Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsalpukan ang isang kotse at isang motorsiklo sa mga aldaan, Pangasinan.
00:04Sa Antipolo City, patay ang isang rider matapos sumalpok sa nakahintong truck ng basura.
00:10Saksi si Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
00:17Disgrasyang sinapit ng isang rider matapos siyang bumanga sa truck ng basura sa Antipolo City nitong Martes ng gabi.
00:23Sa investigasyon ng pulisya, mabilis na tinatahak ng motorsiklo ang sumulong highway, papuntang masinag, nang salpukin nito ang dump truck.
00:31Nakahinto at nangongolekta ng basura ang truck nang mangyari ang salpukan.
00:34Nagkasundo ang pamilya ng rider at may-ari ng truck matapos sagutin nito ang pagpapalibing at burol ng biktima.
00:41Kotse at motorsiklo ang nagsalpukan sa bahagi ng barangay poblasyon Mangaldan, Pangasinan, bandang tanghali kahapon.
00:48Binabagtas ng kotse ang Garcia Street habang mula naman sa Frianeza Street ang motorsiklo.
00:52Pagdating sa panulukan ng dalawang kalsada, dito na nagsalpukan ang dalawang sasakyan.
00:57Nagtamon ng sugat sa katawan ang rider ng motorsiklo.
01:00Nagkaayos na rin ang dalawang sangkot sa aksidente.
01:03Panawagan ng otoridad sa mga motorista na maging maingat at alerto sa pagmamaneho.
01:08Dapat sana pagdating sa mga interception ay lang mag-slow down.
01:11Para lang sa ganon siguradong walang matidisagrahan dahil nga makikita mo kung sino yung kasalobong mo.
01:18Ako si Sandy Salvation ng GME Regional TV, ang inyong saksi.
01:23Itinaboy ng Philippine Coast Guard ng isang dayuhan fishing vessel na namataan mula sa Lawak Island na sasakop ng Kalayaan
01:31Island Brew.
01:32Ayon sa PCG, tanghali nang mamonitor ang bangkang pangisda na pinataya na sa 2 nautical miles hilagang silangan ng Lawak
01:40Island.
01:41Pasok yan sa Territorial Sea ng isla.
01:43Agad nagsagawa ng Maritime Patrol at Law Enforcement Operation ng PCG na bumuntot sa bangka hanggang umalis ito.
01:53Extended hanggang linggo ang pig holiday ng ilang grupo para iprotesta ang pagpasok na imported na karning baboy sa merkado.
02:01Ayon sa mga nagpaprotesta sa laki ng lugi ng ilang hog racer, marami nang nagsera.
02:07Saksi si Oscar Oida.
02:11Sa ikalawang araw ng kanilang ipinatutupad na pig holiday, nagtipon-tipon sa may harap ng Department of Agriculture kaninang umaga
02:20ang ilang pig producer.
02:23Pinagsigawan nila ang panawagan laban sa pagpasok ng inaangkat na karne ng baboy sa bansa.
02:28Ayon sa mga magbababoy, sobra-sobra na ang supply dahil sa importasyon.
02:34Kaya bumagsak sa average na 135 piso kada kilo ang presyo ng buhay na baboy.
02:41Umaabot naman sa 250 milyong piso araw-araw ang tansyang pagkalugi ng industriya.
02:48Marami na ang nagsasara, lalong-lalo na po yung maliliit na magbababoy.
02:56Kung hindi po natin ito papipigilan, darating po ang araw.
03:01Wala na po ang karning baboy na matitikman ang pamilyang Pilipino.
03:07Hiling ng grupo, pansamantalang ipatigil muna ang pag-import ng pork.
03:13At kapag itunuloy na ang pag-aangkat, ay itaas sa dati ang ipapataw rito ang taripa.
03:20Babala nila kapag walang agarang aksyon, mas maraming pig producers ang posibleng magsara at mawawala na kabuhayan ang libo-libong
03:30pamilyang Pilipino.
03:31Humarap naman sa kanila si Department of Agriculture Undersecretary Asis Perez upang basahin ang mensahe ng Agriculture Sekretary Francisco Chula
03:42Ruel Jr.
03:43Hindi makatarungang malugi ang ating mga producer dahil dahil sa hindi patas na kompetisyon.
03:50Kaya isinisulong namin ang pagbabalik ng 40% taripa sa imported na baboy.
04:01Magpapatupad din daw ang DA ng dalawang buwang moratorium o pagtigil sa pag-import ng pork simula Nobyembre.
04:09Upang mabigyan ng pagkakataong makabawi ang ating mga hog raiser.
04:14Pero tila di ito sapat para sa grupo.
04:17Unang-una, kulang. Kailangan minimum apat na buwan.
04:24Dahil kayo mismo may sabi, limang buwang mahigit ang imbintaryo ng baboy.
04:31Kapag ang epektivite ng import bag ng karne, pagyan ni November 2010, 7 billion.
04:41Ay para na naman kaming nadaanan ng tatlong super typhoon kasama na yan, super el ninyo.
04:48Sa ngayon po, ang pwedeng panindigan, yung inyong mungkahi na isama sa pag-aaral, aaralin po natin yun.
04:56Kaya sa huli, imbis na hanggang sa sabado na lang, nagpa siya ang grupo ng mga magbababoy na ituloy ang
05:03kanilang pig holiday hanggang sa linggo.
05:13Ang wika, hindi lamang nagbubuklod sa bawat mamamayan.
05:18Sumasalamin din ito sa ating pagkakakilanlan para maalagaan ito at matutunan at nang nakararami isang language learning app
05:26na proudly Pinoy made ang ginawa ng mga estudyante at developer.
05:30Ating saksihan!
05:35Sa panahong mabilis ang mga ganap at makabago ang mga teknolohiya,
05:41kahit mga mahirap aralin, maaaring matutunan in just a snap.
05:47Ang iba't ibang lingwahe.
05:50Merci beaucoup.
05:51Kamzanda.
05:52Arigato ogozaymas.
05:53Gracias.
05:54Pwede na matutunan sa tulong ng mga language learning app.
05:58Nahilig nga rito ang mga Pilipino.
06:01Ng itong pandemya, tumaas na mahili 30% ang monthly average users ng isang sikat na language learning app sa
06:09Pilipinas.
06:10Pero ang grupo ng mga estudyante at developer, mga wikang Pilipino, ang gustong ilapit sa maraming tao.
06:19Kaya ang kanilang brilliant idea, ang paggawa ng app na WIKA PH.
06:25We wanted to base it on the familiarity of learning apps around that are available.
06:29Because we need to provide an app that can be understood and can be immediately used.
06:37Isa raw sa frustrations ni Kien na lumaki sa isang Ilocano household, ang matutuhan ang wika nila.
06:45Kaunti lang kasi ang naintindihan niya.
06:48At hindi niya kayang makipag-usap sa Ilocano.
06:51Noong 2025, naging interest ko na na mag-aral at matutunan kung ano yung meron dito sa Ilocano language or
06:58culture.
06:59At doon ko nakita na may lack of digital tools or lack of learning resources.
07:05Kaysa na maghanap ako ng solusyon, dineside ko na ako nalang gumawa ng solusyon.
07:10Ang prototype nito, niligharo ni Kien sa loob lang ng 16 hours.
07:17At matapos ang limang buwan, opisyal nang nilaunch ang app.
07:22User-friendly at madali lang in-navigate ang interface ng WIKA PH app.
07:28Sa ngayon, nag-offer ito ng Tagalog, Cebuano, Inukano, Higaynon at ASI Language Lessons.
07:37Sa panahon po ngayon kasi, diba, mababa na po yung parang retention ng mga tao.
07:43In this kind of way, we wanted to gamify.
07:45Matututo ka na pero nage-enjoy ka pa.
07:47We use that kind of space repetition learning in the way true quizzes and true lessons para ma-retain siya
07:55sa'yo.
07:56Isa pang unique feature ng app, ang dialekto.
08:00Kung saan may mapagtatanungan ka ng tamang pagbigkas.
08:05In Cebuano, you can say maayong gabi.
08:08Magamit ng salita, kahulugan, at maging ng etymology o pinagmula ng salita sa napili mong lingwahe.
08:18Since you are asking about Higaynon, you can say pabilis ang isa ka, Kendi.
08:22It is a sweet way to ask for a treat.
08:25Para masigurong tama ang kanilang itinuturo.
08:28Nagkaroon po kami ng parang community na may makasama kaming mga native speakers, validators, mga linguists na patuloy na tumutulong
08:38sa amin hanggang ngayon.
08:39Malayo na nga ang narating ng proyektong ito na nagsimulang school at passion project.
08:46Ngayon ay award winning na.
08:48Pero di raw dito natatapos ang misyon ng WICA Team PH.
08:54Ang naging goal ng WICA PH ay kahit na sangka nakatira, kahit na sangka nang galing sa anong lingwahe pa
09:02yung sinasabi mo,
09:03gusto namin matulungan na makapag-aral, maintindi na ito yung ganito kayaman yung kultura sa Pilipinas.
09:09Ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
09:17Noong 2025, umabot na sa $3.06 million o katumbas ng halos 195 million pesos ang halaga ng mga ube
09:27at ube-based product na na-export ng Pilipinas base sa datos ng Department of Trade and Industry.
09:33Pero ang lumalaking demand sa ube, hirap na masabayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.
09:39Kaya bukod sa pondong ilalaan ang gobyerno para sa industriya,
09:43nagbigay din ang pondo sa Pilipinas ang Amerika na katumbas ng mahigit 2 bilyong piso.
09:49Ating saksihan!
09:54Ice cream at turon, halaya, halo-halo, ilan lang yan sa mga kilalang panghimagas na mga Pinoy na ginagamitan ng
10:02ube.
10:03Pero hindi na lang sa Pilipinas umaariba ang ube.
10:06Patok na rin ito sa Canada, Middle East at iba pang bahagi ng Asia.
10:12Nakikilala na rin ito sa Amerika, South Korea, Europa at maging sa Japan.
10:17I think social media has been hugely impactful.
10:20I think it is a primary driving force for what people have been calling the ube boom.
10:25It has a natural vibrant color that obviously attracts instant attention.
10:29It's a natural flavor.
10:30Magandang oportunidad yan para sa mga magsasakang Pilipino.
10:34Ang kaso...
10:35Kakaunti ang napaparm.
10:37Ngayon ang mga gumagawa na lang are mga malalaking investor.
10:43Ayon sa Bureau of Plant Industry, matagal ang produksyon ng ube,
10:46di tulad ng iba pang mga pananim at bulay.
10:49The production aspect of ube is still the biggest gap to be bridged by the government and other stakeholders.
10:59Because for you to have a tuber, you need to wait at least 10 months.
11:05Sa mga nakalipas na taon, naglalaro sa mahigit 12,000 hanggang mahigit 30,000 metric tons
11:11ang produksyon ng ube sa bansa base sa tala ng Philippine Statistics Authority.
11:16Kabilang sa key regions na nagpo-produce ng ube ang Central Visayas, Calabarzo, Cagayan Valley at Northern Mindanao.
11:22Noong kalagitnaan ng Agosto, naglabas ang Department of Agriculture Bureau of Plant Industry ng indefinite suspension sa pag-export ng
11:30ube o purple yam.
11:32Ayos sa DA, partikular na ipinagwabawal munang i-export ang unprocessed at raw ube na maaaring maggamit bilang pananim.
11:39Sabi ni Agriculture Secretary Francisco Tulaurel,
11:42Hula ang Pilipinas sa planting material ng ube, kaya ayaw nilang iluwas ang halamang ugat sa mga bansang posibleng maging
11:49kakompetensya pa ng bansa.
11:51Pinagaaralan pa raw nila ang timeline ng export ban na posiblene niyang tumagal nang di bababa ng isang taon.
11:57Kabilang sa mga hakbang ng gobyerno para mapanagwa ang ube sa bansa,
12:01ang pakikipagtulungan sa mga LGU at research centers para matukoy ang mga magandang lugar para taniman ng ube.
12:07Target kasi ng DA na mapalawak pa ng isang libong hektarya ang taniman ng ube para makasabay sa global demand.
12:15Kabilang sanays nila mapondohan ang mga farm development, pasilidad at produksyon ng ube.
12:20Binoorin ang United Ube PH Association Incorporated na magbubuknot sa mga magsisaka at iba pang stakeholder na tututok sa industriya
12:28ng ube.
12:28Para suportahan ang pagpapalago ng produksyon ng ube, inaprubahan ni Pangulong Bombo Marcos ang hiling ng DA na 300 million
12:36peso budget ng ube industry para sa 2027.
12:39Nagbigay din ng 34.1 million US dollars o katumbas ng mahigit 2.1 billion pesos ang US Department of
12:46Agriculture para suportahan ang pagpapaunlad ng ube industry ng Pilipinas.
12:51Inakasahang masusuportahan ang pondo ang mahigit 12,000 magsasaka ng ube sa susunod na limang taon.
13:01Mananatili bilang palace press officer si Undersecretary Claire Castro.
13:05Yan ang tiniyak ni Presidential Communications Office Acting Secretary Lino Cayetano.
13:11Ayon kay Cayetano, nagsumite ng courtesy resignation ang lahat ng tauha ng PCO sa kanyang pag-upo bilang kalihim.
13:19Ayon kay Cayetano, may mga tatanggapin siyang pagbibiteo pero may mga kakayaan din siyang manatili.
13:25Kabilang na si Castro na tinawag niyang isang pressure.
13:29Dagdag ni Cayetano, higit sa pagpapahayag ng mga programa at pulisiya ng gobyerno,
13:34suportado ang yan ng PCO ang pagiging tagasalag ni Castro para sa Pangulo at Malacanang.
13:42Nag-high na reklamong libel at cyber libel si Davao City First District Representative Paulo Pulong Duterte,
13:50kaugnay ng mga pahayag ng dating pulis na si Rodolfo Gracioso ng paghatid umano ng pera.
13:57Bukod kay Grasyoso, inireklamo rin ni Duterte sa Office of the City Prosecutor sa Davao City Hall,
14:03si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag.
14:06Isinama rin sa reklamo ang ilang executives at personalidad ng GMA Network.
14:12Ayon kay Duterte, walang katotohanan ang mga pahayag.
14:16Sa isang pahayag, sinabi ni Matibag na di pa niya nakukuha ang kopya ng reklamo
14:21pero karapatan niya ito ni Congressman Duterte at mainam nang idinulog niya ito sa korte.
14:28Kinukuhanan pa namin ang pahayag si Gracioso.
14:31Sa isang pahayag, sinabi ng GMA Network na hindi pa nito natatanggap ang kopya ng reklamo.
14:37Pag-aaralan daw nila ito at magbibigay ng komento kapag natanggap na ang reklamo.

Recommended