00:00Isinailalim na sa Red Alert Status ang buong lalawigan ng Katanduanes sa gitna ng matinding banta ng Bagyong Ada.
00:07Tiniyak naman ang provincial government ang assistance sa mga inilikas na pamilya.
00:12Si Rosie Mieva ng Radio Pilipinas Katanduanes sa Setro ng Balita.
00:18Dahil sa banta ng Bagyong Ada, isinailalim na ni Governor Patrick Asanza sa Red Alert Status ang buong lalawigan ng Katanduanes.
00:26Suspendido na rin ang pasok sa eskwelahan sa lahat ng antas sa ilang bayan.
00:31Wala na rin biyahe ang mga sasakyang pandagat, kaya naman ang provincial local government unit tinitiyak na nabibigyan ng agarang tulong ang mga stranded na pasahero.
00:41Mahigpit din ay pinatutupad ang no-sailing policy, lalo na para sa maliliit na bangka at mga motorized passenger bangka.
00:48Sa ngayon, nasa full mobilization na ang lahat ng disaster response agencies upang tiyakin ang agarang pagtugon sa anumang posibleng epekto ng bagyo.
00:57Ipinagutos din ang provincial government ang paghahanda ng mga evacuation center habang nagsimula na rin magpreposition ng foodpacks,
01:04ang lokal na pamahalaan ng Virac para sa mga malalayong komunidad.
01:08Inatasan din ang mga kinauukulang ahensya na tiyaking maayos ang komunikasyon sa pagitan ng emergency operation centers, incident management teams at mga barangaya.
01:19Patuloy namang pinapayuhan ng publiko na manatiling alerto, subaybayan ang maabiso ng PDRRMC at sumunod sa mga tagubili ng lokal na pamahalaan.
01:28Mula rito sa Katanduanes para sa Integrated State Media, Rosineva ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments