00:00Positive ang Agriculture Department na may tatala ngayong taon ang record high na ani sa palay at mais.
00:08Ito ay sa harap na rin ang naitalang pagtaas sa rice at corn production sa unang kalahati ng taon,
00:14batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
00:18Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr.,
00:22isang magandang balita ito lalo't lumago ang produksyon sa kabila ng iba't ibang mga hamon
00:27at sa tulong na rin anya sa suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Kongreso,
00:34tiwala ang kagawaran na makapagtala sila ng mas mataas na ani ngayong taon.
00:41Bukod sa mas magandang panahon, ipinapatupad na din ang DA at National Irrigation Administration
00:47ang double dry cropping upang mapataas ang rice output ng bansa.
00:52na nanatili pa rin malaga ang papel ng rice at corn industry sa sektor ng agrikultura
00:59na may ambag na 10% sa gross domestic product at nakakapagbigay ng trabaho sa dalawa kada sampung Pilipino.