00:00Pinagahandaan na ng DSWD ang pagsasagawa ng School Feeding Program para sa mga mag-aaral sa nalalapit ng School Year 2025-2026.
00:08Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Noel Talakay ng PTV Manila.
00:15Sa pagbubukas ng pasukan ngayong School Year 2025-2026,
00:20inihahanda na ng Department of Social Welfare Development o DSWD
00:25ang kanilang School Feeding Program para sa mga batang mag-aaral sa bansa.
00:30Mahigit 1.5 million na mga batang nasa Child Development Centers at Supervised Neighborhood Play
00:37ang makikinabang sa Supplementary Feeding Program ng ahensya.
00:42Sa programang bagong Pilipinas ngayon ng PTV,
00:45sinabi ng tagapagsalita ng DSWD na si Assistant Secretary Irene Dumlao,
00:50sa loob ng 120 days, ang mga bata ay bibigyan ng hot meals at gatas.
00:57Sa pagpapatupad ng nasabing programa,
00:59ititimbang at susukatin ang tangkad ng isang batang may edad 2-5 taong gulang.
01:06Ayon kay Dumlao, gagawin ito sa simula at habang ipinatutupad ang feeding program
01:11para makita ang magandang epekto nito sa mga bata.
01:15Sinabi rin ni Dumlao na whole-of-government approach ang pagpapatupad ng nasabing programa
01:20para matiyak na tuloy-tuloy ang pagpapatupad nito kahit mayroong mga sakuna o kalamidad.
01:26In the past 3 years na ini-implement natin itong supplementary feeding program,
01:32an average of 73% ng mga undernourished children na na-identify o natupol natin prior to the start of the feeding cycle
01:45ay nag-improve po yung kanilang nutrition status after the feeding cycle which is 120 days.
01:52So makikita po natin, naging malaki yung ambag nitong SFP sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrition
02:02ng mga bata na nasa child development centers at mga supervised neighborhood plays.
02:10Ayon sa DSWD, ang feeding program ay bahagi ng programa ni Pangulong Ferdinand Marquez Jr.
02:16kaugnay sa Zero Hunger at ang budget nito na nakalaan ay mahigit 5.8 billion pesos.
02:23Mula sa PTV Manila, Noel Talacay, Malitang Pambansa.