00:00Programang Masters of the Game ng inyong People's Television Network.
00:04Kabilang sa mga tumanggap ng parangal sa katatapos lamang ng 2024 Content Asia Awards
00:11na hindi na ako sa Taipei, Taiwan.
00:13Si Rafael Bandayrez sa Detalle. Rise and shine, Rafael!
00:20Tumanggap ng parangal ang PTV Sports Original na Masters of the Game
00:26sa 2024 Content Asia Awards sa Taipei, Taiwan.
00:30Nanalo ng Bronze Award ang programa sa kategoriyang Best Sports Magazine Program.
00:36Sa pangungunan ng batikang mamamahayag na si Bill Velasco,
00:39sinundan ng Masters of the Game,
00:41ang makukulay na kwentong buhay at legasya ng mga alamat sa kasaysayan ng Philippine sports.
00:48Ang host ng programa na si Velasco,
00:50ang tumanggap ng prestihiyosong parangal.
00:53Ang intention talaga ng Masters of the Game ay magbigay-pugay sa mga atleta natin,
00:57sa mga alamat ng sports sa Pilipinas,
01:00lalong-lalong na yung mga nasaksihan natin mismo yung ginagawa nila,
01:05pamamayani sa buong mundo.
01:07So yun lang, yun lang talaga ang payak na gusto naming mangyari.
01:11Matapos malampasan ang pinagdaan ng krisis sa kalusugan noong mga nagdaang buwan,
01:15ikinalulugod ni Velasco na muling makabalik sa pamamahayag
01:19at paghahatid ng mga balita sa mundo ng palakasan.
01:23Hindi ko pa nga kayang maglakad, no?
01:25Pagkatapos ng operation sa puso, noong Hulyo, pumasok na ako sa trabaho ulit.
01:30At ngayon naman, nasa ibang bansa tayo tumatanggap ng award, no?
01:34Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos, sa aking pamilya,
01:38sa PTV, sa grupo natin sa PTV sports,
01:41at sa bago kong pamilya sa D1 12.06 a.m.
01:43dahil sinabi ko nga,
01:46I'm only here through the grace of God and the help of my friends.
01:50Present din sa naturang event ang Filipino stars na Sinakayla Estrada,
01:54Kim Chu, at Arjo Atayde na nanalo bilang Best Male Lead in a TV Program.
02:00Bukod sa Masters of the Game,
02:02nominado rin para sa kategoriyang Best Asian Talk Show
02:06ang programang schoolmates na mapapanood lamang
02:09dito sa People's Television Network.
02:12Mula sa Taipei, Taiwan, Rafael Bandayrel
02:15para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments