00:00Asahan ng pagpapaiting ng mga programa ng Anti-Red Tape Authority o ARTA ngayong 2025.
00:06Sa programang bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni ARTA Director General Ernesto Perez
00:11na bahagi ito ng kanilang mandato na pabilisin at pasimplihin ang mga proseso sa gobyerno.
00:17Itong nakalipas na taon, sa BISAN Executive Order 32 na pinirmahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:24pinalalakas sila ang internet connection sa mansa,
00:27kung saan mula sa higit 200 araw, naging higit 50 araw na lang ang itinakbo ng proseso
00:34para makapag-operate ang mga tower ng mga telecommunications company.
00:38Pinabilis din nila ang pag-i-issue at pag-renew ng mga business permits taon-taon.
00:43Gayun din ang pagtutok nila sa pagpapatupad ng requirements ng ease of doing business law,
00:48kung saan ang mga lokal na pamahalaan ay dapat nakapagtaguyod o makapagpatupad ng electronic one-stop shop.
00:56Dumami din ang kanilang mga town hall meetings sa buong bansa,
00:59katuwang ang Presidential Communications Office.
01:02Ngayong 2025, marami pang proyekto ang dapat asahan
01:06na magpapaayos ng sistema sa mga ahensya ng pamahalaan sa panguguna ng ARTA.
01:12Our aim is not only to reduce red tape, but to totally eliminate red tape.
01:18Kasi narinig po natin ang hinahing ng ating mga negosyante.
01:22Recently po nagkaroon ng survey ang Management Association of the Philippines.
01:26Ang number one concern is really about red tape at corruption in the process.
Comments