang kwalifikado sa University of the Philippines College Admission Test o UPCAT.
00:11Mas mataas ito ng 6.74% kung ikukumpara sa UPCAT qualifiers noong nakaraan taon.
00:17Sisimulan natin ngayon academic year 2025 to 2026 ang College of Medicine at Engineering sa UP Mindanao.
00:24Bukas din ang Universidad ng Pilipinas sa Indigenous People at nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDAS.
00:33Handa ang universidad na ibiyahe ang mga naninirahan sa GIDAS sa mga testing center para mabigyan ng oportunidad sa UPCAT.
00:40Hinihikaya din ng UP, ang mga alumni at iba pang pribadong sektor na mag-donate sa Lingap Program na tumutulong sa mga mag-aaral na nakararanas ng pagsubok sa pinansyal.
Be the first to comment