00:00Planong isulong sa 20th Congress ang pagpapaikli sa college education.
00:05Kasunod ito ng pag-amin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigo ang K-12 program
00:10na ihanda ang mga estudyante para makakuha ng trabaho pagkatapos ng senior high school.
00:15Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, ang pagpapaiksi ng college education ay katuparan sa pangako ng gobyerno
00:22na mabawasan ang taon sa kolehyo kapag naipatupad na ang K-12 program o dagdag na dalawang taon sa high school.
00:30Plano ng Senador na imungkahin ilagay na lang sa senior high school ang general education courses
00:35para matutukan ng mga estudyante ang kanilang specialization sa kolehyo.