00:00Binuksan na ng Department of Social Welfare and Development
00:03ang aplikasyon para sa Nationwide Government Internship Program.
00:07Ang GIP ay bahagi ng Kabataan 2000 Program ng pamahalaan
00:11na layong bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante
00:14ng kasanayan sa pagtatrabaho, lalo na sa mga tanggapan ng gobyerno
00:18habang tinutulungan na matustusan ang kanilang pag-aaral.
00:22May kalakip kasi itong sahod na katumbas ng 75% ng regional minimum wage.
00:29Pasok sa GIP ang mga nasa kolehyong 18-25 taong gulang.
00:35Mas mainam kung papasok ng 3rd hanggang 4th year
00:38at may buwanang kita ang pamilyang nasa poverty threshold
00:41ng Philippine Statistics Authority.
00:44Ilan sa mga gagawin ay administrative tasks tulad ng pag-i-encode,
00:49pagtatalaga ng mga dokumento at pakikipag-ugnayan sa iba pang tanggapan ng gobyerno.
00:55Pwede magsumiti ng application sa email at link na naka-flash
00:59sa inyong screen.
01:0375 ang available internship slots sa bawat DSWD field office,
01:09habang 35 intern naman ang tatanggapin sa central office sa Quezon City.
01:15Tatanggap ng katumbas na 75% ng regional minimum wage as of November 2022
01:23ang mga intern na kailangang makapagsilbi ng 30 working days.
01:29Sa mga entresado, aba, ano pang hinihintay niyo?
01:32Apply na!